CHAPTER 08

128 5 0
                                    

Scarlet Montes POV

Ilang weeks ang naging photoshoot bago matapos. Ngayon pauwi na kami, kailangan namin makauwi ng maaga dahil kinabukasan nun may dadaluhan pa kaming party, mostly sa mga kasama mga kilalang pamilya.

Did you know maraming anak mayaman samin? halos karamihan samin galing sa marangyang pamilya.

"May susuotin ka na ba para bukas?" tanong ko kay Lydia na busy sa pag-aayos ng gamit

"Sabi ni Mom meron na raw siyang pinadeliver na gown sa bahay galing sa shop niyo" sagot niya

About sa mga damit ang business namin. Sila Lydia mga beauty products. Sila Sage ahm... OMG! ngayon ko lang narealize hindi ko alam business nila! hindi kasi siya masyadong open when it comes sa business hindi kasi siya interesado.

"Ikaw panigurado meron ka na" dagdag niya

"I think yes? kasi tomorrow na yun isa pa may-ari kami ng isang clothing company" sagot ko

Nilingon ko si Sage, syempre hindi yan sasama ganyan naman yan lagi.

"Wag na kayong umasa na sasama ko" bored niyang sabi

"Tumingin lang aka sayo wag ka assuming na pipilitin ka namin sumama" sabay irap ko

"Dukutin ko mata mo gusto mo" sabi niya sakin, ang brutal talaga

"Alam mo Sage napakabrutal mo, I hate you!" tinalikuran ko siya sa inis. Maya-maya may naramdaman akong yumakap sakin mula sa likod.

"You hate me?" tanong niya habang nakayakap sa likod ko

"Stop hugging me Sage!" pilit akong kumakalas sa pagkakayap niya sa'kin pero ayaw paawat

This is one of my weakness, ewan ko ba pero may charm kasi siya na kapag once na niyakap ka niya kahit anong inis o galit mo mawawala.

"Ok fine hindi na ko galit" sabi ko saka lang siya kumalas sa pagkakayap sakin

"Don't do that to other Sage" sabi ni Lydia

"Oo na nakailang paalala na kayo sa'kin niyan" sagot niya

"Especially sa lalaki, sinasabi ko sayo babaita baka magkaanak ka ng wala sa oras" I told you guys na may magandang katawan yan si Sage na tinatago di ba? isa pa yung way ng pangyayakap niya siguro kapag sa lalaki niya ginawa maseseduce yun.

"Mandiri ka nga, kinikilabutan ako sa sinasabi mo" sinamaan niya pa ko ng tingin

Napatigil kami sa pag-uusap nang may kumatok sa may pinto. Si Direk, mukang naiinip na samin kakahintay.

"Bagalan niyo pa Tres Marias, iiwan namin kayo dito" sabi niya samin

"Pababa na po Direk" sagot ni Lydia

Kinuha na namin mga baggage namin saka kami bumaba. Pagbaba namin kompleto na sila sa loob ng van, kami nalang pala talaga hinihintay.

"Basta kayong tatlo magkakasama ang bagal niyong kumilos" sermon samin ni Direk

"Direk kumalma ka, nandito na kami kaya tara na para makauwi tayo ng maaga" sabi ni Lydia habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Direk

Dahil na rin siguro sa sobrang pagod lahat kami ng mga kasama namin sa van nakatulog.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Levi Crimson's POV


Kahapon pa kami nakauwi tambak na kasi mga aasikasuhin namin sa company, isa pa may event kaming pupuntahan bukas. Nakahanda na nga mga susuotin namin.

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon