Ang nangyari nga ay pumayag akong hintayin si Nathan dito sa corridors. Kakain daw kami, ewan ko pa kung saan.
Hindi naman siya nag tagal. Lumipas lang ang limang minuto eh nakabalik na siya agad. Tumatakbo pa nga siya papunta sa kung saan ako nakapwesto. Pagbalik niya ay hingal na hingal siya. "Wew" Sabi niya. Malayo rin kasi yung office ng Psychology Department. Sa kabilang building pa yun eh. Ba't ba naman kasi siya nag volunteer mag proctor at maging substitute ni Sir Terror.
'Nga pala guys, Terror talaga apelyido nung professor namin. Nakakaloka diba? Who would have thought such name exists. Anyways, hindi lang sa name niya ang nakakatakot pati siya. He's very harsh. He wants everything done his own ways. Kaya kaming mga estudyante niya, we see to it na tama yung mga ginagawa namin.
Mabalik tayo sa kasalukuyan. Eto na si Nathan sa harap ko parang ewan. Kala mo naman sumali ng marathon sa pawis na tumutulo mula sa mukha niya.
"So Ysabelle, Where do you want to eat?" Pagtatanong niya. Kung makatawag naman 'to ng Ysabelle. Wala namang special doon, ang kaso parents and si Cotton lang naman tumatawag ng name na yan sakin eh. Pero sige na nga. Sinabi niya na, ano pa bang magagawa ko.
"Kahit saan" I answered with a smirk. Let's just get this over with. Ayoko naman matagal kaming mag kasama kasi nga hello, Wala naman atang gugusto makasama yung taong hindi mo naman kakilala, nakasama sa iisang kwarto at kama for being so drunk tapos suddenly magiging close for no reason. Hay. Nagulo na naman yung peaceful kong utak.
SM San Lazaro na lang daw kami maghahanap ng kainan, since malapit lang din sa school, kasi na sa University belt yung paaralan namin. I had no choice but to follow him.
We arrived at the parking lot and he stopped and turned to face me. "Sakay na lang tayo sa car ko" He offered. I remembered I brought my own car so I refused his offer.
"No, may dala kasi akong car" Sagot ko sakanya. He pouted.
"Just leave your car here. Babalik pa naman tayo eh" He insisted. Uh-oh. No way I'm riding his car. Baka kung saan niya pa ako dalhin no.
"I said no 'di ba? Ganito na lang. I'll drive mine, you drive yours?" I offered. Much better that way. No harm will be done.
"Sige. You drive yours pero aangkas ako. Isang sasakyan na lang gagamitin natin. Baka kasi takasan mo pa ako" Ang lakas din naman niya ha! Assuming siya. In all fairness. Ako pa talaga itong tatakas? Kung sabagay. Buti na lang he gave me that thought. Hindi ko naman talaga siya gusyong makasama in the first place. Hmmm....
Lumipas lang ang oras sa pag argue naming dalawa. We decided to ride my car instead of driving separately. Hinanap ko na kung saan ko i-pinark yung Mazda ko. Sa sobrang pagmamadali ko kanina hindi ko na natandaan kung saan.
Pagkalampas ng tatlong parking spaces, nakita namin malapit na sa guard post yung kotse ko. Right, dito ko lang nga pala 'to ipinarking.
"Mazda 3? Wow. Your dad must be earning big" He complimented.
I must agree. Yung Dad ko, oo. Thankfully nabiyayaan ako kahit papa'no. Nag ma-manage kasi yung Dad ko ng mga hotels. Kanino? Samin. Not to be boastful but since Korean kami, nasa blood na namin ang pagiging businessmen. Yung mga hotels na yun naman eh pamana lang ng Hal-abeoji (Grandfather) ko kay Daddy.
"Ah, yan? Regalo lang nila sakin" I opened the door at pumasok na. Sumunod rin naman siya at naupo sa unahan.
"Bago?" Pagtatanong niya.
"No, 2 months ago pa nila sakin binigay. Hindi ko lang ginagamit kasi may driver naman sa bahay. Late lang ako kanina kaya I decided to use it" Sagot ko.

BINABASA MO ANG
ITS GOTTA BE YOU [MinSul]
Teen FictionThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...