Summer: 26

257 15 1
                                    

HINDI na niya alam kung si Eugene o Gin ba siya.

Ang alam lang niya, dalawang mukha ang nakikita niya sa rearview mirror ng kotse niya na kasalukuyang naka-park sa madilim na bahagi ng tahimik na kalsadang 'yon.

'Yong isa, sigurado siyang si Gin dahil matalim itong tumingin. 'Yong isa naman na may maamong mukha, siguradong si Eugene. Hindi niya alam kung kaninong katauhan ang nangingibabaw ng mga sandaling 'yon.

"'Yan ba ang dahilan kung bakit binuo mo si Gin? Dahil ba hindi mo matanggap na nagagawa mong manakit ng iba? Na natatakot kang maging katulad ng daddy mo?"

Napahawak siya sa ulo niya nang marinig sa isipan niya ang mga sinabi 'yong ni Summie kanina. Pakiramdam niya, may chord na hinila ang dalaga sa puso niya na dahilan para bumalik siya sa nakaraan niya. Kung bakit kinukuwestiyon niya ang sarili niya ngayon.

Naalala niya no'ng gabing binugbog siya ng kanyang ama. Akala talaga niya, mamamatay na siya. Sa sobrang galit na naramdaman niya para sa daddy niya, nagawa niya itong saktan sa pamamagitan ng paghampas ng bote sa ulo nito no'ng lasing ito at hindi makatayo ng maayos.

Ng mga sandaling 'yon, aaminin niyang napuno na siya. Pero natakot din naman siya para sa buhay niya kaya nagawa niyang lumaban.

Nang makita niya ang dugo sa maliliit pa niyang mga kamay no'n, natakot siya sa sarili niya. Pakiramdam kasi niya, magagaya siya sa malupit at bayolente niyang ama. Mas lalong nanikip ang dibdib niya nang makita ang pagkadismaya at takot sa mga mata ng kanyang ina kapag nananakit siya ng iba. Na para bang nakikita ng mommy niya sa kanya ang daddy niya.

He hated his father. Kaya hindi siya matanggap na nakikita siya ng kanyang ina gaya ng kung paano nito tingnan ang kanyang ama noon– puno ng takot at pangamba.

"That wasn't me," sabi ni Eugene sa kanyang ina no'ng bata siya. No'ng panahong nagsisimula pa lang mabuo ang alter-ego niya. "It was Gin. He is using my face and body to hurt other people. He's always mad and grumpy. I can't stop him from taking control of me. He becomes stronger when I'm being threatened, or when I sense violence. I don't remember what he does with my body when he's in control, Mom. I don't know what's happening to me."

Iyon ang mga salitang sinabi niya sa kanyang ina dahilan para dalhin siya nito sa ospital noon. May DID daw siya, sabi ni Dr. Hamilton noon. Hindi siya naniwala sa doktor dahil sigurado siya sa sarili niyang totoo si Gin. Naririnig at nakakausap niya sa isipan niya ang isa pa niyang katauhan.

"Do you really exist, Gin?" tanong niya sa mukha na may matalim na mga mata na nakikita niya sa rearview mirror ng mga sandaling 'yon.

Ngumisi ang lalaking may mabangis na anyo na nakatingin pabalik sa kanya. "Why do you think I exist, Eugene?" Dinuro siya nito. "Hindi ba't para saluhin lahat ng guilt mo? Dahil hindi mo matanggap sa sarili mo na nakakaramdam ka ng urge manakit ng ibang tao gaya ng pananakit sa'yo ng daddy mo. Hindi mo magawang harapin ang katotohanan na 'yon, kaya sa'kin mo pinapagawa ang mga bagay na hindi kayang tanggapin ng konsensiya mo. Pagkatapos, kinukulong mo sa katauhan ko ang mga alaala ng pagiging bayolente mo dahil gusto mong patuloy na isipin na inosente ka. Na disente ka. Kahit ang totoo, hindi ka sing tino ng iniisip mo sa sarili mo. Mahina ka, Eugene. Mahina ka!"

Nasapo ni Eugene ang ulo niya nang parang biniyak 'yon dahil sa mga sinabi ni Gin. Ah, mukhang alam na niya kung sino siya ng mga sandaling 'yon.

"Kung hindi mo kayang mabuhay dala-dala ang guilt na 'yan, matulog ka na lang," pagpapatuloy ni Gin sa mapait na boses. "Matulog ka habambuhay at huwag ka nang gumising uli. Let me take control of that body, Eugene. Mas malakas ako kaysa sa'yo. Mas kaya kong protektahan ang mga mahal mo sa buhay, lalong-lalo na si Summie. Pareho natin siyang mahal, pero ako, kaya kong panindigan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ako magdadalawang-isip manakit ng mga taong magtatangkang saktan siya."

Mariing umiling si Eugene, sapo-sapo pa rin ang ulo niya ng mga kamay niya. Nag-angat siya ng tingin sa rearview mirror para tingnan ng masama si Gin na matalim din ang tingin sa kanya. "Hindi 'yan ang tamang paraan para protektahan si Summie. Stop hurting people, Gin."

Gin laughed evilly. "You designed me to belike this, Eugene!"

Umungol lang si Eugene. Wala naman siyang maisagot kay Gin dahil totoo ang lahat ng 'yon. Siya ang bumuo sa malupit at bayolente niyang alter-ego para takasan ang realidad na hindi niya gusto. Ngayon, natanim na sa isipan niya ang kasinungalingan binuhay niya ng maraming taon.

Alter-ego?

Nabigla siya sa sarili niya. Ngayon niya lang yata inamin at tinanggap na siya lang ang bumuo kay Gin. Na hindi ito totoong nag-e-exist at sa halip ay nasa isipan niya lang ito. Hanggang sa narinig na niya ang boses ni Summie sa isip niya.

"Ikaw at si Eugene ay iisa lang."

Iisa lang kami ni Gin...?

Naputol lang ang literal na pakikipagtalo ni Eugene sa sarili nang mag-ingay ang phone niya. Wala na sana siyang balak sagutin 'yon, pero alam niyang kailangan niya ng distraction. Isa pa, si Madeline 'yon. Tumatawag lang sa kanya ang babae kapag may kinalaman kay Summie.

Masama agad ang kutob niya lalo na't himbis na 'hello,' ang natatarantang pagsigaw ni Madeline ang sumalubong sa pandinig niya.

"Eugene Dalton, help us!"

WANTED: Imaginary SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon