6

141 11 3
                                    

"Ah..." Nalilitong sabi ni Cotton. Hinawakan niya ang balikat ko at she cleared her throat, "Pag pasensiyahan mo na 'tong pinsan ko ha" Ako pa yung pagpapasensyahan niya. "Anyway, I remembered na inintroduce na kita Nathan kay Sugar doon sa party ko" She looked from him to me.


Ako naman nakatingin lang sa side. Ba't ko naman siya titingnan? Gwapo ba siya? Hindi siya work of art para masilayan ng mga precious eyes ko.


"Yeah, we've met earlier. She's something ha Cotton" Nanlaki yung mga mata ko at napatingin ako sa kanya. That's it! Sagad na ang pasensiya ko sa lalakeng 'to. Naglalaban lahat ng inis ko sa kanya. Ang cool lang ng tayo niya sa may bar counter, parang wala ako sa harapan niya ah.


"Tss" Pagsisimula ko-insert naiiritang face dito-gusto niya talaga ng away. Sana nagsabi siya ng mas maaga para doon pa lang sa hallway pinatikim ko na siya. "Kapal ha. Sorry couz, lalabas muna ako. Hindi ko kaya ang ambiance dito, masyadong mahangin"


"Huh?" Pagtataka ni Cotton. "Hindi naman ah, teka, wait" Nagsimula na akong maglakad pa labas. Don't think of stopping me.


Buti pa dito sa labas natural ang hangin. Dito na lang ako hanggang matapos ang celebration nila. Hindi rin naman ako kailangan doon. And si Clark? baka magalit o magulat lang siya na andun ako so much better if I just stay here.


Andito ako sa balcony sa labas ng bar. May mga tables ang chairs syempre. Smoking area ata 'to. I've never been here before, nadadaanan lang kapag nag-shopping kami. I extended my arms, the breeze feels fresh on my skin. Napaka welcoming ng dating. The view is great too, the night is lovely with the half moon at point. Ang gandang panuorin.


I settled in one of the chairs.


Ano ng ngayon ang gagawin ko rito? Siguro I'll just wait for them. Ayoko namang uminom kasi I know the effect of alcohol on me at hindi maganda. Eh kung magpasundo na lang kaya ako kay Manong Fred, hindi pa naman yun tulog.


They'll still enjoy without me, I thought. I brought out my phone from my satchel. I was about to dial the number at home pero nagulat ako ng biglang nag-open yung door sa balcony. Ibinaba ko yung phone ko at tiningnan kung sino.


Nasira na naman yung peaceful and calm aura ko. Leche namang mamang to. Panira talaga ng mood kahit kailan. Tumayo na ako at akmang maglalakad ng pinigilan niya ako.


"Sandali" Hinawakan niya ang kamay ko. Nag pumiglas naman ako. Wala ba siyang hiya talaga. Hindi pwedeng basta basta na lang siya mang hawak ng kamay.


"Ano ba? Hindi tayo close. Bitawan mo ako" Pilit kong inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.


May ugali rin siya no. Kung hindi niya haharangan ang daan, hahawakan niya ang kamay ko. This punk, what does he want from me.


He eventually release my hand and I relaxed. "Kakarating lang ni Clark" Sabi ng mokong.


Eh ano ngayon? Bawal na akong pumunta doon? Kailangan ko talagang malaman? Tss.


"Umupo ka lang dyan" At nag-utos pa ha. Hindi ko nga siya pinakinggan. Naglakad ako papalayo sa kanya, dun sa dulo ng balcony at naupo. Hindi ko pa nga kayang harapin si Clark. "Uupo rin lang naman pala. Ang tigas ng ulo mo no?" Sinundan pala niya ako. Hindi ko nga siya nilingon.

ITS GOTTA BE YOU [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon