"Ilang beses ko bang sasabihin na huwag kang papasok sa kwarto ko!?" malakas na singhal sa akin ni Kyoto.
"Hinanap ko lang yung charger ko! Ang galing galing kasing humiram pero hindi marunong mag sauli." balik na singhal ko sa kanya.
Mas lalo siyang nagalit sa akin at ibinato sa akin ang charger ko. Buti magaling ako sumalo at hindi iyon nahulog.
"Walanjo! Napaka kapal talaga ng mukha nento." padabog akong umalis sa kwarto niya.
Nakakahighblood siya! Bakit kasi sa kwarto niya iyon inilagay? Pwede naman dito sa sala diba?? Tsk hindi marunong mag isip.
Walang araw na hindi kami nagsisigawan at nag aaway. Sobrang hirap niyang ispellingin. Daig niya pa ang mga babae na may red days sa lakas ng katopakan niya.
Bakit pa kase naging ka dorm mate kita??!
BINABASA MO ANG
Ang Topakin Kong Dorm Mate
Teen FictionSi Ashraine Meda ay tahimik na naninirahan sa isang dorm malapit sa school nila. Kahit kailan ay never pa siyang nagkaroon ng kahati sa dorm. Pero paano nalang kung may biglang nakihati sa kanya at isang lalaki pa ito, ano kaya ang gagawin niya? Ida...