Ashraine's POV
"I am still broken in two parts
There is my mind, there is my heart
No way for me to run and hide,"Nagising ako dahil sa malakas na patugtog ni Kyoto. Heto na naman siya sa ugali niyang napaka-insensitive.
"umaku korogasarete
soitsu no tenohira de
kachikan ya rinen nado nai,"Inis akong napabangon sa kama at lumabas ng kwarto. Nakakainis kasi wala na naman akong pahinga. Buti nga at day-off ko ngayon, pero hindi naman naging masaya at tahimik dahil sa kasama kong topakin na dorm mate.
"You know the way back
You just crash right into me
But it's not so easy now
Oh way back when,"Naabutan kong nag-mo-mop ng sahig si Kyoto na nakatopless na naman. Leche ka! Ginagawa mo na naman akong marupok. Mahina talaga ako sa abs. Abs layuan mo ako!
"futatsu no kao o mochi tsukai wakeru uchi ni
mittsu me ga kao o dasu
yatsurete kita hoho ga minikusa o monogataru
Don't even think that you know me."Leche ulit dahil sa wala na akong maintindihan sa pinapatugtog niya, japanese song na naman kasi.
Nilapitan ko kung nasaan nakalagay ang cellphone na ginamit niyang pampatugtog. Natigilan siya sa ginagawa niya at hinarap ako.
"Napaka insensitive mo! Kita na may nagpapahinga eh." singhal ko sa kanya na hindi man lang siya napapitlag. Parang inasahan niya nang sisinghalan ko siya. Lumapit siya sa akin at nginisihan ako ng sobrang lapad.
"No, I'm not. Change. Kakain tayo sa labas."
"Ha!? B-Bakit naman t-tayo k-kakain sa l-labas?" nauutal kong tanong. Sino ba ang hindi mauutal kapag may ganitong kagwapo ang nakatingin sa mata mo? hahahaha ansabe!?
"It's my birthday. Go, change. I'll give you 20 minutes to prepare." sabi nito sabay tulak sa akin ng mahina papunta sa kwarto ko.
Napaka bossy talaga! Aish.
Ano ang susuotin ko? Hindi ko pa nararanasang makipagdate. Teka! Wala namang sinabi si Kyoto na date 'to eh. Aish, treat to Ashraine treat! so will you stop thinking any stupid things.
Sinuot ko nalang ang white t-shirt, black jeans at sneakers. Hindi rin kasi ako nag-d-dress, syempre except sa trabaho ko na may maikling palda. Alangan namabg umarte pa ako, edi nawalan pa ako ng trabaho di'ba?
Lumabas na ako at mula sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko ang pabango ni Kyoto na sadya namang nakakabaliw. Shet ano ba itong sinasabi ko?
"Para kang tanga. May pa-iling-iling ka pang nalalaman diyan."
Okay na eh. Pinuri ko na siya sa utak ko pero heto siya, kung ano anong kasamaan ang pinagsasabi.
"Tara na nga." At nauna na akong lumabas sa dorm. Walang kotse si Kyoto kaya nilakad na lang namin papuntang sakayan ng jeep.
Mabilis lang kaming nakasakay dahil sa hindi gaano karami ang estudyante. Buti nalang may pasok ngayon. At syempre dahil sa mabait ako ay hindi na ako nagbayad ng pamasahe ko. Bahala na si Kyoto ang magbayad tutal siya naman ang nag-ayang lumabas.
"SAAN mo gustong kumain?"
Kanina pa kaming naghahanap ng resto na pwedeng kainan. Ngayon ko lang nalaman na medyo mapili pala sa kakainan si Kyoto.
"Bahala ka. Treat mo naman ito eh kaya kung saan ang gusto mo edi doon rin ako." Bumuntong hininga siya sabay kinaladkad ako papuntang Kuya J. Dinala ako ni Kyoto sa pwesto na hindi gaano karami ang tao.
BINABASA MO ANG
Ang Topakin Kong Dorm Mate
Teen FictionSi Ashraine Meda ay tahimik na naninirahan sa isang dorm malapit sa school nila. Kahit kailan ay never pa siyang nagkaroon ng kahati sa dorm. Pero paano nalang kung may biglang nakihati sa kanya at isang lalaki pa ito, ano kaya ang gagawin niya? Ida...