Summer: 24

246 14 2
                                    

AYAW na ayaw ni Summie nang tumutulo ang basa niyang buhok sa katawan niya. Pero ng mga sandaling 'yon, hindi na lang niya pinansin na hindi pa niya natutuyong mabuti ang buhok niya.

Hindi na rin siya nakapamili ng mas coordinated na get-up para sa araw na 'yon. Sinuot niya ang una niyang nadampot sa closet niya: puting V-neck shirt at ripped jeans. Kinompleto niya ang porma niya gamit ang sneakers niya na bihira niya lang gamitin.

Mas mahalaga sa kanya ang paghahanap kay Gin. Pero ang lintik na lalaki, wala na sa apartment!

"Natakasan ako ni Gin..." Nakagat ni Summie ang ibabang labi nang mapansin niyang natigilan si Madeline sa pagpapalaman ng bacon sa tinapay nito. "I mean, ni Eugene."

"Nakita kong lumabas ng apartment si Eugene habang naliligo ka kanina," kaswal na sagot ni Madeline. "'Gin' ba ang tawag niya sa isa niyang katauhan?"

Pakiramdam ni Summie ay biglang nag-slow motion ang paligid niya dahil sa tanong ni Madeline. O baka bumagal lang ang pagkilos niya habang dahan-dahan siyang lumilingon sa kaibigan niya. Wait, tama ba ang narinig niya? "Madeline..."

Humarap sa kanya si Madeline, nakangiti. "Did I surprise you? Sorry kung hindi ko agad sinabi sa'yo, Summie. No'ng isang taon ko paramdam na may DID si Eugene."

"Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ni Summie.

"Actually, ngayon ko lang na-confirm 'yon dahil puro hinala lang naman ako noon," kalmado pa ring sagot ni Madeline. "No'ng isang taon, no'ng time na sobrang close ni Eugene kina Zion at Julien, napapansin kong madalas ka namang stressed. One night, when you went home to Antipolo because you said you wanted to take a break, I was left alone here in our apartment. Eugene came. Hinahanap ka niya. Napansin ko agad na may kakaiba sa kanya dahil maangas siyang magsalita at hindi rin siya ngumingiti. Nang tawagin ko siya sa pangalan niya, nagalit siya. He told me to call him 'Gin.'

"No'ng una, akala ko, lasing lang siya ng gabing 'yon. Pero naisip ko na no'ng nasa high school tayo, ang daming research about DID. Ang sabi mo noon, gagamitin mo 'yon sa nobela mo. But you haven't written a novel about a person with multiple personalities yet.

"Pero napaisip lang uli ako tungkol do'n nang kumalat sa university na may problema si Eugene. Hindi man kumalat kung ano eksakto ang sakit niya, naisip ko agad ang DID dahil sa mga na-encounter kong pangyayari sa inyo. Kagabi ko 'yon na-confirm, sa restaurant."

Hindi na siguro dapat nagulat si Summie. Published writer nga siguro siya, pero malawak din ang imagination ni Madeline dahil wide reader ito. Mahilig din itong magsulat, kaya nga Creative Writing din ang course nito. Pero mas focused lang ang kaibigan niya sa pagsusulat ng satire politics.

Ah, ngayon ay gets na niya kung bakit umuwi rin agad si Madeline kagabi. Napansin din siguro nito na kakaiba si Eugene, kaya sumunod ito sa kanya para marahil siguruhing magiging safe siya.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin, Madeline?"

"Dahil ayokong ma-pressure ka na magkuwento sa'kin," nakangiting sagot naman ni Madeline. "Hindi mo sekreto 'yon kaya naiintindihan ko kung bakit hindi mo sinabi sa'kin ang tungkol sa DID ni Eugene. Isa pa, it's not something you can easily talk about other people."

"Hindi ka ba natatakot kay Eugene?"

Marahang umiling si Madeline. "Hindi ka naman tatagal sa pagiging best friend ni Eugene kung mapanganib siyang tao, 'di ba?"

Nakahinga ng maluwag si Summie. Hindi na niya napigilang yakapin si Madeline. Ang suwerte niya na may true friend siya sa katauhan nito. "Thank you for keeping Eugene's secret."

"Ano ka ba, it's not a big deal naman," natatawang sabi ni Madeline. "Saka friend ko na rin naman si Eugene. Ayoko siyang mapahamak."

"I'll tell you the details later," sabi ni Summie nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Madeline. "But for now, we have to find Gin. Baka may gawin siya na makakasama kay Eugene."

WANTED: Imaginary SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon