CHAPTER 04

175 5 0
                                    

Elqenna Bennett's POV



Tahimik akong nakatingin sa kawalan sa labas ng bintana.

Muling pumasok sa aking isipan ang sinabi ng lalaking nagdala sakin dito sa clinic.

"You can't fool me, sino ba namang siraulong tao na may malalim na sugat na hindi manlang nakakaramdam ng sakit?"

Hanggang ngayon tanda ko pa rin ang araw na iniligtas ako ni Dad. Namatay ang parents ko dahil sa ambush, pinagbabaril ang sinasakyan naming van. Unang tinamaan ang Mom ko sakto sa puso niya, nakatingin lang ako nun habang unti-unti siyang nawawalan ng buhay sa mismong harap ko.

Agad na hinatak ako ni Dad para maprotektahan kahit siya rin mismo marami ng tama ng bala.

"Elqenna anak, mabuhay ka pangako mo sakin? Alam kong matalino kang bata sabihin mo lahat ng nangyari kila Mr. at Mrs. Ford sila na ang bahala sayo" tumango lang ako bilang tugon

Ilang segundo ang lumipas sunod siyang binawian ng buhay. Tahimik lang ako sa loob ng van. Nang masiguro kong umalis na ang mga taong pumatay sa parents ko saka ko hinanap ang cellphone ni Dad at tinawagan ang sinasabi niyang mag asawa.

Simula nun sila na ang nag-alaga sakin, kasabay kong lumaki ang dalawa nilang anak.

"Ate Qen!" nawala ko sa malalim na pag-iisip ng biglang may tumawag sakin, si Clara ang isa sa mga anak nila Mr. at Mrs. Ford

"Ayos ka lang po ba? may masakit ba sayo?" nakatingin lang ako sa kanya dahil sa naging tanong niya

"Oh shoot! sorry nakalimutan ko" mahina niyang hinampas ang noo niya

"Buti naman naisipan mong pumunta sa clinic at nagamot ng maaga yang sugat mo" sabi ni Clarence habang sinusuri ang sugat ko na may bandage

"Someone's bring me here" sagot ko na ikinatahimik nila

Alam kong bago sa pandinig nila ang sinabi ko. Hindi ako basta-basta nakikihalubilo dahil sa sakit ko.

"Wala namang nangyari di ba?" tanong ni Clara

"Yes, I drink may medicine before doing this to make sure I won't do anything to someone" pagsisinungaling ko

"Elqenna... wag ka ng basta-basta umaalis. Isa pa please tigilan mo na ang pananakit sa sarili mo" sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko

Niyakap niya ko bigla, ramdam ko ang bawat paghinga niya habang nakayakap sakin.

"Mahirap mang ipaliwanag sayo pero sa tuwing sinasaktan mo ang sarili mo sobrang nag-aalala kami sayo" paliwanag ni Clarence

"Let's go bumalik na tayo sa hotel" aya ni Clarence samin

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sage Frias POV

Nagising ako na nasa malambot na higaan na ko.

Sa sobrang pagod ko sa biyahe nahiga agad ako pagkapasok namin sa unit na 'to. Sarap ng tulog ko pakiramdam

"Buti gising ka na, gigisingin palang sana kita para kumain na ng lunch. Nasa Isla na tayo binuhat ka nalang ni Keir papunta dito kasi ayaw mong magising kanina kahit nasa Yate na tayo, napakamanhid talaga" paliwanag niya

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon