Kabanata 6

22 17 1
                                    

Ashraine's POV

Tuesday ngayon at kahit mahirap ay gumising ako ng maaga. MWF pasok namin kaya wala kaming pasok ngayon (malamang hahaha). May trabaho ako ngayon sa isang coffee shop.

Wala na akong magulang kaya ako nalang ang bumubuhay sa akin. Isa akong scholar sa school kaya miscellenous fee nalang ang binabayaran ko.

Mga relatives ko ay mga gahaman sa pera. May kompanya kami tapos nung simula nang mawala ang parents ko ay konting konti nilang inuubos ang pera namin. Wala akong nagawa kasi bata pa ako nun.

Hays enough for that! Ayokong maging malungkot ang araw ko ngayon. Sinimulan ko nang maligo at pagkatapos ay nagbihis na rin ako ng uniporme namin sa coffee shop.

Lumabas ako at naabutan ko si Kyoto na nagpupush up habang naka topless. Shems parang ayaw ko ng umalis ah!!

"Laway mo tutulo na."

Nakita ko pa kung paanong bumaba sa abs niya ang butil ng pawis niya. Kasalanan to ng landlady! Kung hindi nagpapasok dito ng lalaki ay hindi ako magiging ganito!! Ugh!

Inirapan ko siya at muli ko na namang naalala ang eksena kahapon. Dahil sa ginawa niya ay hindi agad ako nakatulog kagabi. Masyado niyang ginulo yung utak ko.

Itinigil niya ang pagpupush-up at humarap sa akin, "Saan ka pupunta?". Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko nang magsalita siya sa harap ko. Ilang dipa nalang eh magdidikit na ang aming labi kaya naitulak ko siya ng malakas.

Agad akong tumakbo papalabas ng dorm. Leste flan siya! Ang aga aga eh sinisira niya ang araw ko.

WORK

"Miss, isang capuccino."

Sinerve ko na yung inorder ng babae. Hindi ako nahihirapan sa trabaho ko bagkus ay nasisiyahan ako. Everytime kasi na naaamoy ko ang kape ay natutuwa ako.

Ang daming customer ngayon at hindi ko maikakaila na unting unti na akong napapagod.

Patok sa mga estudyante na tulad ko ang coffee jelly kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganito kadami ang customer, idagdag mo pa na may promo kami.

Umupo muna ako sa staff room namin. Pumasok si Sven at mukhang magbibihis. Nakita ko ang abs niya. Bakit parang mas masarap yung kay Kyoto?? Waah ano!?? Erase erase!!!

"Ayy nandyan ka pala Raine. Hehe sorry di ko napansin." cute ang isang to. Masasabi ko na naging crush ko dati kaso alam niyo na nagsawa na ako. HAHAHAHHAAH

"Okay lang. Shift mo na?" nakitang kong tumango siya at unting unti lumapit sakin at umupo.

Minasahe niya ang likod ko. Laging ganyan ang ginagawa niya kapag nakikita niya akong napapagod na ako. Walang malisya yan. Parang kuya ko na rin siya. Isa kasi siya sa mga tumulong sa akin para makapasok dito.

'Hmm ang sarap sa pakiramdam.'

Bigla siyang tumayo at nagmamadaling nagpaalam sa akin. Heh anong nangyari don?

NATAPOS na ang trabaho ko kaya umuwi na rin ako.

"RAINEEEE! WAAIT!" hingal na hingal na sabi ni Sven sa akin.

"Oh bakit?"

"Hatid na kita. Medyo gabi na rin eh."

Hindi na ako tumanggi sa kanya kase panigurado ililibre niya na naman ako. Tuwing ihinahatid kasi ako ni Sven ay dumadaan muna kami sa 7/11 para bumili ng pagkain. Sabi niya kase ay mas enjoy ang paglalakad kapag kumakain. Mahilig akong kumain kaya gumora na ako.

Tamang walktrip with foodtrip ang peg namin ngayon.

"Balita ko eh may kasama ka na sa dorm?" biglang tanong sa akin ni Sven.

"Oo. Nakakainis nga eh masyado kasing topakin."

"Huh? Bakit?"

Nginuya ko muna ang nasa bibig ko bago magsalita. "Lalaki kase. Ang hirap niyang intindihin. Minsan kase ay mabait at kadalasan ay masama siya. HAHAHAHA."

Ginulo niya ang buhok ko na tila bang isa akong aso at siya naman ang amo ko.

"Letse meyonase ka! Ginawa mo na naman akong aso. Hmp!" kunwaring naiinis na sambit ko sa kanya.

"Joke lang eh. Cute cute mo kaya!" ani ni Sven habang pinipisil ang matataba kong pisngi. "Ashray mashaket!" tinigilan niya na at tinuloy na namin ang paglalakad.

Nang makita ko na malapit na kami sa dorm ko ay humarap na ako sa kanya habang kinakain ang huling piraso ng pizza na binili namin. Tsalap tsalap tsalap!

"Salamat dito." sabi ko sa kanya. Pinat niya ang ulo ko na para bang isa akong aso. Hays ayan na naman siya, ginagawa na naman akong aso. Naalala ko na naman si Kyoto na tinawag akong aso. Ugh!! Masama nato.

"Wala yun basta ikaw. Pumasok ka na." sabi niya sa akin at unting unti lumalapit sa akin. Hinalikan niya ang noo ko.

Sanay na ako sa ginagawa niya. Para daw kasing little sister niya ako.

"Hmm salamat ulit. Ingat ka." tumango siya at pumasok na ako. Nakita ko pang siyang nagsalute sa akin bago umalis.

Sinarado ko na ang pinto at.........

Bakit ang sama sama ng tingin ng isang to???

Ang Topakin Kong Dorm MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon