Summer: 9

264 18 1
                                    

SUMMIE felt silly for crying like a child. Hayun tuloy, namumugto na ang mga mata niya dahil sa kadramahan. Kalmado na siya pero naluluha pa rin siya. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa pader habang yakap-yakap ang malaking Doraemon stuffed toy.

Nakaupo sa tabi niya si Eugene. Naka-stretch ang isang binti nito habang ang isa ay nakatiklop. Nakapatong sa nakatiklop nitong binti ang mga braso nito at nakayukyok ang mukha. Parang hiyang-hiya ang binata pagkatapos niyang ikuwento ang mga ginawa ni Gin sa kanya at ginawa nila no'ng si Gin pa ang may kontrol sa katawan nito.

"I'm sorry," halatang hiyang-hiya na sabi ni Eugene. "Hindi ko gustong ma-involve ka kay Gin. I'm so sorry I wasn't able to protect you from him."

From him?

Nilingon ni Summie si Eugene. Ah, tama ang mommy niya, naniniwala talaga si Eugene na magkaiba ito at si Gin. Pero hindi rin niya masisi ang binata. She even acknowledged Gin's existence because Gin's behavior was really different from Eugene's.

"Hindi mo natatandaan ang lahat ng nangyari no'ng si Gin ang may kontrol ng katawan mo?"

Nag-angat ng mukha si Eugene pero hindi pa rin siya nililingon. Marahan itong umiling. "Hindi ko naaalala."

Humigpit ang pagkakayakap ni Summie sa Doraemon plushie niya. "Eugene... bakit nabuo si Gin?"

Sa pagkakataong iyon ay nilingon na siya ni Eugene. Nagulat ito sa tanong niya. Pero dahil curious talaga siya, itinuloy pa rin niya ang tanong. Isa pa, nadamay na siya sa magulong mundo ng binata. Maybe she deserved to know that much.

"May kinalaman ba 'to sa childhood mo?"

Napakurap-kurap si Eugene, pagkatapos ay muling nag-iwas ng tingin. Matagal bago ito muling nagsalita. "I was eight when my parents divorced. My father was American. Sa America sila nagpakasal ni Mommy kaya madali lang ang proseso ng paghihiwalay nila. Nang ma-finalize ang divorce nila, umuwi ang mommy ko sa Pilipinas para magtayo ng negosyo."

Nagulat si Summie sa nalaman. Mukhang masyadong pribado pala ang gusto niyang alamin. Napahiya tuloy siya sa sarili. "I'm sorry, Eugene."

Ngumiti lang ang binata. Pero nagpatuloy ito sa pagkukuwento. "Mas pinili kong mag-stay sa America kasama si Daddy dahil sa kanya naman ako mas close talaga. Saka ayokong mahiwalay sa mga kaibigan ko roon. Lagi kasing busy noon si Mommy sa bagong business na tinayo niya rito sa Pilipinas.

"Okay naman lahat no'ng una. Hanggang sa dumating 'yong bagong girlfriend ni Daddy. That woman was young and beautiful, but cunning and cruel as well."

Nanlaki ang mga mata ni Summie sa kuryosidad. "A gold digger? Social climber? Evil stepmom-wanna-be?"

Mahinang natawa si Eugene, walang buhay. "You can say that. She never treated me with care. Pero nabulag niya si Daddy. Inubos niya ang pera ng ama ko sa kakabili ng kung ano-anong luho like—mamahaling bag, alahas, sapatos. Even luxury cars. Pati negosyo ni Dad, bumagsak dahil sa babaeng 'yon. When Dad was no longer capable of giving her a luxurious life, she left him."

"Ouch," hindi napigilang reaksiyon ni Summie. Alam niyang dapat manahimik na siya. Kaya lang, ganoon talaga siya kapag may kuwentong kumuha ng interes niya. "Sorry."

Ngumiti lang si Eugene. "Anyway, mula no'ng mawalan si Dad ng lahat-lahat, naging alcoholic na siya. Nag-iba na rin ang ugali niya. Tuwing nalalasing, ginagawa niya akong punching bag. Hindi siya tumitigil hangga't hindi siya nakakakita ng pasa sa katawan ko."

Nalaglag ang mga panga ni Summie sa nalaman. Finally, tumahimik na rin siya.

"Pinagbantaan din ako ni Dad na huwag magsusumbong sa kahit sino. Kaya itinatago ko ang mga pasa ko sa mga teacher at kaklase ko," malungkot na pagpapatuloy ni Eugene. "I became a loner. Imagine, I was only eight then yet I had to go through that hell."

WANTED: Imaginary SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon