Kyoto's POV
Maaga akong gumising ngayon para mag exercise. Kailangan kong mamaintain ang abs ko para maglaway ulit sa akin si Ash.
'HAHAHAHAHA nakakatawa talaga yung itsura niya'
Nagpupush up ako nang maamoy ko ang isang pamilyar na amoy sa gilid ko. Iniangat ko ang ulo at kitang kita ko kung paano nakatingin si Ashraine sa abs.
'tsk hahaha'
"Laway mo tutulo na."
Matagal niya pang tiningnan ang abs ko at sunod inirapan niya ako. Mukhang nag daday-dream pa siya kase tuluyan na itong tumitig sa akin. Tsk.
Itinigil ko ang pagpupush-up at humarap sa kanya. Lalo kong inilapit ang mukha ko para asarin siya. "Saan ka pupunta?" Ilang minuto lang nang sabihin ko iyun ay marahas niya akong tinulak at tumakbo papalayo.
'Saan naman kaya pupunta ang isang 'yon? Tsk akala mo huhubaran na sa suot niya.'
Naiinis akong pinagpatuloy ang pagpupush up ko. Nang makaramdam ako ng pagod ay nagpahinga na muna ako. Ang boring ngayong araw dahil wala ang babaeng kasama ko sa dorm na'to. Wala akong mapagtripan at masinghalan.
Nagpa rank muna ako sa ml. Tss, malas puro kanser ang kakampi ko kaya ayun defeat, nabawasan tuloy ng isang star ang epic ko.
Maya maya pa'y napagdesisyonan kong mag grocery ngayon. Naligo muna ako at sinigurong naka lock ng mabuti ang dorm namin bago umalis.
Mabilis lang akong nakarating sa grocery store since hindi naman masyadong traffic ang lugar na ito. Kumuha ako ng cart dahil mukhang pang isang taong supply ang bibilhin ko. HAHAHAHA joke lang
Pansin ko na laging nagpapalibre sa akin ng pagkain si Ashraine kaya naman binilhan ko na rin siya ng mga pagkain. Papabayaran ko nalang siguro sa kanya mamaya.
Bumili rin ako ng beer para pampatulog.
Nang matapos ay agad na pumila sa cashier. Kaunti lang ang tao rito ngayon, siguro dala na rin ng may pasok. Hindi nga mahaba ang pila pero naiinis ako, naiinis ako sa kaharap kong cashier lady na ito. Hindi mo malaman kung baliw ba siya o hindi dahil kanina pa siyang nangiti.
"10,567 pesos po lehet ser!" sabi nito at nagpa-cute pa sa harap ko. Tsk, mukha siyang tanga sa ginawa niya. "Here, keep the change." mabilis na tugon ko rito sunod na iniabot ang pera. Gusto ko nang umalis at baka kapag nagtagal ako rito eh masakal ko pa yung babae.
Dumaan muna ako sa J.CO para bumili ng pagkain namin ni Ashraine. Maghahapon na rin kase at baka umuwi na iyon.
"Hi ser! Ene peng erder neye?" malanding tanong ng babae sa akin. Uso na ba ang ganitong pagsasalita? Sapakin ko kaya to para umayos ang pagsasalita.
"Lahat ng masarap." wala akong alam sa mga donut kaya lahat nalang bibilhin ko.
"Including me ser?" napa kunot ang ulo ko sa sinabi niya. Tsk.
"I am not sure kung pati ikaw ay masarap rin. Akina ang order ko." walang emosyon kong sabi sa kanya. Mukhang natauhan naman siya kaya binigay niya na ang order ko.
'Tsk. kadiri'
Todo siyang humingi sa akin ng tawad pero tanging masamang tingin lang ang iginanti ko sa kanya. Masyado akong nabuwiset sa dalawang babae na 'yon. Lumalaganap na ang virus ng pagiging malandi. Mukhang kailangan ko nang mag evacuate.
HAHAHAHAHA
Pagkauwi ko ay walang Ashraine na sumalubong sa akin. Medyo nadismaya lang ako nang kaunti.
Nagluto nalang ako ng pang hapunan namin.
Alas diyes na pero hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi. Kumain na ko't lahat lahat ay walang Ashraine ang dumating at nag iingay.
'Tsk. San kaya nagpunta ang babaeng iyon?'
Kumuha ako ng beer at nilagok yun habang hinihintay siya sa may bintana. Nakakalimang bote na ako nang may biglang tumigil na sasakyan sa harap ng dorm namin at bumaba ang babaeng kanina ko pang hinihintay.
Kasunod niya ang isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. Tsk di hamak na mas gwapo ako sa isang yan. Konting ligo pa pre hindi mo ako mapapantayan.
Mukhang nag uusap pa sila kase nabuka ang bibig nila. Hindi pa ba sila nag usap kanina?
"Tsk. Ang tagal mong umakyat." inis kong sabi.
Humigpit ang hawak ko sa bote ng beer nang makita kong unting unti lumalapit yung lalaki sa kanya at hinalikan siya sa noo.
'Tsk.'
Hindi niya man lang itinulak at hindi mo siya nakitaang nainis sa ginawa nung lalaking iyon. Mukhang sanay na siya na ginagawa ng lalaki ito sa kanya.
Ang sarap pumatay ngayon.
Nakita kong umalis na yung lalaki at dahan dahan siyang pumasok. Naging maingat ang pagpasok nito at tila ayaw niyang may makaalam sa nangyari ngayon.
Hindi ko alam na pati si Ashraine ay infected na ng virus na iyon.
Masamang tiningnan ko siya.
Ashraine's POV
Hindi ko alam kung bakit ganyan siyang makatingin. Para bang may malaking kasalanan akong ginawa sa kanya. Nagkatopak na naman siguro ang isang to.
Walang ano ano'y lumapit siya sa akin at walang sabi na hinalikan ako sa labi. Omayghad!!!
Amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Bigla niyang kinagat ang labi ko kaya mahina akong napa ungol. Pinasok niya ang dila niya sa bibig ko, hinahanap ang aking dila. Lasang alak. Para akong umiinom ng alak sa ginagawa niya. He kisses me like he owned me. It was my first kiss at sa isang masungit na lalaki napunta iyon.
Nakakapagtaka kasi hindi ko man lang siyang nagawang itulak o manlaban sa kanya. Parang ang dating nagustuhan ko 'yon at nasarapan.
Nang matauhan siya ay bigla siyang kumawala at iniwan akong habol ang hininga.
'Anong nangyari don?'
Niligpit ko muna ang mga bote na nakakalat sa sahig. Naglalasing ba ang isang to? Baliw na siguro siya.
May nakita pa akong J.CO sa lamesa kaya kumain muna ako bago pumasok sa kwarto ko.
'Bukas ko nalang siya sisinghalan.'
Kyoto's POV
Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa kanya. Napangisi ulit ako nang maalala ang mukha niya habang hinahalikan ko siya. Tsk.
Mukhang nagustuhan niya, then good for her.
Kung ang lalaking iyon ay kaya siyang halikan sa noo pwes kaya ko rin siyang halikan sa labi. AT AKO LANG ANG PWEDENG GUMAWA NUN SA KANYA.
BINABASA MO ANG
Ang Topakin Kong Dorm Mate
JugendliteraturSi Ashraine Meda ay tahimik na naninirahan sa isang dorm malapit sa school nila. Kahit kailan ay never pa siyang nagkaroon ng kahati sa dorm. Pero paano nalang kung may biglang nakihati sa kanya at isang lalaki pa ito, ano kaya ang gagawin niya? Ida...