DUMERETSO si Summie sa library pagkatapos ng klase. Bukod sa pinagtataguan niya si Gin na nakita niyang papunta sa classroom niya kanina, may libro din siyang hinahanap.
Strange Case of Dr. Jekyll and Mr. Hyde
Napangiti si Summie nang makita ang librong iyon ng classic novel. Kinuha niya ang libro mula sa shelf at binuklat. Dahil puno na ang mga mesa at silya, sumandal na lang siya sa bookshelf habang ini-scan ang libro. May ideya na siya sa premise ng kuwento dahil minsan na niya iyong nadaanan sa Goodreads. Pero ngayon lang siya nagkainteres na basahin iyon nang buo.
Ang libro ay tungkol sa isang doktor na nagngangalang Dr. Henry Jekyll. Hindi matanggap ng doktor ang mga "evil urge" nito dahil ayon sa karakter nito, hindi nababagay ang mga ganoong gawain dahil sa posisyon nito sa lipunan. Gumawa ang doktor ng serum, dahilan para mag-transform ito sa mas batang version.
Pero malupit ang bagong katauhang nabuo nito. Si Edward Hyde ang alter ego ng doktor.
Dual personalities. Iyon ang pinaka-perfect description ng isang classic novel sa DID. This is fictitious, though. Hindi gawa ng potion ang pagkakaroon ni Eugene ng alter ego.
Pero sa tingin ni Summie, gaya ni Dr. Hyde sa nobela ay may nilalabanan din si Eugene, dahilan kaya gumawa ang isip nito ng panibong katauhan.
Pero ano naman kaya ang dahilan ni Eugene para bumuo ng isa pang persona?
"Summie, I know you're curious about Eugene Dalton. Pero sana, mag-ingat ka. Hindi siya ang tipo ng taong gusto kong maging kaibigan mo."
Napahigpit ang pagkakahawak ni Summie sa libro nang maalala ang sinabi ng mommy niya noong gabing pinag-usapan nila si Eugene at ang kondisyon ng binata. Magkatabi silang nakahiga ng mommy niya sa kama habang nakatingala sa kisame. Ganoon silang mag-ina kapag seryoso ang pinag-uusapan nila...
"Mommy, malala ba ang lagay ni Eugene?"
"Sa ilang session namin, masasabi kong hindi naman gano'n kalala ang Dissociative Identity Disorder niya. Puwede pa siyang tuluyang gumaling," maingat na sagot ng ina. "May mga pangyayari lang talaga na nagti-trigger sa "paggising" ng alter ego niya. Ayon kay Dr. Hamilton na psychiatrist niya noon sa America, madalas na kalmado si Eugene. Isang beses lang din niyang nakaharap si Gin. Ibig sabihin, kontrolado pa ni Eugene ang sarili. 'Yon nga lang, naniniwala talaga siyang may isa pang katauhan sa loob niya. He even hates his other personality. That's the problem."
"Why is it a problem, Mommy?"
Matagal bago sumagot ang ina. "Nagagalit si Eugene sa sarili niya. Hindi totoo ang nilikha niyang Gin kaya walang saysay ang galit na nararamdaman niya para sa binuo niyang alter ego. Lahat ng 'yon, nasa isip lang niya. Hangga't hindi niya tinatanggap na iisa lang sila ng persona niya, hindi ko rin siya matutulungan. That was also Dr. Hamilton's diagnosis."
"DID is a strange thing, huh?"
Nakita ni Summie sa gilid ng mga mata niya na marahang tumango ang ina.
"Ang totoo niyan, anak, kakaunting pag-aaral pa lang ang nagagawa tungkol sa DID. In fact, si Eugene Dalton ang una kong pasyente na na-diagnose ng may gano'ng personality disorder."
"Kaya ba ayaw mong maging malapit ako kay Eugene, Mommy?"
"Hindi lang 'yon dahil sa kondisyon niya, anak," maingat na sagot ng ina. "Gusto ko lang mag-ingat ka dahil nagiging bayolente siya."
"There, I found you."
Napapiksi si Summie nang marinig ang boses ni Eugene o ni Gin. Bago pa niya magawang lingunin ang lalaki ay ipinatong na nito ang baba sa balikat niya para silipin ang binabasa niyang libro. Nanigas siya sa kinatatayuan, napalunok.
BINABASA MO ANG
WANTED: Imaginary Summer
RomanceSummie is being stalked by a guy who appears to be obsessed with her. And the only person she can trust is Eugene--- her best friend. Pero may "dark secret" ang lalaki at mukhang may kinalaman ito sa nangyayari sa kanya. After all, Eugene has a diso...