CHAPTER 14

105 5 0
                                    

Timothy Cervantes POV


3 days na ang nakalipas simula nung isugod si Scarlet sa hospital. Sa loob ng tatlong araw ako ang naging bantay niya. Huling pagkakaalala ko hindi kami close kaya bakit ba ako ang pinagbabantay nila?

Kahapon lang siya nagising, akala ko nga matatagalan pa buti naman hindi.

"I told you, you can go home now kaya ko na ang sarili ko" pagtataboy niya sakin

Ilang araw niya na kong pilit tinataboy pero syempre hindi naubra yang mga ganyan pagdating sakin.

"Practice ka pa baka sakaling sa susunod na paalisin mo ko sundin na kita" pang-aasar ko sa kanya habang nagbabalat ng mansanas

"Oh kainin mo para magkalaman naman simura mo" abot ko sa kanya ng kapiraso ng mansanas na binalatan ko

"I SAID GET OUT!" waksi niya sa kamay ko na may hawak na mansanas

Nagulat ako sa ginawa niya maging sa pagsigaw niya, hindi porket anak mayaman siya pwede na siyang mag aksaya ng pagkain.

Ano bang problema nito? ako na nga nagmamalasakit sa kanya siya pa 'tong ganyan baka makalimutan kong babae siya.

Pinulot ko ang masansanas na tumalsik dahil sa pagwaksi niya sa kamay ko at tinapon yun sa basurahan.

Naupo ako sa maliit na sofa na nakalaan para sa mga dadalaw o nagbabantay sa pasyente.

"Tingin mo ba kinakaawan kita kaya ko nandito at binabantayan ka?" walang emosyon ko siyang tiningnan

Yung mga ganyang uri ng tao ang hindi dapat kaawaan. Nagtangka kang tapusin buhay mo tapos gusto mo kaawan ka ng mga tao? ano ka nagpapatawa?

"Kung yun ang iniisip mo mali ka, mas naaawa ko sa dalawang kaibigan mo na sinugod ka dito at halos hindi makausap ng matino" panimula ko

Kita kong napayuko siya sa sinabi ko mukang nakokonsensya sa ginawa niya.

"Do you think cutting your wrist is the best solution to solve your problems? mali ka ulit" napapailing kong sabi

"You don't know anything about me so shut the f*ck up!" matalim niya kong tiningnan na para bang mali ang sinabi ko

"Siguro nga hindi ko alam ang buong kwento ng pagkatao mo pero lahat tayo may kanya-kanyang problema nasa sa atin nalang kung paano natin sosolusyunan. Isa pa hindi ko makuha logic mo, gusto mo bang matapos na buhay mo? kasi kung oo sana kumuha ka ng kutsilyo tapos sinaksak mo diretso sa puso mo o baka naman gusto mo lang kaawaan ka ng mga taong nakapaligid sayo?"

"HOW DARE YOU TO SAY THAT TO ME! GET LOST!" binato niya ko ng prutas, buti nakailag ako, magaling yata 'to umilag

"May mga kaibigan ka na handang makinig at tumulong sayo pero mas pinili mong saktan ang sarili mo, isang maling desisyon na habang buhay mong pagsisisihan" dismayado kong sabi

"THEN WHAT DO YOU WANT ME TO DO!? Look sayo na rin nanggaling na may kanya-kanyang problema ang bawat isa. Paano ko maaatim na sabihin sa kanila ang problema ko kung sila rin mismo may mga problema na kailangan nilang solusyunan!?" kita ko ang pagbagsak ng luha niya

"Anong silbi nila kung ganyan ang mindset mo? Alam kong iniisip mo dadagdag ka lang sa mga problema nila pero minsan ba tinanong mo sila kung ganyan ba iniisip nila sa tuwing nagsasabi ka ng problema mo sa kanila? panigurado kong sasabihin nila na hindi ka naman dagdag problema, kaibigan mo kami na handang makinig sayo at tulungan ka sa kahit na anong oras" ang mahina niyang pag hikbi ay naging malakas na pag-iyak

Napangiti ako nang makita siyang umiyak, hindi dahil sa wala kong puso kundi dahil alam kong natauhan siya sa mga sinabi ko.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon