CHAPTER 11

127 4 0
                                    

Sage Frias POV

Nasa bathroom na ko nang biglang kumirot ang ulo ko. Sobrang sakit, muntik pang tumama ang ulo ko sa maliit na sink na nasa bathroom, inom pa.

Nang makarecover ako agad akong nag-ayos para pumasok sa trabaho.

Syempre bungad sa'kin ang muka ni Scarlet na naiirita.

"Umuwi ka pala sa condo mo at kami naman parang mga shunga na hinahanap ka kagabi! Jusko naman Sage! matuto ka ngang magsabi kung nasan ka! kung hindi pa sinabi ni Tita na nakauwi ka nang maayos baka hinahanap ka pa rin namin hanggang ngayon!" lintanya niya

"Ok, sorry" wala sa mood kong sabi

Ang aga-aga talak niya almusal ko -_- minsan napapaisip ako kung nanay ko ba siya o kaibigan.

"Wala pa kong kain kaya mamaya mo na ko sermunan" sabi ko sa kanya

Umalis siya saglit at pagbalik niya may dala na siyang mga pagkain.

Unang tingin palang halatang masarap na, nakakagutom.

"Oh, kumain ka muna, uminom ka na rin ng gamot pang tanggal ng hangover saka na kita sersermunan pagkatapos mo" sabi niya sakin bago niya ko iwan

"Eat well" nakangiting sabi ng katabi kong si Lydia, weird

Natapos na kong kumain pero yung ngiti sa labi ni Lydia hindi maalis. Ayan ba epekto ni Levi?

"Anong meron bakit ang saya mo?" tanong ko kay Lydia sabay bukas ng laptop

"Wala naman" maikli niyang sagot pero yung ngiti niya sa labi hindi pa rin maalis

"Ikakasal ka na, wag kang makakalimot ha" nakangiwi kong sabi

"Hahaha Sage naman! kung makapagsalita ka parang mamamatay na ko" natatawa niyang sabi

Parang kailan lang kasi iniisip pa namin kung paano itutumba sila Direk at Angel tapos ito siya ngayon engaged na, bubuo na ng sarili niyang pamilya.

"Boto ka ba kay Levi?" tanong niya

Saglit akong nag-isip. Boto naman ako dun, halata namang matinong tao si Levi, sweet, at caring sa madaling salita ideal man siya ng isang babae. Ang problema yung mga kaibigan niya, kung gaano siya kabait at katino kabaliktaran naman nila.

"Oo, mabait naman siya madali rin pakisamahan" sagot ko

"Good to know" pagkasabi niya nun bigla namang sulpot ni Scarlet

"So can I continue now?" seryoso talaga siya dun? -_-

Jusko kala ko joke lang niya na ipagpapatuloy niya paninermon sakin pagkatapos kumain. Nakalimutan kong minsan nga pala hindi nausuhan ng biro ang babaeng 'to.

"Sage ayos lang naman kasi sana kahit hindi ka magpaalam, ang problema makakalimutin ka! malay ba namin kung bigla ka nalang naligaw, nakidnap o kaya napagtripan ng mga adik sa kanto!? So minsan please i-consider mo naman pag-aalala namin!" sa pagkakataong yun mas seryoso at mas malumanay ang pagkakasabi niya

Alam kong nag-aalala siya sakin halata naman eh, that's her other side na hahaplos sa puso mo.

"Agree ako sa sinabi ni Scarlet, lalo na sa panahon ngayon mahirap na" sabat ni Lydia

"Sorry kung pinag-alala ko kayo last night" sincere kong sabi

"At ikaw naman Lydia ikakasal ka na kaya tantanan niyo na ni Keir ang isa't-isa utang na loob!" natawa ko bigla kasi alam ko namang walang gusto sa kanya si Keir

Nasa heart to heart talk mood kami nang bigla kong tawagin ni Direk. Balak niya na ba kong tanggalin dahil sa ginawa ko? >.<

"SAGE!" sigaw ni Direk sa pangalan ko kaya agad akong napatayo sa kinauupuan ko

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon