14

61 5 0
                                    

"I'm taking you home" Pamimilit ni Nathan. Nakapamewang akong umiiling iling at hindi tumitingin sa kanya. I still feel hate dahil sa ginawa niya kanina. May balak pa akong resbakan siya kaso baka umiyak siya at maawa ako kaya wag na lang.

"No you're not" Mariin kong sagot.

"Papakipot ka pa. Sakay na" He opened the door of his car. Di naman ako gumalaw sa pwesto ko. Sasabay na lang ako kina Cotton kesa sa kanya baka may gawin pa siya sakin. Iniisip ko pa lang nagtataasan na yung mga balahibo ko.

Naglalakad na sana siya papunta sa pinto ng driver's seat ng mapansin niyang hindi ako sumunod sa kanya so he stopped and walk towards me.

I rolled my eyes. Ang kulit nitong taong to. Naiisip ko na tuloy na gusto niya ako. Hehe. Ang kapal ko ba? Hindi ako assuming at lalong lalo ng di ako umaasang mag kagusto si mokong sa akin. My point is wala naman ata siyang hindi magugustuhan sakin...

Maganda ako, matangos ang ilong, maputi halos kasing puti ko na nga si snow white at higit sa lahat matangkad. Bihira yung mga matatangkad na babae ngayon noh. toinks. Pinuri ang sarili...

"Get your hands off of me!" I snapped. Hinila ba naman ako papasok ng sasakyan. Pilitan na pala ito ngayon. Nagpupumiglas na ako pero walang epekto dahil mas malaki at malakas siya kesa sa akin. "Natha--" Bago ko pa naituloy yung sinasabi ko, naisara niya na ang pinto.

I tried to open it but he was so fast na nagawa niyang i child lock agad ito. Di ko nga alam kung pano niya nagawa yun ng ganun ka bilis mga less than 0.1 seconds. Chos. May lahi ata siyang The Flash o baka siya yun di ko lang napansin. Haha.

Yumuko ako at nag cross arms. Alam kong walang gagawing masama sa akin tong lalakeng to. Alam ko rin na mabait siya at layunin niya lang na maihatid ako ng maayos sa bahay namin. Klarado naman yun at wala namang ibang rason akong nakikita. May something lang talaga deep inside na pumipigil sa akin. Kung ano? I don't have an idea.

Siguro nga yung dahil na ito sa pagpapasubo niya sa akin kanina sa auction.

Don't get me wrong kahit gano ka petty yun, nahiya pa rin ako. It was my first time to stand in front of a lot of people. Tapos it wasn't any ordinary event but an auction--meaning pagaagawan ka. They will bid to get you.

Paano kung yung nakadate ko medyo bastusin. Kahit naman mga professionals yung mga yun syempre tao sila at baka may sadyang mga bastusin di maiwasan. Takot ko lang noh.

"Sorry na..." Mahinang sabi ng mama sa tabi ko. Kunware wala akong narinig at lumingon ako sa window.

Emoterang frog.

Ang arte mo alam mo yun. Tse! Wag kang epal dyan inner voice. You're out of the picture. Trip kong mag inarte. Joke! Yun naman talaga kasing nararamdaman ko. Masisi mo ba ako. Wala naman sigurong mali diba...

Fine. Para matapos na mag move on na lang tayo sa nangyari. Tutal naman tapos na rin yun at hindi ko na mababalik pa. Kay Nathan rin naman ako napunta. Atleast, kilala ko naman siya at naging close ko na siya. Plus, he donated dun sa hospital nila. Mabait ngang bata.

"Okay" Sagot ko naman sa kanya.

"Okay?"

"Ayaw mo?"

"Okay na, okay na nga"

"Yun naman pala eh! Mag drive ka na nga lang."

~

Bangag pa ako from last night. I had a few drinks pero super mild lang talaga nito so I didn't get drunk and was able to go home.

Naalala ko pa rin yung auction pero di na ako affected kasi nga nangyare na. Hinatid rin ako ng napakabait na si Nathan dito sa bahay. Good thing my parents were already asleep and I have a key to the main gate and door so I need not wake them up.

ITS GOTTA BE YOU [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon