Ashraine's POV
Hindi ako nakatulog kagabi kaya naman late na akong nakapasok kanina. Second subject ang naabutan ko.
'Hays para akong isang thuglife na tao.'
Letsugas kasi yang si Kyoto. Dahil sa walang kwentang halik na iyon ay hindi ako pinatulog kagabi at para bang magdamag kong hinawakan ang labi ko at nag isip.
Hindi ko siya naabutan o nakita man lang kanina. Mas okay na 'yon, hindi pa ako handang humarap o magpakita sa kanya. Nakakainis kase kagabi, sa dating ng reaksiyon ko ay parang gustong gusto ko pa yun. Lihim kong sinabunutan ang sarili dahil sa katangahan na pinaggagawa ko.
Sabi ng mga kaklase ko ay inilipat raw si Kyoto sa ibang classroom. Kung bakit? Hindi ko alam. Mas mabuti iyon para naman hindi ko araw araw nakikita ang pagmumukha niya.
Nasa canteen ako. As usual napakaraming tao. Pumuwesto ako sa pinakatagong lugar ng canteen. Mas malamig mas maganda. Mas walang tao, mas tahimik.
Biglang may umupo sa harapan ko kaya naman ay gulat ako napatingin sa kanya. Sino naman ang isang to?
"Hello. Pwede makiupo?" tanong ng lalaki.
Ang lakas naman ng apog nito magtanong. Eh nakaupo na kaya siya!!
"Nakaupo ka na eh." walang ganang kong tugon sa kanya.
Tumayo siya at biglang nagsalita na naman ulit.
"Hello. Pwedeng makiupo?" ulit niyang tanong sa akin. Baliw ba siya???
"Hmm." at naramdaman ko na umupo siya ulit. Hays para siyang ewan sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung may saltik ba 'to o sadyang papansin lang.
Kakainin ko na sana yung burger ko nang magsalita na naman siya ulit.
"Ano pangalan mo?"
Mukhang may naligaw na elementary sa building nato.
"Ashraine."
"Ahh. Ang ganda ng name mo. Bagay sayo." pangiti ngiti niya pang sabi sa akin.
"Mas maganda kung aalis ka na diyan at di na siya guguluhin pa." nagulat ako sa nagsalita.
"K-Kyoto!?"
"Yes babe? Kanina pa kita hinahanap. Sino ang isang to?" putek anong kalokohan ang sinasabi niya diyan???
"Ah bro I'm Aj." nakangiting sabi ni Aj kuno. Baliw na ba siya at nakuha niya pang ngumiti? Hindi niya ba nakikita na madilim na siyang tinitingnan ni Kyoto??
"Will you please leave us alone?" pigil na inis na sabi pa ni Kyoto.
Hindi ko sila pinigilan kase mas gusto ko ang ganito. HAHAHAHHA nasisiyahan ako kapag may nag aaway na lalaki eh. Bakit ba? Eto trip ko eh.
"Yes papi!" nagulat ako kasi biglang tumili si Aj at kita na rito ang pagkalambot.
Nakanang! Baklush pala ang isang yon.
"Tsk." -Kyoto.
"Hays." -Me.
Umupo siya sa inupuan kanina ni Aj. Tiningnan niya ako na para bang may ginawa akong mali. Ano na naman ba ang trip niya?
"Akala ko gumagawa ka na naman ng ikinaseselos ko." ha? ano bang sinasabi ng isang to??
"Ano yung sinasabi sabi mo dyang 'babe'? Baliw ka na rin!" nakakabigla lang naman kasi ang mga nangyayari. Yung una ang paghalik niya sa akin kagabi tapos eto na para bang nagseselos siya kay Aj na lumalapit sa akin.
"Wala. Para lang umalis ang isang yon. Hindi ko naman alam na isa palang paminta. Buti nga di ko siya nasuntok."
-_________-
Ito ang nagpapatunay na masama nga ang dulot sa katawan ang beer.
BINABASA MO ANG
Ang Topakin Kong Dorm Mate
Teen FictionSi Ashraine Meda ay tahimik na naninirahan sa isang dorm malapit sa school nila. Kahit kailan ay never pa siyang nagkaroon ng kahati sa dorm. Pero paano nalang kung may biglang nakihati sa kanya at isang lalaki pa ito, ano kaya ang gagawin niya? Ida...