CHAPTER 21

126 5 0
                                    

Sage Frias POV


Napabuntong hininga ko nang magtama ang paningin namin ni Kayden.

"Hindi mo naman kailangan na ihatid sundo ko, last time I checked hindi ako lumpo"

"Sumakay ka nalang" ano pa nga bang silbi ng pakikipagtalo ka sa kanya, malamang wala kaya sa ayaw at sa gusto ko sumunod nalang ako

Nakatingin lang ako sa labas habang naandar ang kotse niya. Binuksan ko ang bintana ng kotse na saglit niyang ikinalingon pero walang salitang lumabas sa labi niya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tumigil ang sasakyan. Napakunot ako ng noo nang makitang halos walang tao.

"Wala ka naman sigurong balak na masama sakin" inilibot ko ang paningin ko, halos kami lang ang tao may mga nadaan pero madalang lang

Paglingon ko sa kanya nakita ko siyang naglalatag ng tela.

"Wag mong sabihing balak mong mag picnic ng ganitong oras?" matalim ko siyang tiningnan

"Yeah" anak ka ng!

"Kayden, seriously i'm tired I want to go home and take a rest" nangungunsumi kong sabi habang pinapanood siya sa pag-aayos

"You will like the view here and I know you will enjoy it"

Maganda nga ang view dito sa pinuntahan namin kita ang mga nagtataasang buildings at mga bahay na na nagmistulang mga christmas lights dahil sa hatid nitong liwanag.

"Come here" aya niya sakin

Umupo ko sa telang nakalatag sa may tabi niya. Ngayon ko lang nalaman na pwede pala mag picnic sa gabi.

Pinaghanda niya ko ng pagkain at inabot yun sakin. Sa totoo lang I find it romantic.

"Why did you bring me here?" tanong ko

"Para ma-relax ka" sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko, halos di ko tuloy malunok yung pagkain

"Ah" sa sobrang pagkailang yan tuloy nasagot ko

First time ko 'to kaya hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaction ko.

Ilang oras pa ang lumipas pero ito kami nandito pa rin habang nakahiga at nakatitig sa mga bituin.

"Ang ganda" napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga bituin at buwan na maliwanag.

Walang tatalo sa mga ganitong klaseng view, para sakin ito ang isa sa mga stress reliever ko. Ito yung masasabi kong breath taking na kahit anong problema ang meron ka papawiin nito at marerestart ang isip mo.

"Tama ka nga na mag eenjoy ako" sabi ko sabay lingon sa kanya na nakapikit

"I asked your friends kung anong mga bagay ang hilig mong gawin and they told me this"

"Oh? buti hindi ka sinungitan ni Scarlet" ugali pa naman nun parang others

"She did"

"Expected ko na rin yan" si Scarlet yun di mawawala pamimilosopo at pagtataray niya sa pang-araw-araw

"Thank you for this" taos puso kong pasasalamat

"Alam kong napakaimposibleng magkasundo tayo sa loob ng isang araw pero na appreciate ko 'tong effort mo"

Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko na nakakapagpadagdag sa magandang ambiance ng paligid.

"Always welcome" nakangiti niyang sabi na halos once in a blue moon lang yata mangyari. Naniniwala na kong may himala!

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon