11

115 10 1
                                        

NATHAN'S POV

Nagpabalik-balik ako mula sa kwarto hanggang sa living room ng condo unit ko pabalik naman sa kwarto minsan sume-segway ako sa cr o sa kusina. Hindi na ako magkamayaw sa kakaiisip ng pwedeng pagkaabalahan. Ano bang ngyayare sakin? Dati naman hindi ako naiinip kahit wala akong ginagawa dito. Ni wala nga akong pakialam kahit buong araw ako humilata dyan sa kama ko at hindi lumalabas. Naninibago nga ako sa sarili ko dahil ngayon hindi ako mapirmi sa isang sulok lang. Gusto kong mag lakad, parang gusto ng mga paa kong lumabas magsarili ng lakad kaso wala akong maisip na lugar o pwedeng kasama.

Leche naman oh. Ang banas.

Napaupo ako sa sofa dala na rin ng pagod. Chineck ko ang cellphone ko pero ni isang message o missed call, wala. Anong nangyayare sa mga tao? Nakalimutan na nga siguro nila ako ng tuluyan. I turned the TV on para may mapag-libangan man lang ako. Ipinatong ko ang mga paa ko sa lamesa at umupo ng komportable sa sofa.

Wala pa akong limang minutong nanunuod ng TV eh nakaramdam na ang sikmura ko ng gutom. Tanghali na kasi ako ng magising kaya wala na akong panahon para mag breakfast pa. Nagra-rumble na yung mga bulate ko sa tiyan. Habang hawak ko ang aking tiyan dahil panay ang ungol sa gutom, tumayo ako at naglakad papunta ng kusina. I checked the fridge and found nothing but bottles of water. Naalala ko nga pala na hindi pa ako nakakapag grocery man lang. Nagkaroon ako ng rason para lumabas.

Nagsuot naman ako ng t-shirt at short. Mamaya na rin lang akong maliligo, mag go-grocery lang naman ako dyan sa malapit na Mart. Kahit di naman ako maligo mabango pa rin ako. Sa tingin ko nga eh pati pawis ko naglalabas ng mabangong amoy na pwede ng gawing perfume o cologne. Naks ah.

Bumaba na ako sa lobby ng condo. Pinagtinginan naman ako ng mga staff, yung ibang mga babae medyo itinatago pang nagtiti-tili pero halata ko naman. Napa-smile na lang ako sa kanila at nakita ko yung tuwa sa mga mukha nila. May powers pala ako at yun ang magpakilig ng ibang tao. Ang lakas talaga ng hangin mo, sabi ng tao sa loob ko. Napatawa ako ng tahimik sa mga naiisip ko.

Dumaan muna ako dito sa isang restaurant na malapit sa condo. Umorder ako ng steak at pumwesto sa labas. Merong mga tables sa labas nitong restaurant. Mas masarap ditong kumain kahit mag-isa lang ako. Puno rin kasi yung loob ng tao dahil sa rush hour kaya mas pinili ko na lang sa labas. Marami mang dumadaan na sasakyan at may kaingayan mas masarap pa rin kumain sa ilalim ng araw at natural na hangin.

Matapos kong lantakan yung plato ng pagkain, nagpunas ako ng mukha gamit ang tissue at tumayo na rin pagkatapos. Isinuot ko ng muli ang shades ko at naglakad na. Tumingin tingin lang sa palagid habang naglalakad. Matagal na rin kasi akong di nakapaglakad lakad o mamasyal man lang ng di dala yung kotse kaya ngayon ramdam kong na i-stretch ko yung paa ko. Habang naglalakad papunta sa Mart nahagilap siya ng mga mata ko. Napatigil ako at mula sa kinatatayuan ko tinitigan ko lang siya na nasa kabilang lane. Yung Mazda 3 na puti, alam kong sa kanya yun. Kitang-kita ko siya habang cool na nag da-drive. Yung isang kamay niya nasa stirring wheel habang ang isa ay nakapatong sa bukas na bintana ng kanyang kotse.

Never pa ngyari sa akin na matulala ako sa isang babae. Hindi ko nga kayang tingnan sila ng 10 segundo kung di ko kausap. Siguro mga 10 minuto akong nakatayo na sa pwesto ko. Maraming tao na ang dumaraan ngunit nanatili lang akong parang poste. Bumalik ako sa ulirat ng may bumangga sa akin. Na-realize ka baka matagal na nga ako dito. Bago ako humakbak, yung mata ko ay nag lakbay sa mga kotseng dumaraan. Wala na siya doon kaya itunulak ko na ang paa ko paunahan.

Dumating naman ako sa Mart at agad na namili. Kumuha ako ng mga pangunahing kailangan ko sa Condo kagaya ng mga pagkain at iba pang necessities. I got some instant noodles, mga ramen. Paborito ko kasi ang ma-anghang. Nilagay ko rin sa cart ko ilang mga canned goods, bread, chips at iba pa. May mga fresh foods rin dito. Pumili ako ng magandang klase ng pork, manok at beef. Para sa isang linggo na yung mga kinuha ko ng meat. Hindi naman yun agad masisira. Nadaanan ko ang side ng mga gulay at kumuha ako ng pwedeng lutuin na hindi madaling mabulok. I even got fruits.

ITS GOTTA BE YOU [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon