CHAPTER 05

155 5 0
                                    

Timothy Cervantes POV


Napatigil kami ni Clemente sa nilalaro naming video games nang biglang pumasok si Crimson na may dalang babae na walang malay. Buti nalang wala si Carreon kundi riot 'to.

"Hoy sino yan?" takang tanong ni Clemente, ang loko nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad

"Anak ka ng nanay mo Crimson! pare-pareho tayong malilintikan kapag nakita yan ni Carreon" sabi ko habang sinusundan namin siya ni Clemente papunta sa guest room

"Tol seryoso sino yan?" ako naman ang nagtanong

"Hindi ko rin kilala, narinig ko lang na sumigaw. Nasa veranda kasi ako kanina nagpapahangin nang marinig ko siya" paliwanag niya

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Clemente

"Nawalan ng malay dahil sa ahas na nakawala sa mini zoo" paliwanag niya

"Yaman talaga ni Pareng Carreon may mini zoo pa dito" nakuha ko pang purihin kung gaano kayaman yung ungas na yun

"Bantayan niyo saglit may kukunin lang ako sa kwarto ko" paalam niya samin

"Babae ba yan o lalaki?" takang tanong ko

"Baliw babae yan, kita mo yun may umbok di ba?" turo ni Clemente sa may dibdib sabay batok sakin

Basta usapang babae expert 'tong unggoy na 'to.

"Hoy wag mong manyakin!" sita ko sa kanya, tinanggal niya kasi yung suot na cap nung babae

"Hindii ko minamanyak ulok!" nilagay niya sa may gilid nung kama yung cap

"Naks gandang chicks nito ah" aba ang loko mukang balak pa idagdag sa collection niya

"Hindi pala minamanyak ha" sabi ko sa kanya sabay batok

"Anong maganda diyan? muka ngang tomboy yan" dagdag ko

"Bulag ka talaga, hindi lang yan nakaayos pang babae pero kapag inayusan mo sigurado kong maganda yan. Isa pa may hubog din ang katawan niya kahit medyo maluwag t-shirt kita kong sexy siya" kita niyo na? expert hindi halatang babaero

"Tigilan mo kamanyakan mo Clemente" biglang sulpot ni Crimson, sa aming lahat masasabi kong siya ang pinakamatino samin

Lumapit siya sa babae, may pinaamoy siya na nasa maliit na bote pero transparent ang kulay ng laman.

"Ano yan?" takang tanong ko

"White flower, ito yung kadalasan na pinapaamoy sa mga walang malay para magising" paliwanag niya

Maya-maya unti-unti nang nagkakamalay yung babae. Nagulat siya nung makita ang gwapong nilalang na katulad ko kaya napaupo siya bigla.

"N-Nasaan ako?" tanong niya

"Kalma Miss hindi kami interesado ni Crimson sayo maliban nalang si Clemente" natakot yata siya sa sinabi ko bigla kasing namilog mga mata niya na akala mo nakakita ng multo

"Don't mind them, I'm Levi Crimson, harmless kami" pakilala ni Crimson habang nakangiti sabay lahad ng kamay niya sa babae

"Buti naman" dahil sa sinabi ni Crimson nakahinga siya nang maluwag

"Nangangawit na si Crimson baka gusto mong makipagshakehands" sabi ko sa babae

"Sage" sabi niya na hindi pinansin ang nakalahad na kamay ni Crimson, ayos 'to ah

"Calvin Clemente" pakilala ni Clemente sabay kindat na ikinangiwi ng babae hahaha, isa ka pa kala mo uubra ka

"Timothy Cervantes ang pinakagwapo samin" sabay salute ko

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon