CHAPTER 02

393 6 0
                                    

Keir Medina's POV


Kinabukasan maaga kong pumasok para makausap si Lydia. Hindi lang siya maganda mabait rin kaya maraming nanliligaw sa kanya pero kahit isa wala siyang sinagot.

Halos kalahating oras ko siyang hinintay sa may entrance ng ABCDE Ent. bago siya dumating.

"Good morning" nakangiti kong bati sa kanya sabay abot ng coffee na binili ko, medyo nagulat pa siya sa biglaang pagsulpot ko

"Good morning" tipid niyang ngiti sakin

"I want to talk to you" napatigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko

"What is it? tungkol ba yun sa napag-usapan niyo ni Sage?" kinabahan ako sa sinabi niya, ibig sabihin sinabi ni Sage sa kanila?

"That you like-" pinutol ko siya sa sasabihin niya

"Let me explain-" ako naman yung pinutol niya sa sasabihin ko

"No, I understand what you want to talk about. Can I see your camera first?" nagdadalawang isip ako kung ibibigay ba sa kanya o hindi

Inabot ko sa kanya ang camera ko, agad niyang tiningnan ang mga laman nun. Habang busy siya kakatingin sa mga pictures napatitig ako sa kanya, ang ganda ng ngiti niya kaya napangiti rin ako, kita ko ang pagkagulat sa muka niya.

"Wooaahhh hindi ko inaasahan siya yung gusto mo and please stop starring to me Keir, it seems like you're one of my avid fan hahaha" biro niya kaya napatawa din ako

"Sorry" sabi ko sabay kamot sa batok ko

"Ang ganda ko sa kuha na 'to" sabi niya sabay pakita sakin

"Maganda ka naman talaga kahit sa anong pictures" sabi ko

"Maliit na bagay hahaha" masaya kaming nagtatawanan nang biglang may umubo sa likod kaya napatigil kami sa paglalakad at napalingon

"Ehem!" paglingon ko nakita ko sila Sage at Scarlet na magkasama, halos mawalan ako ng kulay

"I smell something fishy" biro ni Scarlet samin

"Kumalma ka hindi ka kakainin ng mga yan" bulong sakin ni Lydia

"Nakuha pang magbulungan oh" sabi ni Sage

"Iniinggit tayo" dagdag niya pa

"Wow? ikaw marunong mainggit sa mga ganyan? haler hindi kaya" sabi ni Scarlet sa kanya

"Kumalma kayong dalawa mahiya kayo kay Keir!" saway ni Lydia sa kanila

"Baka ma-turn off sa kanya si Keir kaya itikom mo yang bibig mo" saway ni Sage kay Scarlet, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko nakakabakla.

Tumigil sila sa pagbabangayan nung nakarating na kami sa loob ng theater, sa theater kasi nagprapractice lahat ng characters.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Calvin Clemente's POV

"Cervantes may mga bangas ka na naman nakipagbasag ulo ka na naman ba?" tanong ni Crimson

"G*g* kasi yung isang nakalaban ko sa race hindi matanggap na natalo siya ng gwapong katulad ko ayun inunahan ako ng suntok syempre gumanti ako" proud na proud pa ang loko sa ginawa niya

"Ulok! saan banda ka naman naging gwapo?" pang-aasar ko sa kanya

"Mula ulo hanggang paa" sagot niya

"Tol baka mula ulo mukang paa HAHAHAHAHA" hagalpak kami ni Crimson sa tawa

"Mga ulok!" sabi ni Cervantes samin sabay bato ng mga unan na nasa sofa

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon