4

191 10 4
                                    

"IKAW?!" Gulat kaming parehong nagsalita.

Hindi ako naniniwalang siya talaga yan. Sa dinami-dami ng tao sa eskwelahang 'to at sa mundong 'to, siya pa ang makakabanga ko? I smirked at him.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Stalker ka no!"

"Hoy Miss, sumusobra ka na ah. Manyak then stalker? You're kidding me. Dito ako nag-aaral" Kunware pa siya. Baka naman talaga sinusundan niya ako. Tss. Tama na yung isang beses lang kaming magkita please. Hindi na kaya ng head ko kapag may susunod pa.

Di ko kayang maatim ang presensiya niya kaya aalis na lang ako. Hindi na ako nag bother na sumugot pa. Umalis na ako bago pa siya magsalita.

Habang naglalakad ako papalayo, narinig ko naman ang sinabi niya, "Bastos to ah" Natawa na lang ako, let's say na ganoon na nga ako pero ayoko lang madagdagan pa ang kamalasan ko ngayong araw.

Sakto namang ang dating ko sa room. Wala pa si Sir Robles, yung professor namin sa Basic Interior Design. Additional subject lang 'to. Not really part of the curriculum but for some reason interesting siyang pag-aralan. When our professor arrived, he taught us about shading. It wasn't easy but very challenging.

After an hour of shading shapes, natapos din ang class namin sa kanya. Drawing is not really my thing but it challenged me the first meeting so I tried to learn. But now, it's getting boring.

I don't have a free time so inayos ko na ang gamit ko at I head for the door, sa kabilang building na naman kasi yung next class ko. I noticed na may mga girls na nagtitili sa may pintuan, dumiretso lang ako papalabas. Nakisingit ako sa mga babaeng nakaharang sa pinto.

Gosh. These guys. Nahirapan akong lumabas. Medyo nagulo yung buhok ko kaya inayos ko pagkalabas na pagkalabas ko. I was about to walk right when a guy stopped in front of me and placed his hand on the door.

"Excuse me..." Napa-angat ako ng tingin sa taong humarang sa daanan ko. What the hell?

I looked at my back, tumatawa yung mga tao. Aba, may nakakatawa ba? Siguro tong lalakeng 'to. Hanggang dito kasi sinusundan niya ako. Hindi ata siya maka get over sa dyosang beauty ko.

"So.." Sabi ng mokong.

Wala naman akong imik. Hindi ko kailangang magsalita, sino siya sa akala niya. Binabalak ko na ulit na umalis kasi I know nonsense lang ang lalabas sa bibig niya and one thing is for sure, hindi ako interesado sa kanya.

I walked a step and mas lalo lang siyang lumapit sa akin. Pesteng 'to. Gusto niya pa atang ipahiya ako sa mga blockmates ko ah.

"Dito ka rin pala nag-aaral, Sugar?" Bwiset na lalakeng 'to hindi talaga ako tinitigilan. Lumayo ako ng konti kasi medyo 3 inches na lang sobrang lapit niya na sa akin. Di kami close no. "Ba't ngayon lang kita nakita dito?"

"Aba ewan ko, bulag ka siguro o sadyang malaki lang 'tong school para magkita tayo. Tabi nga!" Hindi na ako nakapag-pigil, itinulak ko siya at naglakad na pero mabagsik talaga tong mamang 'to at nagawa pang hatakin ang kamay ko. "ANO BA!!!" Napasigaw ako sa inis. Hindi na siya nakakatawa, never naman talaga.

"Kinakausap pa kasi kita. Manners please" Pabulong niyang sabi.

"Hindi ako interesado sayo at lalo na sa sasabihin mo, ok? Just" Ginalaw ko ang kamay ko at pilit na inaalis sa pagkakahawak niya. "Let go of my hand" But his grip was strong so I failed retrieving my hands.

"Nathaniel Jaime Perez" Binitawan niya ang namumula kong kamay. Lokong 'to talaga, ang sakit nun ah. Sino kayang walang manners sa amin. Sobra siya ha. At anong Nathaniel Jaime Perez, pakialam ko.

ITS GOTTA BE YOU [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon