Summer: 15

268 22 2
                                    

"ILANG beses ko bang sasabihin sa 'yo na ayoko sa plano mo?" reklamo ni Summie habang nakatutok ang tingin sa pinapanood na movie. Nasa apartment siya kasama sina Eugene at Madeline, nanonood ng movie. Nakaupo sila sa couch. Nasa gitna nila si Eugene na may hawak na malaking bowl ng niluto nilang popcorn kanina. Ayaw niyang tabihan ang binata dahil naiinis siya sa suggestion nito. "Ayokong magpapanggap tayong nagde-date. Para namang hinugot iyon sa mga pocketbook na binabasa nitong si Madeline."

"That's my favorite kind of plot," depensa ni Madeline habang tumatango-tango. "Effective nga 'yon na pantaboy sa makukulit na exes."

"See?" proud na sabi ni Eugene. "I told you, magiging effective ang naiisip kong plano."

Bumuga lang ng hangin si Summie.

Hindi ba ma-gets ng lalaki na ayaw niyang magpanggap na nagde-date sila dahil ang gusto niya, totohanin nila ang lahat?

"Writer ako, hindi artista," katwiran na lang niya, saka padabog na inilubog ang kamay sa bowl. Natapon sa kandungan ni Madeline ang mga umapaw na popcorn. "Hindi ko kayang magpanggap na may romantic relationship tayo."

"I doubt it," kontra ni Madeline. "Wala pa mandin si Baron sa eksena, everyone is thinking you two are already dating. Plus, hindi n'yo kailangang umarte kasi natural naman ang chemistry n'yo."

"Oo nga," pagsang-ayon ni Eugene. Inilubog din nito ang kamay sa bowl pero hindi para dumakot ng popcorn kundi para hulihin ang kamay niya. Hinawakan nito iyon nang mahigpit kaya hindi siya makawala. "Bakit ba ayaw mo sa plano ko?"

Naiinis na talaga si Summie sa pagiging manhid ng lalaki. Kinuha niya ang lata ng beer sa ibabaw ng coffee table gamit ang isang kamay. Tinungga niya ang natitirang laman niyon bago sumagot. Ang mga lalaking tulad ni Eugene, dinederetso na dapat para naliliwanagan. "Kung makikipag-date ako sa 'yo, ayoko ng kunwa-kunwarian lang. Gusto ko, totohanan."

Nabigla ang binata sa mga sinabi niya. Napansin din niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Kung kaya mong seryosuhin ang mga bitchesa mong ex, bakit hindi mo ako kayang seryosuhin? Mas okay naman ako kaysa sa kanila, ah."

Lalong na-shock si Eugene. Binitawan nito ang kamay niya. "Summie... do you like me more than just a best friend?"

Nag-init ang mga pisngi na tumango siya. Marami siyang gustong sabihin at ipagtapat, pero may pakiramdam siyang hindi pa handa si Eugene. Kaya simple lang ang naging sagot niya sa tanong nito. "I do."

Natahimik ang binata, pero bahagyang nanlaki ang mga mata sa gulat. Pero at least, nakatingin pa rin ito nang deretso sa mga mata niya na para bang sinisiguro kung seryoso siya.

Tumahimik din si Summie habang hinihintay ang sagot nito. Mukha lang siyang kalmado sa labas pero sa loob-loob, gumugulong na siya sa sahig habang tumitili at sinasabunutan ang sarili. Ilang mura na rin ang napakawalan niya sa isip. Ganoon siya ka-tense.

"Can someone say awkward?" basag ni Madeline sa namuong katahimikan sa paligid. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa kanila ni Eugene na nagtititigan pero pareho namang walang masabi sa isa't isa. "Alam n'yo bang three minutes na kayong magka-eye to eye? Inorasan ko, promise."

Mabilis na tumayo si Eugene nang parang matauhan. "I'm sorry, but I think I need to go home and think about... us."

Marahang tumango si Summie. Siyempre, umarte siyang kalmado nang sumagot. "Okay. Take your time." Oha! Sinong nagsabing hindi siya puwedeng artista?

Tumango lang si Eugene. Pagkatapos ay tahimik na itong umalis.

Pagkasarang-pagkasara ng pinto, nagtititili siya habang sinasabunutan ang sarili. Sa pagsipa-sipa niya sa sobrang inis, nahulog pa siya mula sa couch. Nagpagulong-gulong na lang siya sa carpeted floor gaya ng gusto niyang gawin kanina pa.

WANTED: Imaginary SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon