CHAPTER 07

126 5 0
                                    

Scarlet Montes POV


Busy ako sa paghahanap nang may tumawag sa pangalan ko, paglingon ko si Sage pala na mukang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Ano nakita mo na ba?" tanong ni Lydia pagkalapit samin, umiling lang si Sage bilang sagot

"May bukas pa naman, bukas nalang natin hanapin mag night swimming nalang muna tayo" aya niya samin

"Sure ka? ayos lang naman samin kahit bukas nalang tayo mag swimming" sabi ko, maarte ako pero hindi ako ganon ka-selfish

"Ayokong maging kj kaya tara na" sabi niya

Katulad ng madalas niyang gawin pumagitna siya samin habang nakakapit sa braso namin. Natatawa kaming tumatakbo habang papunta sa may dagat kung nasaan ang iba naming mga kasamahan.

"OMG! ang lamig ng tubig" nangangatog kong sabi

"Night swimming pa" pang-aasar sakin ni Sage

Nakablack swimsuit si Lydia, ako naman nakablue. Si Sage? syempre naka t-shirt at short malamang. Wag kayong umasa na magsusuot yan ng swimsuit baka mamatay ka lang sa kakahintay.

Para kaming mga bata na walang humpay sa pagbabasaan. Sinubukan ko nga lunurin si Lydia kaso hindi ako nagwagi kaya si Sage nalang nilunod ko.

"Kapag ako nalunod Scarlet sinasabi ko sayo isusunod kita!" inis niyang sabi matapos ko siyang tigilan

"Pftt hahaha pikon" sabi ko sa kanya kaya hinabol niya ko

Tumakbo ko papunta sa buhanginan kasi mahirap tumakbo sa tubig, try niyo minsan.

"Naks ang sexy natin Sage ah" sabi ko sa kanya pansin ko kasi bumabakat na ang hubog ng katawan niya dahil sa basang damit

Namula siya dahil sa sinabi ko hahaha. Ayaw niyang napupuri sa mga ganong sitwasyon hahaha ang cute.

"Sasakalin kita kapag nahabol kita!" inis niyang sabi na mas lalong binilisan ang pagtakbo kaso mas mabilis akong tumakbo kaya hindi niya ko mahabol

"TRES MARIAS KAKAIN NA MAMAYA NA ULIT KAYO MAGKULITAN" sigaw ni Direk samin, Tres Marias tawag niya samin kasi di daw kaming tatlo mapaghiwalay di ko nga nakuha logic nun. Kambal ba ang Tres Marias? tell me.

Pagkalapit naming tatlo sa kanila inabutan kami ni Direk ng towel.

"Baka lamigin kayo ilagay niyo muna sa mga katawan niyo, lalo ka na Sage hindi ka pa nagswiswimsuit pero grabe ang tingin ng mga boys" natawa ko sa sinabi ni Direk hahaha

Namumula na si Sage sa sobrang kahihiyan, good job yan Direk.

"Ano pang hinihintay niyo subuan ko kayo? aba kumain na kayong tatlo hindi niyo ko tatay Boss niyo ko" naghalakhakan mga kasamahan namin dahil sa sinabi ni Direk

"Hoy saan ka pupunta?" tanong ko kay Sage, tumayo kasi siya sa pagkakaupo

"Magpapalit malamang, ayoko ng dagdagan ang kahiyayan na nararamdaman ko ngayon Scarlet" seryosong sabi niya sabay alis

"Yari ka Direk pinaiyak mo" biro ni Kenjie ang gaganap na Scar sa movie namin

"Isusumpa ka nun na hindi ka na talaga magkaroon ng girlfriend" segunda ni Lydia

"Kaya tatanda kang binata" dagdag ko

"Dahil tumanda na rin mga magulang mo nun magiging mag isa ka nalang sa buhay at malulungkot na siyang sanhi ng kasawian mo" pagpapatuloy ni Benjamin, siya namang ang gaganap na Simba sa movie

"Tanggalin ko kaya kayong tatlo ano sa tingin niyo? magandang ideya 'di ba?" sabi ni Direk

Nagtawanan kaming lahat, Lt si Direk HAHAHAHAHA.

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon