Ashraine's POV
Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko kung paano pumasok si Kyoto. Oo si Kyoto yung tinitilian nila. Hays nakakasawa na rin pala yung pagmumukha niya -_-
"Hi! I'm Kyoto Oshford."
Ang ganda ng pangalan at mukhang pang mayaman. Sayang hindi maganda ang ugali niya at minsan hindi mo rin siya maintindihan, minsan kase eh mabait siya tapos minsan naman ay hindi. Abnormal lang no?
"Okay, Mr. Oshford. Please be sitted now."
"Where?"
"Oh yeah hahaha. Sa tabi nalang ni Ms. Meda." sabi ni maam sabay turo sa bakanteng upuan na katabi ko.
'Putek bakit katabi ko pa yan!?'
Dahan dahang siyang lumapit sa akin. At besh!! Ang bango bango ng amoy niya. Nakakarupok HAHAHAHAHA
Mabango naman siya kapag nasa dorm lang pero ngayon ay mas dinoble pa ito.
>__________<
"Baka tumulo na laway mo. Babaho dito."
Literal na nagulat at lalong napanganga ako dahil sa sinabi niya. Hindi lang pala siya masungit, may pagka ubod rin pala ito ng kahambugan.
"As if naman!" singhal ko sa kanya.
DISCUSS. DISCUSS. DISCUSS. RECESS.
Nauna ng lumabas si Kyoto. Inayos ko lang muna yung mga gamit ko at lumabas na rin.
'Grabe ang daming tao. Nakakatamad makipagsiksikan'
Umorder na ako ng pagkain, buti nga may natira pa akong pera kahit kaunti kaya makakabili pa ako kahit papaano.
Kitang kita ko sa kinatatayuan ko na wala ng mauupuan. Hays saan ako pupuwesto nito.
Ayon!..... kaso nakaupo na roon si Kyoto.
Nakita ko na may palapit na babae kay Kyoto kaya binilisan ko at naunahan ko ang babae pero....... BIGLA NALANG NAPATAPON KAY KYOTO ANG PAGKAIN KO.
Basang basa siya dahil sa juice na natapon sa kanya. Shems yung abs besh bakat na bakat na.
Tiningnan niya ako nang masama at walang ano ano'y biglang siyang naghubad.
"Bakit ka naghuhubad ha!?"
"Di mo ba nakita na nabasa mo ako?!"
"Eh p-pupwede n-naman sa cr eh!?" nauutal kong sabi sakanya. Hindi ako makapag focus teh! Hinihigop ako ng abs niya.
Marami na ring babaeng natingin sa abs niya. 'Sus palusot pa niya! Alam ko namang intensyon niya yun para lang makilandi sa iba!!'
"Edi sa Cr!" singhal niya pa sakin at bigla akong kinaladkad.
"Hoy hoy! San mo ko dadalhin!!?"
"Sa CR." may sumilay na ngisi sa mukha niya.
Nako mukhang hindi maganda ito.
BINABASA MO ANG
Ang Topakin Kong Dorm Mate
Teen FictionSi Ashraine Meda ay tahimik na naninirahan sa isang dorm malapit sa school nila. Kahit kailan ay never pa siyang nagkaroon ng kahati sa dorm. Pero paano nalang kung may biglang nakihati sa kanya at isang lalaki pa ito, ano kaya ang gagawin niya? Ida...