CHAPTER 18

105 3 0
                                    

Kai Min's POV

"Kai..." kalabit sakin ni Clara

"Hm... bakit?" tanong ko sa kanya nang hindi tumitingin hinahanap ko kasi sa bag yung chocolate na bigay ni Elle

"Ahm... gusto mo ba sa bahay nalang tayo gumawa ng project? papaluto nalang ako kay Kuya ng kakainin natin, isa pa para may makausap naman si Ate" sabi niya

Kinuha ko saglit ang cellphone ko at nagpaalam na kila Noona ko uuwi mamaya.

"Sige tara" sagot ko agad, masamang tumanggi sa grasya. Lagi niyong tandaan kapag may nag alok sa inyo "Oo/Sige/Yes" agad dapat ang sagot niyo

Tutal wala naman yung last Prof. namin pwede ng umuwi ng maaga.

Hindi pa ko nakakalabas ng room nang makita ko si Elle na nakacross arms habang nakatingin sa baba ng building.

Nakasimangot ko siyang nilapitan. Kailan kaya siya mapapagod kakabuntot sakin?

"Umuwi ka na" sabi ko sa kanya

"Yeah let's go" sabay kapit niya sa braso ko, mukang hindi niya napansin si Clara

"Sabi ko umuwi ka na hindi ko sinabing umuwi na tayo kasi unang-unang sa lahat wala namang TAYO. Isa pa pupunta ko kila Clara" mabilis pa sa alas kwatro ang pagbitaw niya sa braso ko

"Clara again and again" bulong niya na akala niya yata hindi ko narinig sabay lingon niya sa likod

"Ok sasama ko" sabi niya at muling binalik ang kamay sa pagkakaangkla sa braso ko

"Aren't you tired na ipagsisiksikan ang sarili mo sa taong hindi ka gusto?" napahinto ko sa tanong ni Clara sa kanya

"You too, aren't you tired pretending to be a saint when in fact you're an evil?" natawa ko sa sinabi niya

Basta sa mga sagutang ganyan hindi ka mananalo kay Elle kahit si Ate Scarlet walang palag HAHAHAHA.

May sariling driver si Clara kaya nauna na siya samin, sasabay na sana kami kaso may dala kong sasakyan.

"Kai..."

"I'm tired" dugtong niya

"Ano ba Kai! be careful!" saway niya sakin

Bigla kong naapakan ang preno dahil sa sinabi niya.

"W-What?" nauutal kong sagot

Anong klaseng pagod? pagod sa school o pagod sa kakahabol sakin?

"Why are you stuttering?" takang tanong niya na sinundan ng mahinang tawa

Muli akong bumalik sa pagdridrive nang marinig ko ang mahina niyang tawa. Akala ko nabaliw na, oo baliw na pala yan, baliw na baliw sakin HAHAHAHA.

"Oh yeah I get it hahaha. I'm tired because of school works not because of you" sabi sabay halik sa pisngi ko

"I'm driving Elle gusto mo bang sa langit tayo mapunta?" inis kong sabi sa kanya

Nagulat ako sa ginawa niya muntik ko pa mabangga yung nasa unahang kotse.

"I like that idea" mapang-akit niyang sabi sabay lip bite. Pagod daw pero lakas mang-asar

"Akala ko ba pagod ka?"

"Yup pero nawala pagod ko dahil sa mga sinasabi mo hahaha"

Minsan ang sarap anakan ng babaeng 'to para manahimik.

"Kala Ate Sage ka matutulog?" tanong niya

"Oo nagpaalam na ko"

"Should I sleep there too?"

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon