Summer: 19

248 21 1
                                    

NAGING busy si Summie sa lumipas na linggo dahil kapag nasa university siya, bukod sa acads ay abala rin siya sa pag-asikaso ng Sinelikha short film project nila. Pagkatapos, sinasamahan naman niya si Eugene sa ospital kapag may libreng oras siya. Nagsasalitan naman sila ni Tita Euna sa pagsama sa binata. Kailangan nito ng moral support kaya 'yon ang binibigay niya sa best friend niya.

Mukha yatang masyado na siyang outdated sa mga kaganapan sa St. Patrick University sa sobrang pagka-busy niya dahil hindi na niya gets kung bakit kanina pa siya pinagtitinginan ng mga schoolmate niya, saka magbubulungan o magtatawanan ang mga ito pagkalagpas niya.

"Hindi ko imagination na pinag-tsi-tsismisan ako 'no?" tanong agad ni Summie nang maki-share siya sa mesa nina Madeline at Dean pagdating niya sa school cafeteria. "Anong meron sa'kin?"

"Pareho tayong busy kaya kanina ko lang din nalaman at hindi pa ko magiging updated if not for Dean," iiling-iling na sabi ni Madeline, pagkatapos ay nilapit nito sa kanya ang laptop nito. Nakabukas ang browser nito sa website ng St. Patrick U. "Apparently, someone posted about Eugene having psychotherapy sessions with your mother. Maraming nakakaalam na psychiatrist ang mommy mo, Summie. Kaya parang wildfire na kumalat na "baliw" ang best friend mo."

Nanlamig ang katawan ni Summie nang makita niya sa university page nila ang mga picture nila ni Eugene habang papasok at palabas ng ospital. May mga kuha pa nga na kasama ang mommy niya. The pictures were taken during the whole week that she and her best friend went together to the hospital for his therapy. May sumunod sa kanila nang hindi nila namamalayan? "Shems lang! Sinong baliw naman ang mang-i-stalk sa'min just to take these pictures?!"

Marahang hinagod ni Madeline ang likod niya na parang kinakalma siya. "I know, right? Pero ang mas nakakaloka, bukod sa pictures na 'yan, wala namang pinakitang records 'yong nag-post na puwedeng evidence para masabi niyang nagpapa-consult nga si Eugene kay Tita Sally. Just because the person who posted that said Eugene has mental disorder, ang dami namang nagpa-uto."

"Hindi lang 'yan ang rason," singit naman ni Dean dahil para mapatingin sina Summie at Madeline dito. "Sa frat namin, may nagkakalat ng kuwento tungkol sa pagiging bayolente ni Dalton no'ng high school. From what I heard, the infamous story was brought up by our brother Samuel. Alumna na siya, pero in touch pa rin siya sa mga kapatid namin sa frat. Mukhang nag-e-enjoy din si Baron na ipagkalat ang kuwentong 'yon sa grupo namin."

Kumunot ang noo ni Summie. Magka-frat pala sina Samuel at Baron. Parehong panggulo sa buhay niya ang dalawang 'yon. "Ano naman ang kuwentong pinagkalat ni Samuel sa frat niyo?"

Dean snorted. Mukhang kung anuman ang sasabihin nito, hindi rin nito gusto. "According to Samuel, he was dating you a few years ago when Eugene got in the way."

"I never dated him!" mariing giit naman ni Summie.

"Pero hindi 'yon ang version ni Samuel," katwiran naman ni Dean. "Anyway, sabi ni Samuel, bayolente raw si Eugene. He also said that Eugene is emotionally abusing you, kaya hindi mo maiwan ang "best friend" mo. At kung anu-ano pa ang sinasabi niya na tingin ko naman ay hindi niyo na gustong marinig. Ignorance is bliss, you know."

Nasapo ni Summie ang noo gamit ang kamay niya. Naka-graduate na't lahat si Samuel, nagugulo pa rin ng lalaking 'yon ang buhay niya?

"Hindi ka naman siguro naniniwala kay Samuel 'no?" sita naman ni Madeline kay Dean.

"Of course not," mabilis na sagot ni Dean. "Hindi kami magka-batch ni Samuel pero alam ko kung gaano kagago 'yong taong 'yon. Unfortunately, the majority is not as bright as I am."

"Baliw talaga ang lalaking 'yon!" nanggigigil na bulalas ni Summie. Makita niya lang ang Samuel na 'yon, makakatikim sa kanya 'yon ng kaliwa't kanan na sampal. Balikan pa para mas dama nito.

WANTED: Imaginary SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon