Ashraine's POV
Maaga akong pinalinis ng landlady ng dorm ko. May uupa daw kase sa kabilang kwarto. Shems may kasama na ako!! Naeexcite ako par!
"Siguraduhin mong malinis ang lahat ng sulok ng dorm na ito ah." muling paalala sa akin ni Aling Doray.
"Nako po! Dinilaan ko na lahat ng sulok at tignan mo po para na siya dyamante sa sobrang kintab." natatawa kong sabi sa kanya.
Maya maya pa'y may tumawag kay Aling Doray sa labas. 'Ayan na siguro yung magiging kasama ko! Sana maging close kami'.
Bumalik si Aling Doray na may kasamang lalake???!
"Huh? Aling Doray, siya po pa ba yung makakasama ko rito??" tumango naman siya bilang tugon.
"HA!? EH KALA KO BA BAWAL LALAKI SA DORM NA ITO???!" hindi ko napigilan na napasigaw ako.
Syempre hindi maaalis sa akin iyon na matakot. May makakasama akong lalaki sa dorm na ito. Ang panget tignan! Para kaming nag lilive in partner.
"Bakit hindi eh nakapagbayad na siya. Huwag kang mag alala di naman siya mukhang rapist."
Aba kahit na! Ang hirap na kayang magtiwala sa panahon ngayon.
Umalis na si Aling Doray at dumiretso naman itong lalaki na to sa kwarto niya. Nakakainis hindi ko maiwasang hindi mag isip ng kung ano ano. Kakabalita lang kase kahapon na may na-rape daw sa dorm na tinitirhan nun. Jusko nakakatakot!
"Tsk. Wag kang mag alala hindi ka naman mukhang masarap." nagulat ako kase nasa harapan ko na siya. Ganon na ba kalalim ang iniisip ko na hindi mapansin na nasa harapan ko na siya??
At tekaaaa.... a-anong sabi niyaaaaa!?
"Aba ang kapal rin ng mukha mo no?? Masyado ka namang assumero! Hindi ikaw ang iniisip ko eh. Atsaka akala mo kung sinong masarap to." pagsisinungaling na sabi ko sa kanya.
"Okay sabi mo yan."
Dumiretso siya sa may kusina at mukhang magluluto. Biglang kumalam ang tiyan ko. Waaaah nagugutom na ako.
Maya maya pa'y naaamoy ko na yung niluluto niya. Nakakatakam!
'Kailangan maging mabait ako sa kanya para makakain ako ng libre sa luto niya. Mukhang masarap eh'
Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Tumikhim ako at nagpakilala.
"Woi. Ako si Ashraine Meda." nakangiting sabi ko at inilahad ang kamay ko.
5.....
4....
3...
2..
1.5 seconds na nakalahad ang kamay ko bago niyang hawakan.
"Kyoto."
Binitawan ko na yung kamay niya. Pasimple akong tumingin sa niluluto niya. Hays bahala na pakapalan nalang ng loob to!
"Pwede makihingi?" ginawa ko pang nakakaawa ang mukha ko. Walanjo! Pers tym ko yun ginawa.
"Hindi."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Hindi ba nakakaawa ang mukha ko?" nagbabakasaling sabi ko baka di niya alam na nagmamakaawa ako sa kanya na bigyan niya ako ng pagkain.
"Hindi. Mukha kang aso."
Nakampucha!
BINABASA MO ANG
Ang Topakin Kong Dorm Mate
Teen FictionSi Ashraine Meda ay tahimik na naninirahan sa isang dorm malapit sa school nila. Kahit kailan ay never pa siyang nagkaroon ng kahati sa dorm. Pero paano nalang kung may biglang nakihati sa kanya at isang lalaki pa ito, ano kaya ang gagawin niya? Ida...