"Sugar, gising na" I woke up to my mom's voice. Nakatulog pala ako habang nanunuod ng TV. Nag stretch ako ng mga kamay ko kasi nangalay dahil sa sofa lang naman ako nakatulog. Nilinisan ko rin yung mata kong medyo may morning glory lang naman.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at maglalakad na sana papataas ng kwarto ko ng makita ko yung oras. 1:23 pm. "OH MY GOSH! Late na ako" Napasigaw akong bigla. Dali-dali akong umakyat ng kwarto.
Pag dating sa loob ng room, hinanap ko agad yung hand bag ko at ang maliit kong notebook pati na rin ang pen ko. Nako, lagot ako nito sa prof ko. Bakit ba naman kasi ako nakatulog? Ngayon pa kung kelan terror yung professor ko. Wala na akong time para magpaganda pa at mag suot ng kung anong pwedeng pang OOTD kaya naman sinuot ko na lang yung high waist jeans at sleeveless top at nag kimono na lang ako. I grabbed my make-up purse para later na lang ako mag retouch on the way sa school. Omygosh. Omygosh. Ano pa ba. Okay na siguro to.
I hurried down the stairs. My mom noticed me and so kind to ask if I needed a driver. "Mom I need the keys. I think I can drive myself to school" I said like rapping cuz I am late. So late rather. She went to get my keys and a few seconds she's back and handed me the keys. "Careful" she said. I nod and run off the door to where the car's parked.
Damn it. Why does it have to be today. Of all the days. That old punk will sure punish and make fun of me in front of the class and I won't and can't be absent. My life sucks right now.
I started the engine and steered the wheel as soon as I can.
Nagpaikot-ikot ako ng subdivision hanggang totally makalabas na ako. Sinubukan kong bilisan yung takbo but after a few bumagal rin dahil sa traffic na tumambad sakin. I kept looking at different directions kasi humahanap ako ng pwede kong lusutan. Kelan pa ako naging ganito ka aggressive na driver parang kahapon lang hindi ako marunong mag drive tapos eto ako ngayon rumi-racer ang peg dahil lang sa late. Napadaan yung tingin ng mga mata ko sa orasan. 1:40. Ayon! Salamat sa Diyos nakakita ako ng isang daanan. Medyo marikit nga lang pero no choice. I turned right sa may Rodriguez Street. Thankfully walang masyadong sasakyan dito kaya naman nakadaan ako ng maayos. Lumabas na ako sa isang open road at nagdirediretso na ako papunta sa school.
1:59pm naman eh dumating ako sa parking lot ng school. Basically, I parked the car. Head out and run to the hallways.
Hinihingal pa ako ng dumating sa tapat ng room. Eto na yoon. Breathe in and out ako kasi alam kong mapapagalitan ako. I stepped my right foot first. Isang step na lang sana totally na akong nasa room kaso biglang nagsalita si terror prof. "Nice of you to join the class Miss Uy. Buti na lang andito si Mr. Perez" W-wait. Sino daw? Pagtingin ko sa likod ko nabigla naman akong nakita ko siya. Si Nathan? Napatingin ulit ako kay Sir Terror. "As I was saying, Mr. Perez here will be teaching you today. He promised to take my class since I won't be around. I was called for a meeting. Don't worry I gave an activity which you shall submit at the end of the class. You may take your seat Miss Uy" Napalunok ako sabay lakad papunta sa upuan ko. Ano daw? Di ko na gets. Ano naman kasing connection nitong si Nathan kay Sir Terror?
Medyo nahihiwagaan ako na lately palagi kong nakikita tong lalakeng to. Sinasadya ba 'to or destiny lang? Pwe! destiny. Napairing ako bigla. Ano ba yoon. Destiny agad, malay mo nagkataon lang.
"May problema ba?" I turned my face to see who was talking and find Nathan and everyone in the class looking at me. Nag roll yung eyeballs ko.
"Ah-eh. W-wala" Sabi ko. Nakakahiya naman to oh. Pero buti na rin to kesa pinagalitan pa ako noong Terror na yun.
Totoo ngang si Nathan yung pumalit kay Sir dahil sa biglaang meeting daw niya. Last class niya eh sila kaya nag volunteer na lang daw siyang pumalit kay Terror sabi noong kaklase kong di matigil sa kakakwento tungkol kay Nathan. Lakas ng tama sa kanya.
Psychology nga pala 'tong subject namin kaya nga nagtataka ako kung bakit ang higpit at ang sungit ng prof namin eh to think na sila dapat yung mas nakakaintinde dahil nga Psychology professors sila. May alam sila sa mga bagay bagay. Anyway, yung activity na iniwan ni Sir eh magsusulat daw ng mga horrible experiences or yung mga embarrassing moments na nangyari sa amin. Kinuha ko naman yung notebook ko at inilapag sa arm chair. Medyo nag-isip ako ng mga nakaraan ko. Ano kaya ang ilalagay ko? Yung about kay Clark or yung... hindi hindi. Hindi yun pwede. Napairing na naman ako. This time nagulat ako kasi may nagsalita sa tabi ko. "Ay palaka" Lumingon ako at nakitang nakaupo na sa vacant chair sa right ko si Nathan. Ba't ba siya pabigla biglang sumusulpot? Nako naman.
"Nahihirapan ka na ba dyan?" Kinausap pa ako ng loko. Kala mo kung sino. Close ba kami. Kung sabagay nagkasama nga lang naman kami sa iisang kama noon diba, hindi ba yoon close?
I got an idea!
That was the most embarrassing and most horrible experience ever! Great brain. Salamat din sa lalakeng 'to. Kung hindi siya tumabi diyan edi wala akong naisip na isulat dito. HAHAHA. I laughed in my mind.
"Ang dali-dali kaya. Gusto mong malaman?" I answered him. Lumapit naman siya sakin.
"Secret. Tse!" Bakit ko naman sakanya sasabihin. This is too personal. Kahit na we've been hanging out, no not hanging out but accidentally seeing each other eh hindi ko parin ico-consider na sabihin sa kanya. Too childish right but it is what it is.
"Sungit naman" Sagot naman niya. Nagtitili naman tong isang kong katabi sa left. Medyo mahina nga lang pero malakas ng konti para marinig ko. Di na ata napigilan na malapit si Nathan sa kanya. Bumalik na lang ako sa ginagawa ko. Gusto kong tapusin to. Rather kailangan ko pa lang tapusin.
At the end of the class, pinasa na namin yung mga ginawa namin. Inilipat ko yung akin sa yellow paper na binigay ng kaklase ko. I carefully folded it kasi baka basahin ng mokong. Lagot na. Isipin niya pang ang big deal niya sa akin. Hmp. Big deal naman talaga yoon eh.
Class was dismissed and everyone started walking out the room. Nagpaiwan ako kasi nag-ayos pa ako ng sarili. Hindi man lang kasi ako nakapaglagay ng tint or powder man lang. After kong mag lagay ng light make-up eh I fixed my things. Tumayo na rin ako.
I then started walking towards the door ng biglang may humarang sa daanan ko. Isang lalakeng di ko kilala. Joke. Sino pa ba eh di si Nathan. Hindi ko napansin na andito pa siya sa room. Akala ko kasi ako na lang natira.
"May next class ka pa?" Pagtatanong niya.
Dumiretso lang ako sa paglalakad.
Pinigilan niya naman ako at humarang ulit sa harap ko. Ano ba 'tong lalakeng ito? May gusto ba siya sakin o sadyang makulit siya. Hindi ko na napigilan pa kaya naman nagsalita na ako. "Ano ba? Dadaan ako. Umalis ka dyan" Masungit kong sabi.
"Ay ang sungit parin. Akala ko after last night okay na tayo. Hindi pala" Wow. After last night. Akala mo naman kung anong nangyare eh.
"Ba't kasi ang kulit? Mamaya pa yung pasok ko. 4-5. Bakit ba?" Isang oras lang yung klase namin kay Terror. "Siguro naman pwede na akong umalis, diba?" Hindi parin kasi ako makapaglakad papaalis kasi nakaharang pa yung kamay niya sa pinto.
"Hindi pa. Wait mo ako dito ha. Ilalagay ko lang ang mga ito sa desk ni Sir Terror tapos kain tayo. Nagugutom na ako eh" Aba. Close na pala kami ng hindi ko man lang nalalaman. Naks. Infairness. Lakas naman ng loob nito.
Kung sabagay naisip ko rin kasi na wala naman akong mapupuntahan. Saan ko naman igugugol yung isang oras na vacant ko diba. Sure naman akong magkasama si Cotton at si Clark ngayon. Might as well sumama na lang ako kay Nathan.
"Sure" Sabi ko.
"Ok. Wait here" He turned and left.
Naghintay ako sa may corridor.
----------------------------------------
*TO BE CONTINUED*
Decided to make an update after a year. Eto na muna yung pagbubuhusan ko ng oras bago yung isa kong story. Thanks pala sa mga nagbabasa pa ng stories ko. Please do click 'Vote' and if may suggestions and recommendations kayo guys comment na lang po kayo. Kung gusto niyo rin palang ma feature or magamit yung name niyo as one of the character's names, feel free to comment below. :)
Papalitan ko rin pala soon yung cover. Temporary muna po yung nilagay ko. Hope you enjoyed this update! Will update very soon.

BINABASA MO ANG
ITS GOTTA BE YOU [MinSul]
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...