CHAPTER 09

130 4 0
                                    

Aubrielle Montes POV


Sa paglingon ko sa maling direksyon nakita ko ang lalaking hinahanap ko kasama ang babaeng kinaiinisan ko.

"Kai..." tawag ko sa pangalan niya habang masaya siyang nakikipagkwentuhan

"Bakit nandito ka rin?" napairap ako sa naging tanong niya

"Seriously ayan talaga itatanong mo sa'kin?" nakataas kilay kong tanong

"Itago mo ko Clara parang awa mo na" sabi niya sa babaeng kausap niya na akala mo hindi ko narinig

"Mukang hindi siya natutuwang makita ka" mula sa maamo niyang muka lumabas sa bibig niya ang kademonyohang tinatago niya

"I didn't ask your opinion so better shut up next time" kita kong nagbago ang expression ng muka niya

Don't act like a saint infront of me b!tch when in fact you're a servant of Satan.

"Elle... grabe ka naman kay Clara, alam kong gwapo ko pero please lang wag niyo kong pag-awayan" minsan talaga ang sarap busalan ng bibig niya

Minsan napapaisip ako, sa dami ng lalaking nanliligaw sa'kin bakit siya pa yung gusto ko na halatang ayaw sakin

"Then just ko with me!" pamimilit ko sa kanya

"Ayokong sumama sa kanya pagsasamantalahan niya lang ang pagkalalaki ko maawa ka sakin" sabi niya kay Clara habang nagtatago sa likod nito na parang bata

"Sumama ka na sa kanya para wala na ring gulo" really huh?

Kita kong nagpout si Kai na parang bata na lagi niyang ginagawa kapag hindi niya nakuha ang gusto niya.

"Sige, ingat ka ha kamusta mo nalang ako kay Ate Qen" panibagong babae niya na naman

"You're such a good boy Kai" nakangiting sabi ko sabay angkla ng braso ko sa kanya

"Wala ng libre ngayon sa mundo Elle" naka-pout niyang sabi habang naglalakad kami

"Yeah I know, I'll kiss you na lang sa lips bilang kapalit, what do you think?" pilya kong sabi

Agad niyang tinanggal ang nakakapit kong braso sa kanya sabay layo.

"Mas maigi pang umuwi nalang ako" sabi niya habang nakatakip ang kamay sa labi

"Just kidding hahaha" natatawa kong sabi

"May binake akong cookies, nasa table namin" mabilis siyang lumapit nang makarinig ng pagkain

"Yun lang?" napakatakaw talaga

"I told you kung magiging girlfriend mo ko I always bake for you anything that you want to eat" mabilis ko siyang hinablot palapit sa'kin, halos yakapin ko na ang braso niya

"E-Elle" kunot noo ko siyang nilingon dahil nauutal niyang tinawag ang pangalan ko

"Why?" tanong ko

Bakas ang pamumula sa muka niya, kahit medyo madilim sa event kita ko pa rin yun.

"I-I feel y-your chest" napakurap ako saglit ng ilang beses bago nag sink in sa utak ko ang sinabi niya

Mabilis akong bumitaw sa pagkakahawak sa braso niya.

"Kai!" naiinis kong sabi

Halos mawalan ako ng kulay sa sobrang kahihiyan, mygoodness Kai Min!

"Hindi ko naman kasalanan yun, ikaw may gawa nun lalaki lang ako Elle" pagdadahilan niya

"Arrrggghhh nakakainis ka pa rin!" napakamanyak talaga kahit kailan!

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon