Ashraine's POV
"Umalis lang ako saglit, may nahanap na agad na iba." hindi ako nakagalaw nang marinig ang malamig na boses nito.
"Ashraine." ulit pa nito kaya naman humarap na ako sa kanya. Kita ang pagkanoot ng noo nito at ang pag-igting ng kanyang bagang.
Geez. Ano na naman bang ginawa kong mali? Bakit ba napaka-topakin mo, Kyoto?!
"Ah. Ashraine, mauuna na ako. Kanina pa siguro ako hinihintay ni Mama." pagbasag sa katahimikan na sabi ni Clemente. Humarap ako sa kanya saka ngumiti, "Ikamusta mo nalang ako kay tita ah. Ingat kayo." saad ko at ngumiti lang siya. Tumingin pa siya sa gawi ni Kyoto saka umalis.
"Sino iyon?" bahagya pa akong napapitlag nang marinig ang boses niya. Lumunok pa ako ng kaunti bago salubungin ang masasamang tingin niya sa akin. "A-Ah. Childhood friend ko." Hindi siya umimik bagkus walang sabi niya akong iniwan doon.
Hanla. Anong problema nun? Napaka-abnormal niya talaga kahit kailan!
Napa-iling nalang ako sa inasta niya at tinungo ang cashier para bayaran ang napili kong damit na ireregalo sa kanya.
Jusko dinaig niya pa ang menopausal sa lakas ng katopakan niya.
Bago ako nakalabas ng mall ay may nadaanan pa akong stall na maraming spongebob stuffs. Naalala ko bigla si Kyoto na tuwang tuwa siya sa panonood ng spongebob kaya naman naisipan kong bumili ng stuffed toy sa kanya.
Nako, sana mawala ang katopakan niha sa ibibigay ko. Wish me luck.
Naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng mall habang umiinom ng zagu. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
"Hindi mo rin ba ako binilhan ng ganyan?" sabi ko na nagkunwaring nagtatampo sa kanya. Geez. Mukha akong tanga.
"Bili ka." malamig niya tugon.
Bumuntong hininga ako at saka nagsalita ulit, "Ano bang problema mo? Hindi na kamo kita maintindihan." Totoo naman ah, yung mga kinikilos niya this past few days ay kakaiba.
"You," sabi nito saka tumingin mismo sa mata ko, "Bakit ba lagi nalang ganon ang makikita ko? Nakita kong niyakap mo siya, Ashraine." At muli na namang umigting ang bagang niya.
"Seriously Kyoto?! Childhood friend ko iyon at ngayon lang ulit ko siya nakita. Sa tingin mo, anong mararamdaman ko? Syempre yayakapin ko siya nang mahigpit. There's nothing wrong doing that, Kyoto."
"Wala sayong problema, pero sa akin ay meron. Nagseselos ako Ashraine. Bakit ba napaka manhid mo?"
Nagseselos? Manhid?
"I like you Ashraine."
Geez. Parang hindi ko kinaya yon. Parang gusto kong bumagsak. Boogsh.
Charot lang. HAHAHAHAHA
"Kyoto...." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba dapat gawin sa sinabi niya. Th first time lang kasi may nag confess sa akin.
"Ano iyang hawak mo?" pagpalit niya sa topic nang mapansin niyang hindi na ako muli kumibo nung sinabi niyang gusto niya ako.
"Regalo ko sa'yo. Happy birthday Kyoto!" ani ko sabay abot nito.
Medyo umaliwalas ang kanyang mukha at saka ngumiti. "Sa dorm ko nalang bubuksan. Tara uwi na tayo."
Kyoto's POV
Pagkauwi namin ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Naalala ko ulit ang sinabi ko sa kanya, Really Kyoto, umamin ka na sa kanya? Mag coconfess ka na nga lang eh yung panget pa ang lugar.
Natawa ako nang maalala ko ang naging reaksiyon niya. Napaka manhid talaga, siguro hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon.
Binuksan ko ang binigay niyang regalo sa akin. Woah. Ito yung gustong gusto kong damit eh. Ang galing niyang pumili ng damit.
(♡ ˙︶˙ ♡)
Binuksan ko ang isa pa niyang regalo sa akin.
>____________<
"Pocha, ba't may spongebob pa?" natatawa kong bulong sa sarili ko. Nakakahiya mang sabihin pero, adik talaga ako sa spongebob at kasalanan ito ng kapatid ko na si Khai. Lagi kasi siyang nanonood ng spongebob sa kwarto ko, kaya ayun unti-unti ko na ring ikinahuhumalingan ang panonood ng spongebob.
Nilagay ko ito sa gilid ng kama para kapag gumising ako eh agad ko itong makikita.
Tsk. I'm starting to act like a gay.
---
Ashraine's POV
Bagot na bagot ako habang pinapakinggan ang mga gagawin sa darating ng Intrams. Hindi ko ito maeenjoy kasi hindi naman ako sporty na tao.
Kaunti nalang talaga ito at makakatulog na ako sa sobrang kabagotan. Dapat kasi ang mga maglalaro na lang ang itinawag ng meeting at hindi tulad ko na walang ka-interes-interes sa Intrams.
Kapag kasi Intrams, kadalasan hindi na ako pumapasok. Nag k-kdramathon (kdrama + marathon haha echos) ako. Wala namang attendance kaya walang kaso.
"Attendance is a must."
Bigla na lang ako nanlumo sa sinabi ng principal. Eh paano, isang nakakatamad na week ang mararanasan ko. Geez. Ano nalang ang gagawin ko sa buong linggo na 'yon? Ugh. Katamad.
A/N: Special thanks to Richelle_marty for continuing supporting my story. I really appreciated you dear. Sana suportahan mo pa rin ako hanggang sa dulo. ❤
BINABASA MO ANG
Ang Topakin Kong Dorm Mate
Teen FictionSi Ashraine Meda ay tahimik na naninirahan sa isang dorm malapit sa school nila. Kahit kailan ay never pa siyang nagkaroon ng kahati sa dorm. Pero paano nalang kung may biglang nakihati sa kanya at isang lalaki pa ito, ano kaya ang gagawin niya? Ida...