HABOL ni Gin ang hininga habang nakatayo sa madilim na eskinita. Nakadagan ang isang paa niya sa dibdib ng isang lalaking nakahandusay sa aspaltong kalsada na walang malay at duguan, partikular na sa ulo. Itinaas niya ang kamao sa harap ng mukha. His knuckles were bruised and bloody, probably from punching the loser until he was knocked out.
Wow, he did a pretty good job this time. He couldn't help but smirk at his little victory.
"How does it feel to be free again?"
Nalingunan ni Gin si Julien na nakasandal sa pader. Gaya ng madalas, kalmado ang mukha nito. Kung meron mang taong mas weirdo kaysa sa kanya, iyon ay ang lalaking ito. Lalo tuloy lumuwang ang pagkakangisi niya. "Great. Sana hindi mo pagsisisihan ang pagpapalaya sa akin sa araw na ito."
Hindi kumibo si Julien, pero nanatiling kalmado ang hitsura. Lagi naman, eh.
Nalaman naman agad ni Gin kung bakit natahimik si Julien. May narinig siyang mabibigat na yabag. Mayamaya lang ay dumating naman si Zion. Kumulo agad ang dugo ni Gin nang makita ang lalaki. Siguro dahil pareho silang may mayabang at bayolenteng personalidad.
Walang emosyon na pinasadahan ni Zion ng tingin ang duguang lalaking nakahandusay bago siya tinitigan sa mukha. Umiling-iling ito. "Patay kang bata ka."
Ngumisi naman si Gin at namaywang. "Kanino? Sa mga pulis? Hindi ako natatakot sa kanila."
Tumawa si Zion, tawang naiinsulto.
Agad napatid ang pasensiya ni Gin at sinugod ito. Pero isang nagbabantang tingin lang ni Julien ay natigilan na siya. Damn! How he hated this strange guy's ability to scare the hell out of him with just one glare. Not that he was going to admit it.
"May kasama akong mas nakakatakot pa kaysa sa mga pulis," nakangisi pa ring sabi ni Zion. And then he stepped aside to give way to the person who was really scarier than the police. "Say 'hi' to your 'Utterson,' 'Hyde.'"
Nanigas si Gin sa kinatatayuan nang sumalubong sa kanya ang isang maganda, payat, at matangkad na babae. Pero ang pinakagusto niyang pisikal nitong katangian ay ang hairstyle. She has blonde bob-cut hair. Kahit maiksi ang buhok nito, bumagay sa maliit at a la manyika nitong mukha. Pero kahit gaano pa ito kaganda, naiinis pa rin siya dahil alam niya ang mangyayari sa kanya. Patutulugin na naman siya nito gayong kagigising lang niya!
"Hi, Summie," nakangising bati ni Gin sa babae sa pag-asang mabobola niya ito at matatakasan. After all, he shared the same face and body with 'Jekyll,' didn't he? "I'm Eugene." Itinaas niya ang mga kamay. "I swear."
Tumalim ang tingin ni Summie sa kanya, halatang hindi natutuwa sa kanya. Nagmartsa ang babae nang nakakuyom ang mga kamay at sa gulat ni Gin, huminto ito sa harap niya at sinampal siya ng pagkalakas-lakas sa kaliwang pisngi na dahilan kaya siya napaharap sa kanan nang wala sa oras.
"Go away, Gin. Ibalik mo si Eugene sa akin!"
Now she has done it.
May dalawang bagay na ikinagagalit ni Gin. Una, ang makakita ng mga duwag at mahihinang tao. Pangalawa, ang sinasaktan siya.
Naikuyom niya ang mga kamay habang nagtatagis ang mga bagang. Dahan-dahan siyang humarap uli kay Summie. Nakakainis, pero hindi kakikitaan ng takot ang babae. Lalo tuloy siyang nagalit. Tumaas ang kamay niya para sana saktan ito.
But then Gin felt him and he suddenly froze on the spot, his hand suspended in mid-air. That bastard Eugene has once again stopped him from hurting this girl. His girl.
Ngumisi si Summie, pagkatapos ay iniangat ang phone nito na ipinakita pa sa kanya.
Nanlaki ang mga ni Gin. Alam niya kung ano ang gagawin ng babaeng ito. "No! Stop, you bitch!"
Unfortunately, bago pa maagaw ni Gin ang phone ni Summie, nakatalon na paatras ang babae at napindot ang Play button. When that stupid song started to play, he felt dizzy all of a sudden.
Damn! He would probably end locked up in Eugene's subconscious mind again.
Meron pa pala siyang isang kinamumuhian sa lahat: walang iba kundi si Summer Gotesco.
BINABASA MO ANG
WANTED: Imaginary Summer
RomanceSummie is being stalked by a guy who appears to be obsessed with her. And the only person she can trust is Eugene--- her best friend. Pero may "dark secret" ang lalaki at mukhang may kinalaman ito sa nangyayari sa kanya. After all, Eugene has a diso...