2

189 10 2
                                        

NATHAN'S POV ( See top photo )


Oh crap. I woke up from a good sleep when I heard a loud scream. I thought may sunog, gulat na gulat akong napaupo mula sa pagkakahiga ko but when I searched the room wala naman. Nakita ko lang 'tong pinsan ni Cotton na si Sugar.


Nadismaya ako bigla, naramdaman kong parang tumaas yung dugo ko. After last night, napagod na ako at lahat sa pag asikaso sa kanya, ganito pa siya? Damn. I don't know how to deal with this girl. Anong klase bang babae to?


My eyes were pinned on her direction. Nakatayo siya sa may bintana hawak ang comforter at ipinangtakip niya pa talaga sa katawan niya. Akala niya ba interesado ako sa kanya? Sino naman siya sa akala niya. She's just a girl I met last night. Aminin kong maganda siya pero I'm not that easy as a man para gumawa ng masama. Ibahin niya ako.


Kung makatingin naman siya, animoy ngayon lang nakakita ng magandang lalake. Sige, titigan mo lang ako baka kasi mawalan ka na ng chance gawin yan. I noticed that she's fidgeting. Inalis niya rin yung pagkakatitig niya sa mata ko. Intimidating ba akong tingnan? I couldn't blame her.


Naalala ko na naman kung paano niya ako ginising mula sa masarap kong tulog. Andoon na ako sa finish line ng marathon eh. Pangarap ko 'yon pero bigla niya akong inistorbo. Akala niya papalampasin ko 'yon? She will get what she deserves.


"Ba't ka ba sumisigaw? May nangyari ba, ha?!" Pasigaw kong sabi. Tama lang yan para naman manginig siya. Call me harsh or heartless pero I just couldn't stand her any longer. Hindi porke't maganda siya, pwede na siyang umastang reyna ng mundo. Hindi niya sarili ang mundo para mag-ingay siya. Istorbo.


Mukhang nagalit ko siya. Nag meet yung mga kilay niya. Oh I wish you could see her right now. Common girl thing. Hindi talaga magpapaawat. Kahit sabihin ko pa ngayong tama ako, girls will say hindi. I'm laughing on the inside dahil sa reaction na nakukuha ko from her.


"How dare you shout at me! Ang lakas din naman ng loob mo'ng magtanong kung anong nangyari? Well explain this! Why are we sleeping in the same bed! At sino ka ba'ng manyak ka?!" Tss. I moved my head a little at nakita kong hawak niya yung vase. Gagamitin niya yan sa akin? No way girl. At ako 'manyak'? Ni hindi ko nga siya ginalaw. That's it! Ginagalit talaga ako nitong Sugar na 'to. I won't go easy on her. Manyak pala ha. Let's see kung ano talaga ang manyak.


Inayos ko ang button ng polo ko just to make sure na presentable pa rin naman ako. Kahit anong itsura ko naman alam kong maayos parin tingnan. Wala akong sinabi ni isang salita. This will make her shake even the smallest veins in her body.


Manyak..

Manyak..


Paulit-ulit na kong naiisip ang salitang yan. Sa lahat ng pwede niyang sabihin yan pa talagang word na iyan. Matapos kong asikasuhin siya thinking I did what's only right. At kaya lang naman ako nakatulog sa tabi niya ay sa kadahilanang hindi ako makaalis dahil hindi niya binibitawan 'yong kamay ko but no worries, hindi niya na 'yon kailangan pang malaman.


I walked towards her fixing my polo shirt's button. I tried to look as manly and intimidating as possible.


"Don't dare move" I could hear the shaking in her voice. It makes me want to scare her even more.


Still - I didn't say a word and walk slowly to her direction...


"I said, don't move! STOP RIGHT THERE MISTER!" Ngayon mas obvious na yung pag shake ng boses niya at halata rin sa change ng pitch at tone niya. Mas lalo akong ginaganahang asarin siya. But mas lalo akong nagagalit but I want to stay calm. Hindi naman ako aggressive na tao eh.


Tumigil ako sa paglalakad. Hindi ko siya matitigan sa mata dahil baka manlambot ako kapag nakita ko ang reaction niya. I might be too offensive but I like to play sometimes.


"Natutulog ako ng maayos" Yeah, I know this is a stupid sentence. But what else should I say? 'Yon naman talaga yung nangyare. My voice was calm and relax.


I continued.. "By all means, I was enjoying the party last night with my friends. Mayroong isang babae na hindi ko kilala, who grabbed my hand out of the room - so hard na hindi na ako nakapumiglas. And dinala ako dito mismo sa kwartong ito. Just then I noticed na ikaw pala yung pinakilala sa akin ni Cotton after the program. Who do you think that girl is?" Na fi-feel ko na ang tension sa voice ko. And any minute now pwede ko siyang mataasan ng boses and I wouldn't regret it.


"Now you're accusing me na manyak? What did I do to you?!" She had the nerve to call me that. Napagtaasan ko nga siya ng boses ko. I'm trying to hide the tension I'm feeling on my lips that's why I kept biting it.


"Were you naked when you woke up?" Tiningnan ko siya sa mata at iniwas lang din. She's teary eyed. Must be kinakabahan na siya ng sobra. But I still continued, "Hindi naman di ba? Now you tell me, sino sa ating dalawa ang manyak?" Last na 'to. Nakahinga ako ng malalim deep inside but I don't want to show her.


I want to stop this play. This is going too far. Baka matakot na siya ng grabe. That's not what I wanted to happen.


All she said after was sorry. Too predictable. She even said na first time niyang uminom. Yeah, halata nga. Sino ba namang na sa matinong pag-iisip ang gagawa no'n. Pero kung sa bagay ako nga rin tumabi sa kanya without her permission. It was partly my fault. But no turning back now, I said what I've said and made an impression.


She excused herself. I didn't say a thing. I was too tired of all the lines I threw at her kaya nag steady na lang ako sa tabi ng bed. When she was finished, she ran towards the door and a second she's gone.


Maghuhubad na ako ng polo, I was beginning to unbutton my top I heard the door opened. Hindi ko na itinuloy ang paghuhubad. Before I could even look at the door nagsalita na siya. Boses na naman niya. Akala ko ba umalis na siya.


"Hi... Please don't tell my cousin about this. Thank you. Sorry"


------------------------


-end of chapter two-

A/N: I dedicate this chapter to @preciousaf. Thank you for reading my story! =)

ITS GOTTA BE YOU [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon