Ashraine's POV
Red Fox.
Parehas kami ng team ni Kyoto at panigurado ay magkikita at magkikita talaga kami. Pero parang wala pa akong lakas na harapin siya, matapos ang nangyaring linyahan niya kahapon.
Mas nauna akong nagising at umalis kaysa sa kanya. Sa ministop na nga ako nag-almusal para lang hindi ko siya maabutan.
Nahihiya ako at hindi ko alam ang mga sasabihin ko once na magkita kami.
"Waah ka-team natin si Kyoto."
"Oo nga eh. Mapapalapit na rin ako sa kanya sa wakas."Hindi ko alam na sikat na pala dito sa campus si Kyoto. Nakakaloka. Hindi na kinakaya ng bangs ko.
Walang discussion ang naganap ngayon. Pinaghahandaan nila kasi ang Intrams. Grabe, paano nalang kaming walang ka-interes-interes sa sports? Nganga?
Papunta ako ngayon sa rooftop. Masyado kasing maingay ang paligid dahil sa nagkakagulo sila sa pagfifill-up para sa sasalihang laro, at ang rooftop lang kasi ang tahimik sa ngayon. Parang bet ko rin kasing lumanghap ng sariwang hangin.
Kinuha ko ang upuan sa gilid ng pinto at inilagay ito sa tapat ng railings. Medyo mababa kasi ang railings kaya naman madali lang dito magsuicide. PERO HUWAG NIYONG GAGAWIN IYON. KUNG MAY PROBLEMA KAYO, ALWAYS SEEK FOR THE BRIGHTER SIDE. LAGI NIYONG TATANDAAN MAY MGA IBA'T-IBANG GENRE ANG MUSIC NA PWEDENG MAGPASAYA SA ATIN, MAY FRIENDS AT PAMILYA TAYONG MASASANDALAN AT MANALIG TAYO SA DIYOS. DAHIL LAHAT NG PROBLEMA NA IKINAHAHARAP NATIN NGAYON AY TANGING PAGSUBOK LAMANG AT MAWAWALA RIN. WALANG PAGSUBOK ANG IBINIGAY SA ATIN NA HINDI NATIN KAYA. WE SHOULD BELIEVE IN OURSELVES.
Shems, bakit ko ba nakalimutan ang phone ko? Ganda pa naman ng mga ulap ngayon.
"Please comeback.... to me."
Nagulat ako sa may biglaang nagsalita sa paligid ko. Babaeng boses. Shocks, may sabi-sabi pa naman na may nagpaparamdam dito. Pero , umaga naman ah? Akala ko ba tuwing gabi lang sila nagpaparamdam?
Hindi ako nag-ingay. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung saan ba ito nanggaling. Mahirap na kung pa-dalos-dalos ako diba? Malay mo killer iyon. Paano nalang ang future ko? Ang OA ko na.
"I'm already done to you. Why can't you accept it?"
Muling may nagsalita, ngunit boses lalaki na ito. Biglang kumabog ang dibdib ko, at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako nagkape kaya imposibleng nagpapalpitate itong puso ko.
"But,..... I still love you..... Kyoto."
Kyoto?!
Napatakbo ako sa kinaroroonan nila at nagtago sa gilid. Si Kyoto Oshford nga at may kasama siyang babae na ngayon ko lang nakita. Transferee rin siguro.
"Sorry, but I don't love you anymore."
Nagsimula nang humikbi ang babae. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Una, naiiyak ako dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng babae at ang pangalwa ay naiinis ako. Naiinis ako dahil may naging karelasyon na si Kyoto.
"Binigay ko ang lahat......," muli itong humikbi, "l--lahat p--pati na ang k--katawan at kaluluwa ko s--sayo."
Hindi ko kinayang marinig na may nangyari na sa kanilang dalawa. Naiinis at nanghihina ako. Gusto kong umalis sa pwesto ko ngunit hindi ko man lang magawang igalaw ang mga paa ko. Tila ba'y nakapako na ito sa semento.
"You asked for it, that's why I'd give it to you."
Taena mo Kyoto! Napaka-hambog mo!!
Dahil sa nanghihina na ako ay aksidente kong naisagi ang mga nakapatong na box kaya naman ay unti-unti itong nahulog. Napatingin sila sa akin at bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat.
Agad akong tumayo at tumakbo papalayo sa kanila, sa mga taong nagbigay sa akin nang matinding sakit.
Oo, sa ikli ng panahon ay nagustuhan ko na rin si Kyoto, kahit na may pagkamatopakin siya at hindi mo maintindihan ang mga kinikilos niya.
Kaya nga hindi ko siya kayang harapin ngayon, kasi natatakot akong masaktan. Pero tignan mo nga naman,nasaktan niya ako at ito ang iniiwasan ko. I'm so fragile that simple things makes me so sad, happy and mad.
"Ashraine! Let me explain!" rinig ko pang hiyaw niya.
Explain? Bakit pa, nasaktan mo na ako. Hindi nga rin tayo eh. So what's the essence explaining your self to me, Kyoto? Baka lalo pa akong masaktan.
Nasasaktan ako kahit na wala naman siyang ginawa sa aking masama. Mahal pa rin siya ng babae at natatakot akong bumalik pa muli ito sa kanya. Ang hirap sumugal lalo na kung like lang naman ang meron siya sayo.
Oo nga't hindi niya na mahal ang babaeng iyon, pero kahit na may pinagsamahan na sila. Kami? Bangayan at asaran lang naman.
Napadpad ako sa McDo. I want to freshen up. Hindi dapat maging ganito ako. The f*ck Ashraine, walang kayo at hindi naging kayo, kaya wala kang karapatang mag-inarte diyan. Pero...... sa tingin ko ay mahal ko na ata siya.
"1 coffee float please." pilit kong ngiting um-order. Ayokong i-spread ang bad vibes na meron ako ngayon. Better to keep it to myself nalang.
Kinuha ko ang in-order ko at umupo sa tagong part ng fastfood chain na ito. Gusto kong mapag-isa para makapag-isip-isip kung ano nga ba ang dapat kong gawin.
Hays. Nakakainis ka Kyoto. Hindi pa nga tayo pero nasasaktan na ako, what if kung maging tayo pa? Really Ashraine, naisip mo pang magiging kayo? Rupok mo self.
"Kapag nagmahal ka, masasaktan ka talaga. Hindi pagmamahal ang tawag kung hindi ka masasaktan...... Wala kang karapatang magmahal kung puro saya lang ang gusto mo. Remember, love gains problems, heartbreaks, betrayals and craziness. Kung ayaw mong maramdaman iyon then huwag ka na lang magmahal."
A/N: Guys sana naibigay ko sa inyo yung feeling na nasasaktan. Comment sa ibaba kung na-achieve ko naman iyon. Salamat sa pagbabasa. Mahal ko kayo ❤
![](https://img.wattpad.com/cover/187285900-288-k833696.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Topakin Kong Dorm Mate
Teen FictionSi Ashraine Meda ay tahimik na naninirahan sa isang dorm malapit sa school nila. Kahit kailan ay never pa siyang nagkaroon ng kahati sa dorm. Pero paano nalang kung may biglang nakihati sa kanya at isang lalaki pa ito, ano kaya ang gagawin niya? Ida...