Ashraine's POV
Nagising ako sa ingay ng katabi kong kwarto. Nakakainis! Bumabawi nga ako ng lakas dahil ilang araw akong walang tulog dahil sa dami ng mga projects na ginawa ko tapos itong balahura kong ka dorm mate ay mag iingay lang ng ganon ganon lang??!
Padabog akong lumabas ng kwarto ko.
'Grabe kulang nalang lumabas ang eardrum ko sa lakas ng tugtog. Di ko rin maintindihan kase japanese song.'
Kinatok ko ng bonggang bongga ang pintuan niya.
O________O
Naka topless lang siya!!!
1,2,3,4,5,6 ANIM NA ABS!!!
SHEMAY LEMAY KAILANGAN KO NG TUBIG NGAYON!!!!!!!
"Uy yung laway mo. Baka bumaha dito."
"A-Anong s-sabi m-mo?" nauutal kong tanong. Grabe nakakapanghina yung mga nakikita ko ngayon.
"Laway mo at baka bumaha dito."
"ANG KAPAL RIN NAMAN PALA NG MUKHA MO? A-AS IF NAMAN NA TUMINGIN AKO SA A-ABS MO. TSK NAKAKADIRI KA KAYA!!"
"Okay sabi mo yan."
Isasara niya na sana yung pintuan niya kaya agad ko namang pinigilan ito.
"PWEDE BANG PAKIHINAAN ANG SOUND MO? KONTING RESPETO NAMAN HO SA NATUTULOG!" pasigaw na sabi ko baka kase di niya marinig.
Tiningnan niya lang ako. Para niya akong kinakain sa tingin niya. OMO marupok eke!
Walang ano ano'y sinarhan niya ako ng pinto. Yung lalake na yon napaka bastos! Sayang pa naman at yummy pa man din!!
Naiinis akong bumalik sa kwarto. Hays dalawang araw palang siya dito eh hindi na ako natutuwa. Napakabossy at napakasungit. Akala ko pa naman ay magkakaroon na ako ng kaibigan. Tsk.
Nag isip isip nalang ako nung mga pwedeng gawin. Wala akong laptop kaya hindi rin ako makakapanood ng kdrama. Ang hirap kapag wala kang pera.
After 123,456,789 years ay lumabas na ako ng kwarto. Buti pinatay na ni Kyoto ang napakalakas niyang patugtog. Akala niya siguro ay wala siyang kasama dito sa dorm. Ano akala niya sa akin bulate?!
Speaking of Kyoto, nanonood siya ng Spongebob. Teka--- Spongbob!? Nyahahahahaha ano siya bata?!
"Hindi ko alam na mahilig ka sa mga ganyang palabas. HAHAHAHA." natatawang sabi ko na nakahawak pa sa tiyan. Hindi ko inakalang ang masungit na Kyoto ay mahilig sa mga ganyan.
-_________-
"Nung nanood ka ng barbie dyan ay hindi kita pinakealaman kaya sana huwag mo rin akong pakialaman. Mind your own business."
O_________O
Ano kamo? Barbie!????
"HOY! KUTONG LUPA! KELAN AKO NANOOD NG BARBIE DYAN ABER?"
Hindi ako mahilig sa mga girly stuffs kaya impossible na manood ako ng barbie. Takot kaya ako sa manika for heaven's sake.
Tumayo siya at binelatan ako. Pumunta siya sa kusina at mukhang magluluto ng pancake. Kahit naiinis ako sa ginawa niya ay nilapitan ko siya. Pagkain kaya yon mga mamser!
'Hmmm ang bangooo!'
Umupo ako sa upuan at marahan niya akong tiningnan. Nginitian ko siya ng sobrang sweet. Sana gumana hahaha.
"Aso ka na naman?" hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus ay kinuha ko nalang ang niluto niyang pancake. Ang saraaaaap!
"Wala akong sinabi na kunin at kainin mo 'yan." hindi ko ulit siya pinansin. Kumuha pa ako ng isang pancake at ngumiti ng sobrang lapad na umabot pa sa utak ko. "Salamat." tumayo na ako at uminom ng tubig.
"Hindi man lang hinugusan. Ibang klase talaga." rinig ko pang bulong niya. HAHAHAHA ang sarap niyang pagtripan.
Nasiyahan ako sa panunuod kaya hindi ko namalayan na maghahapunan na pala. Dahil mabait ako ay napagpasyahan ko na ako nalang ang magluluto.
May sapat pa naman na sangkap sa ref kaya magluluto nalang ako ng adobong tokwa. Natutunan ko lang ito sa panonood ng Youtube.
Malapit na akong matapos nang maramdaman ko na lumabas na si Kyoto sa kwarto niya. Naglagay na ako ng mga pinggan.
"Kain na tayo." nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi niya ako pinansin bagkus ay umupo nalang siya at kumain. "Hindi ba maalat? Nasanay kasi ako na para sa akin lang yung niluluto ko." Ngayon lang kase diba ako nagkaroon ng ka dorm mate.
"Okay lang." Napangiti naman ako sa tugon niya. Hays salamat at nagustuhan niya yon. Tinuloy ko nalang ang pagkain ko.
"Ako nalang ang maghuhugas."
"Hindi ako na. Ikaw na yung naghugas kanina eh."
"Ikaw yung nagluto kaya ako na."
"Hindi ako na. Ayyy---"
Sa pag aagawan namin ng plato ay nalaglag iyon sa mismong paa ko. Nakita ko pa kung paano tumulo yung dugo sa sahig.
'Letse ayoko ng dugoooo!!'
"Ilayo mo ko dito please." nahihinang pakiusap ako sa kanya. Hindi naman masakit pero nanghihina talaga ako kase may nakita akong dugo.
Binuhat niya ako at dinala sa sala. Pumasok siya sa kwarto at lumabas ng may dalang med kit.
"Medyo masakit ito."
Nilagyan niya ng alcohol ang paa ko. Shems ang hapdi pero keribels ko naman. Sunod naman ay nilagyan niya na ng betadine ang paa ko.
"Lilinisan ko muna iyon." Pumunta siya ng kusina at nilinisan ang natirang bubog at dugo sa sahig. Siya na rin ang naghugas.
'Hays kung hindi pa kase ako nagpumilit eh hindi sana ito mangyayari. Ang engot ko talaga!'
Sa sobrang pag iisip at dala na rin ng ka boringan ay nakatulog ako sa sofa. Nagising nalang ako nang may maramdaman akong may naglalagay ng kumot sa katawan ko.
"Nagising ata kita." umiling lang ako sa kanya. Hindi na ako sumagot kase inaantok pa rin talaga ako.
Kyoto's POV
Mukha siyang anghel kapag tulog.
BINABASA MO ANG
Ang Topakin Kong Dorm Mate
Teen FictionSi Ashraine Meda ay tahimik na naninirahan sa isang dorm malapit sa school nila. Kahit kailan ay never pa siyang nagkaroon ng kahati sa dorm. Pero paano nalang kung may biglang nakihati sa kanya at isang lalaki pa ito, ano kaya ang gagawin niya? Ida...