CHAPTER 17

110 5 0
                                    

Lydia Torres POV

Weeks passed simula nang malaman naming pinagbubuhatan pala ng kamay si Timothy ng sarili niyang ama. After nilang dalawa maconfine ni Sage nakalabas lang ilang araw makalipas ay na discharged naman si Scarlet.

"Ang lalim ng iniisip mo" naramdaman ko nalang ang pagsalikop ng kamay ni Levi sa kamay ko. Saglit ko siyang tiningnan bago sumagot.

"Naalala ko lang ang mga nangyari this passed few weeks. Pakiramdam ko wala kong naitulong sa dalawang kaibigan ko" napabuntong hininga ko sa sinabi ko

"Isipin mo nalang ginawa namin kay Cervantes, halos kami pa nagtulak sa kanya para mapahamak siya" mahihimigan mo ang lungkot sa boses niya kahit di ko na siya lingunin

"Sa madaling salita iniwan namin siya sa ere. Hanggang sa dumating ang isang taong pinarealized samin ang kahalagahan ng pagkakaibigan na willing isakripisyo ang sarili niya para sa ikakasaya ng iba" dagdag niya. Alam kong si Sage tinutukoy niya.

"Ang swerte niyo sa isa't-isa kasi nandiyan kayo para iparamdam sa bawat isa na kahit anong problema ang dumating sa inyo masasandalan niyo ang isa't-isa"

"Yes we're so lucky, especially we have her. Sometimes naiinggit ako sa kanya because she's too vocal when it comes to her feelings para bang di siya natatakot sa magiging resulta, although alam kong natatakot din siya pero saludo ko sa katapangan niya" napangiti ako sa sinabi ko

"Stop thinking na wala kayong ginawa para protektahan si Timothy, ginawa niyo lang ang sa tingin niyong tama" huminto ko saglit sa harap niya at binigyan siya ng isang ngiting sinasabing ayos na ang lahat

"Today is our first date, we should enjoy it ok?" sabi ko sa kanya

We are now officially dating. Hindi dahil sa gusto ng parents namin kundi dahil gusto namin. This is one of the best way na naisip namin para mas makilala namin ang isa't-isa.

Nasa biyahe palang napapangiti na ko sa nakikita ko. I really love natures to the point na halos mamangha ko sa bilis nang galaw ng ulap sa Tagaytay habang nasa biyahe kami. Para kong isang batang dinala ng ama ko sa amusement park, grabe ang saya ko.

Pagbaba ng kotse ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Naramdaman ko nalang ang pagpatong ni Levi ng jacket sa balikat ko. Tinulungan niya kong suotin yun bago kami pumasok sa loob ng Sky Ranch.

Sa bungad palang may makikita ka ng horse back riding. Ang cute ng mga horses.

"Do want to try it?" tanong niya sakin

"Nope, gusto ko lang tingnan" sagot ko

First time ko makapunta sa Tagaytay hindi ko alam na may ganito sila kagandang view.

"Let's go mas maganda ang view sa loob" aya niya sakin

Hindi nga siya nagkamali nang sabihin niya ang magandang view sa loob. Mula sa kinatatayuan namin tanaw ang napakagandang view ng Taal Volcano, it was so breath taking.

Halos ayoko na alisin ang tingin ko sa napakagandang view ng Taal Volcano.

"Wait me here" paalam niya saglit na tinanguan ko lang

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. May mga magkasintahan, magkaibigan at pamilya na masayang nagkwekwentuhan o di kaya kumukuha ng mga litrato bilang remembrance.

Sa sobrang pagkamangha ko ngayon ko lang napansin ang isang puting ferris wheel. Gusto ko sanang sumakay dun base kasi sa mga naririnig ko mas maganda ang view na makikita kapag nakasakay ka sa ferris wheel ang problema may acrophobia ko. Takot ako sa heights kung anu-anong naiimagine ko kapag nasa mataas akong lugar bukod dun nalulula ko pakiramdam ko kinakapos ako ng hangin.

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon