Ashraine's POV
Pagkatapos niya akong kaladkarin at dalhin dito sa cr eh agad akong napatakip ng mukha dahil sa ginawa niyang pagtitig sa akin. Inalis niya ang palad ko sa mukha at itinuloy ang kanyang ginagawang pagtitig sa akin. Sa tingin niya ay tila bang hinihypnotismo niya ako na sa kanya lang tumingin.
Hinablot niya ang hawak-hawak kong panyo at binasa ito kaunti. Sinimulan niya ang pagpunas nito sa kanyang abs na natapunan ng juice kanina.
'Shems bakit kailangan ko pang makita ito? Merepek eke eh! At bakit kailangan pa gamitin ang panyo ko eh nakita kong may panyo naman siya?'
Parang akala mo nasa live show siya sa ginagawa niya. Sanay na sanay ah. Tsk tsk tsk
Inalis ko ang tingin sa kanya at sa mga panunukso niyang abs, "P-Pwede na ba akong lumabas?" sambit ko na hanggang ngayon eh nasa sahig pa rin ang tingin ko.
"Hindi." pagkasabi niya non ay mas lalo pa siyang lumapit sa akin at iniangat ang ulo ko para magpantay ang mga mukha namin. Waaah tukso layuan mo ako!!!
"A-Ano b-ba k-kasing g-inagawa mo?!" nauutal na singhal ko sa kanya.
"Bakit ka nauutal?" may sumilay na ngisi sa mukha niya. Pinagtitripan niya ako!
May hinagis siya sa aking maliit na bimpo. Ito yung panyo niya!
"Anong gagawin ko dito?"
"Ipunas mo sa akin."
A-ANOOOO???!???!?
Lalo siyang lumapit nung hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. Bakit ba to nangyayari sa akin. Awtor akala ko ba masungit ang isang to? Eh bakit parang nagiging malandi na?? (ewan ko rin eh hahaha)
Para hindi na tuluyan siyang lumapit sa akin ay pinunasan ko na ang abs niya. Parang napapaso akong punasan siya lalo na nang hindi sinasadyang mahulog ang bimpo at mahawakan ang kanyang matigas na abs.
'Ugh bakit parang sobrang init naman ngayon?!'
Naramdaman kong biglang gumalaw ang kanyang balikat, tumatawa siya. Siguro pinagtatawan niya ang mukha ko na hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon.
'Pinagtitripan niya ba ako?! Kung ganon ay nakakaletse flan siya!'
Marahas kong tinulak siya at bumilis na tumakbo papalabas. Nakakainis pwede ko namang gawin to kanina, pero ngayon ko lang ginawa.
'Napaka rupok mo kase besh! Nakakita lang ng abs akala mo nasa langit na.'
Hingal na hingal akong pumasok sa room. Di na nila ako tinignan kase wala naman silang pake sa akin.
Maya maya pa'y dumating na ang science teacher namin at si Kyoto. Muling uminit ang ulo ko nung nakita ko siya.
Pangisi-ngisi pa siyang umupo sa tabi ko. Nagulat ako nang biglang nag lean siya at bumulong.
"Ang sarap mong magpunas." napatingin ako sa kanya at bigla siyang kumindat.
Buset ka Kyoto!!! Maging masungit ka nalang at huwag maging malandi!!!! Ugh!
~~~
NILILIGPIT ko ang aking gamit nang maramdaman ko ang isang masamang presensya sa likod ko. Tinignan ko siya ng masama at isang malanding ngiti ang ibinalik niya sa akin.
"Are you on drugs?" hindi ko napigilang isambit ito sa kanya. Nakita ko na bahagya siyang natigilan at walang sabi na tumawa ng malakas.
'Baliw na siguro'
"Hindi hahaha," walang tigil pa rin siyang tumatawa. Sa pagkakaalam ko, wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Siguro nabagok ang ulo nito sa cr kaya kung ano ano na lamang ang kanyang ginagawa sa sarili.
Hindi ko nalang siya pinansin at itinuloy nalang ang pag-aayos at paglalagay ng gamit ko sa bag. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng room. Narinig kong sumigaw pa siya kaya napatakbo nalang ako ng mabilis. Ayokong maabutan niya ako. Hindi ko keri ang kakaiba niyang kilos ngayon.
Sa pag-iisip ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Ngumiti na naman siya ng nakakaloko kaya kumunot ulit ang noo ko sa kanya.
"Ano bang problema mo? Baliw ka na ba? Tara hatid na kita sa mental hospital."
"Hindi ako baliw."
"Oh eh bakit parang sa kinikilos mo ay isa ka na? Hindi ka naman ganyan ah."
Medyo nagtataka na talaga ako sa kanya. Minsan kasi ay masungit siya, minsan naman ay mabait at ngayon naman ay malandi. May bipolar disorder ba ang isang ito??
"Kung sa tingin mo ay may bipolar disorder ako, nagkakamali ka kasi wala."
"Hindi ko maintindihan, bakit naging ganito ka?? Nakakatakot baka bigla ka nalang mag-amok sa dorm tas tagain mo ako."
Bigla siyang tumawa ng malakas kaya ang ibang mga estudyante na papauwi na ay napatingin sa amin. Itong lalaking 'to nakuha pang gumawa ng eksena.
"Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawa sayo. Naging mabait pa ako nung inaaway mo ko."
"May ginawa ka."
"H-Ha? T-Teka, ano naman yun ha?!"
Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap. "Rinig mo ba ang tibok ng puso ko?" tumango ako at mariing napalunok. "Iyan ang ginawa mo sa akin." Nakakabingi ang lakas at nakakapagod habulin ang mabilis na tibok ng puso niya.
Anong nangyayari at bakit naging ganito?
BINABASA MO ANG
Ang Topakin Kong Dorm Mate
Teen FictionSi Ashraine Meda ay tahimik na naninirahan sa isang dorm malapit sa school nila. Kahit kailan ay never pa siyang nagkaroon ng kahati sa dorm. Pero paano nalang kung may biglang nakihati sa kanya at isang lalaki pa ito, ano kaya ang gagawin niya? Ida...