NATHAN'S POV
2 days staight na kaming nagkikita nitong si Ysabelle. Yes, I want to call her that since everyone's calling her Sugar. Mas bagay sa kanya yung second name niya. Andito ako ngayon sa loob ng bar para kumuha ng drinks. I left her outside. Hindi ko sinasadyang palagi kaming magkita and ayoko rin namang makita siya palagi kasi for me, awkward pa rin ako dahil sa kanina but I felt I bad for her, marami akong masasamang nasabi kanina, she might think na masama na talaga ako.
I don't know what drink to buy kaya I asked the bartender for a mild one. He eventually offered me this 'Lovebird' cocktail. My eyes couldn't locate the two lovebirds baka nag VIP na sila. Bahala sila, kaya naman nila buhay nila and celebration naman nila 'to eh.
"The bill's under the name Cotton Lee" I said to the bartender. He took a note and handed me the drinks. He offered to bring it but I refused sinabi ko na lang na we'll call later kapag mag-order ulit kami.
From a far, I can see Ysabelle though the sliding doors are tinted dahil sa moonlight nakikita ko pa rin siya.
I offered her the drink which she didn't refuse to get.
I really felt guilty towards her and when she walked out kanina, I wanted to follow kaso ayaw ko namang iwan na lang si Cotton so I waited for Clark then eventually pinuntahan ko na siya. Ayoko rin mag stay dun sa dalawa kasi magmumukha lang akong bouncer dun, hindi naman ako papansinin nun eh. Mga mag kasintahan kasi kapag mag kasama na akala mo wala ng kasamang iba. Kakabanas. Dun na lang ako sa isa, if I know yun naman ang purpose ko dito kung di kausapin rin yung pinsan ni Cotton.
I'll grab this opportunity para mag-sorry sa kanya.
We had a few drinks at hindi pa ako tinatamaan pero itong kasama ko namumula na halatang tinatamaan na siya sa iniinom niya. I remember she told me about Clark's refusal of her feelings kaya siya uminom last night. Ganun ba ang feeling ng ma reject? Is it really that painful? I never knew dahil wala pa akong nililigawan or nagugustuhan man lang. Kawawa naman talaga siya. But I couldn't blame Clark either, mahal niya nga naman talaga tong pinsan nito.
May mali din talaga si Ysabelle. Alam niya ng masasaktan siya pero itinuloy niya pa rin. Hinayaan niyang maramdaman niya yung sakit. Hindi naman tama 'yon. So as much as possible kapag nararamdaman kong nagkakagusto na yung babae sakin nilalayuan ko na. Wala naman kasi akong balak mag girlfriend o kahit ano. Kung kaibigan, kaibigan na lang pero ang ibang babae kasi mapakitaan mo lang ng konting sweetness assuming ng gusto mo rin sila. In the end, sila lang kawawa.
Hindi muna sila nag-iisip or nakikiramdam parang 'tong babaeng to na patuloy lang ang inom. Matapos kong itanong sa kanya kung totoo ba yung sinabi niya kagabi which is yung pag turn down nga sa kanya ni Clark eh ayan nag iinom na. Sabi ko namang last two drinks na lang pero nag-order pa. Mamaya niyan malasing na naman siya.
Pinagmamasdan ko lang siya. Hindi na rin ako uminom dahil alam kong I'll take responsibility of her. Don't get me wrong, hindi kami close pero ako ang nagpainom sa kanya kaya dapat lang na bantayan ko siya. And there's no point para pigilan ko pa siya sa ginagawa niya. Determined ata siyang mag lasing eh.

BINABASA MO ANG
ITS GOTTA BE YOU [MinSul]
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...