CHAPTER 16

106 6 0
                                    

Sage Frias POV

Nasa tapat palang ako ng village nila hinarang na ko. Kung anu-anong tinanong bago ko pinapasok.

Maging sa mismong bahay nila Timothy ang daming tinanong sakin bago ko tuluyang pinapasok sa loob.

"Young Lady gusto niyo po ba ng makakain at maiinom?" tanong sakin ng isang kasambahay

"Juice nalang, thank you" sagot ko

Pag-alis niya saka ko tumayo at hinanap kung saan ko makikita si Timothy.

Nasa tapat ako ng hagdan nang makarinig ako ng nabasag na bagay at sigawan na hindi ko maintindihan.

Palihim kong hinanap kung saan yun nanggagaling.

Dahan-dahan kong pinihit ang pinto, saktong nakita kong hahampasin na siya ng Dad niya gamit ang golf club. Agad akong pumasok at pinigilan ang pagtama sa kanya.

"Idol na kita self, sarap mo patayuan ng rebulto" sabi ko sa isip ko

"A-Anong ginagawa m-mo dito?" tanong niya na halatang hirap na sa pag hinga

Saglit ko siyang tinitigan, ang dami niya ng sugat at pasa halos natuyot na rin ang dugo niya.

"Who are you to interupt me!?" saglit akong binalutan nang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang baritonong boses ni Mr. Cervantes

"Tsk why would I tell you, last time I check hindi tayo close. Ika nga nila don't talk to strangers" inalalayan ko si Timothy na nakaupo sa lapag para makaalis pero syempre sino naman ako para payagang makaalis ng buhay

"Where do you think you're going with my son?" mabilis niya kong hinablot sa buhok at pabalibag na hiniwalay sa anak niya

"Ahhhh!" daing ko nang tumama ang likod ko sa wooden table. Lintik lang ang walang ganti!

Napahinga ko nang malalim dahil halos kapusin ako ng hininga dahil sa pagtama ng likod ko.

Ikalma mo sarili mo Sage mas matanda yan sayo >.<

"Argh! tingin mo ba tama yung ginagawa mo sa anak mo!?" nawala na ko sa tamang pag-iisip. Hindi ko talaga kayang kumalma kapag alam kong maling tao ang inaagrabyado

Iika-ika akong nilapitan ni Timothy. Dahan-dahan niya kong hinawakan na parang akala mo isang babasaging bagay na sa oras na mabitawan mo ay agad na mababasag.

"D*mn it Sage! mas natatakot pa kong magulpi ni Carreon kaysa ng sarili kong ama!" mahina niyang sabi na halatang nag-aalala sa kalagayan ko.

Ewan ko kung matapang ba siya o duwag?

"Kaya mo bang gumalaw? ako na bahala kay Dad tumakas ka na. Alam kong gusto mo kong tulungan pero sa ginagawa mo mas lalo lang nanganganib buhay ko, tingin mo ba palalampasin 'to ni Carreon!?" bat pa puro si Kayden bukang bibig niya wala naman kaming connection ng lalaking yun isa pa mas malala ang lagay niya kaysa sakin

"Bago mo isipin lagay ko, isipin mo muna sari-" hindi ko natapos ang sasabihin ko sa kanya nang bigla siyang hablutin ng Dad niya

"Is she your girlfriend?" matalim niyang tanong sa kanyang anak habang nakahawak sa kwelyo nito

"She won't leave this room alive because of you" hindi ako natakot sa banta niyang yun mas natakot ako sa lagay ni Timothy

Pabalibag niyang binitawan ang anak niya na halos lantang gulay na.

Sa laking tao ng Dad niya inilang hakbang niya lang ang distansya mula sakin.

"Tell me what's your name young lady" tanong niya habang nakatitig sa muka ko na tila sinusuri

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon