Kabanata 3

34 22 9
                                    

Ashraine's POV

May pasok ako ngayon kaya maaga akong gumising. Hindi naman na masakit ang paa ko. Hindi rin pwede na umabsent ako ngayon. Ang hirap kaya maghabol no.

Naligo na muna ako bago lumabas ng kwarto, para pagkatapos ko kumain ay hindi ko na kailangan pang pumasok sa kwarto.

Nagulat pa ako kase nasa kusina na si Kyoto. Hays ang saya ng ganito! May tagaluto na ako.

"Good Morning!" masaya kong bati sa kanya. Naalala ko ang ginawa niya sa akin kagabi. Buti nalang nandito siya kase kung nasugutan ako tapos may mga dugo jusko baka hanggang ngayon eh hindi pa rin ako nagigising.

Tiningnan niya ako na para bang isa lang akong pader para sa kanya. Tinignan ko naman ang sarili ko.

'Me umbok naman konti'

Umiling nalang ako at umupo sa upuan. 'Hmmm ang bangoooo! Ang tsalap tsalap!'

"Di para sa iyo yan." napatingin ako ng sabihin niya iyon. Nginitian ko lang siya at kinain ko na ang niluto niyang hotdog at itlog. Hmmm tsalap tsalap talaga!!!!

Nakita ko pang sumingkit yung mata niya. AHAHHAHHA bahala ka dyan! Ang mahalaga ay nakakain ako.

Syempre dahil mabait ako ay hindi ko hinugasan iyong pinagkainan ko. HAHAHAHAHA

Atsaka mahirap na, baka malaglagan na naman ako ng plato sa paa edi na murder pa ulit to.

"Mukha na ngang aso, napakatamad pa." rinig kong singhal sa kanya.

"Eh cuteeee kaya ang aso! Arf arf." tumatahol tahol pa ako para asarin lang siya. HAHAHAHAHA ang sarap mong asarin!

Kinuha ko na ang bag ko at ang spare key ng dorm. Hindi na ako nagpaalam sa kanya kase ano ko ba siya?

'Mamaya nalang siguro ako magtathank you sa kanya. Sa ngayon eh aasarin ko muna siya bwahahahaha.'

KANINA pa nagdidiscuss ang math teacher namin pero kahit isa ay wala akong maintindihan. Nakakabuang na.

Pumunta na ako sa canteen pagkatapos ng klase. Wala akong kaibigan kaya mag isa lang ako pumunta dito. Hindi naman sa masama akong tao pero mas okay na yung walang friends kesa sa may friends ka nga plastic naman.

Binili ko lang yung pinakamurang pagkain. Hindi pa ako nagkakasahod kaya kailangan kong magtipid.

Paupo na sana ako nang biglang may bumangga sa akin at natapon ang pagkain ko.

'Letse flan! Yun na nga lang kakainin ko tinapon pa!'

"BAAAADTRIP! ANG LAKI LAK---- K-Kyoto?!"

Oo, nandito siya! Nakakainis okay na eh binadtrip niya na naman ako.

"Ano bang ginagawa mo dito ha!?"

"Ano bang ginagawa sa school?"

-_________-

"Pilosopo ka rin noh!? Tsk. Palitan mo 'tong tinapon mo." buset! Sinira niya yung pagbubudget ko.

"Ano ka chicks? Aso ka. Aso!"

Tiningnan ko siya ng masama at padabog na umalis don. Baka kung hindi ako umalis don ay binugbog ko na siya. Oo bubugbogin ko talaga siya!!!

Naiinis akong bumalik sa room.

'Badtrip! Gutom pa man din ako.'

"Alam niyo ba na may gwapong transferee daw tayo?" rinig kong chismis ni Anne sa kaibigan niya.

'Transferee? Eh mag tthird quarter na kami.'

"Weh? I can't wait na beshyyy." kilig na sabi ng kaibigan ni Anne.

Maya maya pa'y bigla nalang silang nagtitili. Napatingin ako sa harap.....

O________O

Hanggang dito pa ba naman!?


Ang Topakin Kong Dorm MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon