1

331 16 8
                                    

Sugar's POV (See top photo)

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Para bang mabibiyak na ito. Hinimas himas ko ito upang maalis ng konti ang sakit. Ano kaya ang nangyari? Naramdaman ko ang sakit sa aking buong katawan, animoy nabagsakan ng kung anong mabigat na bagay.

Ano ba 'tong mga nararamdaman ko. Bakit naman kaya ganito?

Iminuklat ko ang mga mata ko. Nagtaka ako dahil sa hindi pamilyar ang lugar na ito sakin. Teka asan ba ako? Hindi naman 'to bahay namin. At kung hindi to bahay namin, ano'ng ginagawa ko rito?

Biglang pumasok sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. Party. Tama. May party nga kagabi. I remebered it was Cotton's 19th birthday celebration last night. Napainom ako and hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari.

I moved a little to stretch my hands. Medyo nangangalay at masakit kasi 'to. While I was stretching my hands, I felt something beside me. I thought unan lang na matigas. But then, wala namang matigas na unan, right? I looked over my right where I felt the strange thing. Hindi masyadong clear kung anong nakita ko kaya naman nilinis ko ang mga mata ko. Baka may mga morning glory pa kaya di ko makita ng maayos. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kanina.

Mayroong ulo na nakalabas sa comforter. Aaahhhh. Ulo pala, hindi naman pala matigas na unan. Kala ko naman kung ano na eh. I reassured myself.

ULO???!!! Teka! Ba't may ulo?

I removed the comforter to see If what I saw was really someone's head. Nung naitaas ko na ang cover, na shock ako na makita ang isang lalakeng nakatalikod. In fairness, maganda yung likod niya. I can see from the white polo that he's wearing. Pero, a guy in my bed?! Wait a minute!

Oh. My. Gosh.

Anong gagawin ko?

Sisigaw ba ako?

Lord, help me right now! Situations like this, I don't know how to react. I did what I think was right. Sumigaw ako on top of my lungs. I made sure na magising siya.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"

Napaupo ako ng kama at agad namang tumayo at lumayo mula sa mamang nakahiga. Dala-dala ko ang comforter at tinakip ko sa katawan ko. Agad ko namang sinilip kung may damit pa akong suot. Salamat sa Diyos meron pa naman.

"WOAH! Ano sunog, sunog ba?!" Gulat na tanong ng mama na nakahiga sa kama. Lumilingon-lingon pa siya sa paligid at nahagilap ng kanyang mata ang aking kinatatayuan. Nagkatinginan kami sa mata.

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya. Ano ba Sugar! Put your act together! Tell him na hindi dapat siya andito kasama mo. Scold him. Make him pay for this.

But before I even say a word, inunahan niya na ako. He look so angry as if he was woken up from a very good sleep. Yung eyebrows niya kulang na lang mag collide sa pagkakadikit.

"Ba't ka ba sumisigaw? May nangyari ba, ha?!" He shouted. He sounded so angry.

Wow! At siya pa yung my ganang magalit sa akin ha. I twitched my lips. Hindi ko mapigilan yung inis ko. Paano naman yung galit ko na tinabihan niya ako sa kama?! Manyak siya. Tapos he got all the nerves to shout at me?!

"How dare you shout at me! Ang lakas din naman ng loob mo'ng magtanong kung anong nangyari? Well explain this! Why are we sleeping in the same bed! At sino ka ba'ng manyak ka?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I threw all the words I could possibly say at him.

Natulala lang siya. He fixed his white polo and stood up from laying on the bed. He said no word but just fixing his self. Moving towards me, he combed his hair with his right hand and biting his lower lip.

ITS GOTTA BE YOU [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon