AKALA ni Eugene,masama na na kumalat uli sa university ang tungkol sa kondisyon niya ngayong nasa college na siya. May mas malala pa pala na posibleng mangyari. Actually, nangyari na ang isa sa mga kinatatakutan niya.
Hindi siya makapaniwalang may nag-post ng article ng tungkol sa "pagkabaliw" niya sa fan page at sa mismong Facebook account ni Autumn Summers at sa mismong page din ng publishing house kung saan nagsusulat si Summie.
Oh, shit.
Shit talaga dahil ngayon, pinagtatawanan na ng mga reader nito si Summie.
"Kaya pala puro baliw ang mga bida ni Autumn Summers sa mga libro niya. Baliw din pala ang boyfriend niya. Haha!"
"Autumn Summers suck at writing romance. It's probably because she's in an abusive relationship with a psycho."
"Dapat siguro magpa-check na rin siya kasi baka nahawa na siya sa kabaliwan ng jowa niya."
Umabot na rin ng libo ang 'likes' at hundreds naman ang 'share' ng mahabang Facebook post na 'yon, kasama na ang mga picture nila ni Summie sa mesa. Sikat na writer kasi ang dalaga kaya marami rin ang anti-fan nito. 'Yon ang mga nangunguna sa pagpapakalat ng buwisit na article na 'yon.
Naihampas ni Eugene ang kamay sa mesa dahilan para mapatingin sa kanya ang mga florist na nag-aayos ng mga pulang rosas na siya mismo ang pumili. He smiled apologetically at the ladies before turning back his attention to his phone. Nanginginig ang kamay niya sa sobrang galit.
Mahuli ko lang kung sino ang gumawa nito, malalagot siya sa'kin!
Maganda ang umpisa ng araw niya kaya hindi niya inaasahan na may ganitong mangyayari. Maaga siyang gumising dahil marami siyang hinanda. No'ng nakaraang linggo pa siya nagpa-reserve sa isang restaurant para sa dinner date nila ni Summie. Sa kasalukuyan naman, nasa flower shop siya at siya rin ang mismong pumili ng mga red roses para sa bouquet na ibibigay niya sa dalaga mamaya. Nasa kotse na rin niya ang banner na ginawa niya para sa event.
Today was Summie's book launching and fourth anniversary celebration after all. Pinaghandaan talaga niya ang surprise niya para sa dalaga.
Alam naman kasi ni Eugene na may kaunting takot na si Summie na humarap sa mga reader dahil sa masamang karanasan nito no'ng nakaraan. Kaya nga balak sana niyang pumunta sa book launch ng may dalang banner at mga bulaklak bilang pagpapakita ng suporta sa dalaga.
Sa katunayan nga niyan, kasabwat pa niya si Madeline at ang buong Multimedia Division para i-surprise si Summie mamaya sa book launch. Lalabas silang lahat na may dalang banner. May "battle cry" pa nga siyang ginawa para sa dalaga. Gumawa siya ng lyrics na nilapat niya sa tugtog ng paborito niyang Kpop song na Fantastic Baby by BIG BANG. That song would never grow old for him.
Nasira lang ang araw niya nang makatanggap siya ng text mula kina Julien at Zion kanina at sinabing i-check niya ang Facebook account at fan page ni Autumn Summers. Sapilitan niyang pina-'like' kina Julien at Zion noon ang fan page ni Summie para dumama ang 'likes' at page views kaya siguro lumabas ang post sa newsfeed ng dalawa.
Damn. I'm dragging Summie down with me.
"Ang dami nang 'likes' at 'share' ha."
Napapiksi si Eugene nang marinig ang boses na 'yon. Paglingon niya, nagulat pa siya nang sumalubong sa kanya ang nakangising si Hugo. Gaya ng madalas nitong porma noon pa man, nakasuot ito ng hoodie na itim. Bumangon agad ang galit niya. Binitawan niya ang phone niya sa mesa at tumayo siya para lumapit sa lalaki. "Damn you–"
Ipinatong ni Hugo ang daliri sa ilong nito at nakangising tinuro ang CCTV camera sa sulok ng kisame ng shop. "Be careful, Eugene. Kapag inatake mo ko ngayon, makikita sa CCTV na wala naman akong ginawa para i-provoke ka. If that happens, kukunin ko ang video record ng encounter natin na 'yon at i-po-post sa university page natin. Mapapatunayan ng lahat na psychotic at bayolente ka nga."
BINABASA MO ANG
WANTED: Imaginary Summer
RomanceSummie is being stalked by a guy who appears to be obsessed with her. And the only person she can trust is Eugene--- her best friend. Pero may "dark secret" ang lalaki at mukhang may kinalaman ito sa nangyayari sa kanya. After all, Eugene has a diso...