CHAPTER 06

152 6 0
                                    

Calvin Clemente's POV

Nakakailang baso na siya ng alak mukang may tama na pero di pa naman lasing. Bigla kong may naisip na katarantaduhan. Nilabas ko ang cellphone ko sabay open ng video.

"Pre halimbawa dumating na yung babaeng sinasabi mong para sayo pero hindi ka mahal anong gagawin mo?" natatawa ko habang pinagmamasdan ko siya hahaha ang sama ko talaga

"Tigilan mo ko sa katarantaduhan mo, ako pa uutuin mo. Tigilan mo yang pagvivideo sa'kin!" inis niyang sabi kaya tinago ko na cellphone ko

"Oo na Boss Gavin" natatawa kong sabi

"Matuto ka ngang magseryoso sa buhay Calvin hindi ka bumabata" seryoso niyang sabi

Alam ni Gavin na sa aming apat na magkakaibigan ako lang hindi matino pagdating sa pakikipagrelasyon.

"Tsk paano ko magserseryoso kung sila mismong mga babae pera at katawan ko lang habol" seryoso naman ako sa sinabi ko pero nakatikim ako ng batok mula sa kanya

"Wala ka talaga sa ayos kahit kailan" sabi niya

"G*go Gavin seryoso ko dun" sabay himas ko sa ulo ko na binatukan niya

"Seryoso ka pala? hindi halata. Babalik na ko sa unit namin para makapagpahinga, ikaw magbabayad di ba?" iniwan niyo ko matapos niyang sabihin yun

Matapos kong bayaran mga ininom namin bumalik na ko sa resthouse. Pabalik na ko nang makita ko silang tatlo na nasa labas kaya nakihalubilo nalang din ako sa kanila.

"San ka galing?" tanong ni Crimson

"Bakit namiss mo ba ang ka-gwapuhan ko Levi babe?" akmang yayakap pa ko sa kanya kaso umabante ang loko

"Nambabae yan malamang, hindi nakatiis" sabat ni Cervantes

"Saludo gitnang daliri ko sayo" sabi ko kay Cervantes habang nakabad finger

"Nakipag-inuman ako kay Gavin" sabi ko sabay higa sa buhangin na pino

Grabe ang sarap nang simoy ng hangin pero syempre mas masarap ako hahaha.

"Alam niyo ba may nalaman ako" sabi ko habang nakatingin sa asul na langit na nakakarelax at nakakawala ng problema

"Hanggang ngayon wala pa rin yun nagiging girlfriend. Ang tanda na nun di ba?" sabi ko sa kanila, nilingon ko pa nga sila para makita mga reaction nila

"Ikaw lang naman 'tong puro pambababae alam" sabi ni Cervantes

"Marunong ako mag seryoso sadyang wala pa siya" sagot ko

"Ibig mong sabihin yung karma mo? matakot ka kapag dumating yun baka hindi mo kayanin" pambabara sakin ni Crimson

"Baka pagdumating karma mo pinaglalamayan ka na namin" seryosong sabi ni Cervantes na dinaan niya lang sa biro

"Let him be, malaki na siya alam niya na ang tama at mali" sabi ni Carreon matapos niyang ibaling sa dagat ang tingin niya na para bang ang lalim ng iniisip tipong mas malalim pa sa dagat

Nanahimik kaming tatlo saglit matapos naming magsalita ni Carreon.

"Maiba ko wala ka bang balak magseryoso sa buhay?" tanong ni Cervantes

"Syempre meron, sirang plaka ka tol?" napapikit ako sa naging sagot ko

Kahit ganito ko may balak naman akong magpakatino sa hinaharap. Hindi ko lang alam kung kailan ba yung hinaharap na yun.

"Kayo ba?" tanong ko habang nakapikit at dinadama ang simoy ng hangin

"Naka-arrange marriage na ko, wala kong balak tumutol tutal wala rin naman akong alam pagdating sa mga babae" sagot ni Crimson

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon