FORTUNATELY for Summie, malawak ang isip ng mga ka-blockmate at mga kaibigan niya. Hindi nagsasalita ang mga ito ng masama tungkol sa kanila ni Eugene at alam niyang hindi rin gagawin ng mga ito 'yon kahit nakatalikod na siya.
Like seriously. They were graduating students and they were doing a huge project for their institute. They were too busy to gossip. Sana lang lahat ng estudyante ay sing busy nila at sing seryoso sa pag-aaral nang mawalan ng oras ang mga ito na manira ng buhay ng ibang tao.
"That's Eugene Dalton, right? Sayang, ang hot pa naman niya."
Mabilis na lumipad ang tingin ni Summie sa direksyong tinitingnan ng dalawang babaeng nagbubulungan habang nakaupo sa bench na nadaanan niya.
Napangiti siya nang makita si Eugene. Pero mabilis ding kumunot ang noo niya nang makitang mabilis ang lakad nito at parang nakasimangot pa. Nang tingnan niya ang direksyong tinatahak nito, nanlaki ang mga mata niya nang makitang papunta ito sa Activity Center, 'yong open court nila. Kitang-kita niya sa bleacher ang grupo nina Baron na nagtatawanan. Mukhang alam na niya kung saan pasugod ang best friend niya.
Oh no!
Tumakbo si Summie papunta kay Eugene. Sa kabutihang palad, mahahaba ang mga binti niya kaya malalaki ang hakbang niya. Naabutan niya ang binata bago pa ito makatawid papunta sa Activity Center. Hinawakan niya ito sa braso at hinila papunta sa kabilang direksyon.
"Summie?" nagtatakang untag ni Eugene sa kanya, pero hinayaan naman siya nitong hilahin ito. "May klase ka pa, 'di ba?"
"Hindi pumasok ang prof namin kaya pauwi na sana ko since may date naman sina Madeline at Dean," sabi ni Summie, hila-hila pa rin si Eugene hanggang sa nakarating sila sa Freedom Park. "Bakit mo naman susugurin si Baron?"
Pinabigat na ni Eugene ang katawan nito kaya hindi na niya ito nahila. "I watched the video where he tried to hit you, Summie."
Pumihit si Summie paharap kay Eugene. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay nito. "Video?"
Nakasimangot na tumango si Eugene. "Kalat na sa buong university ang video ng pag-aaway niyo ni Baron kaninang umaga. Pinasa lang sa'kin ng kaklase ko 'yong vid kaya napanood ko."
Napabuga na lang ng hangin si Summie nang maalala ang mga schoolmate niya na nakataas ang mga phone kanina. "Seriously. Mas malaki ang problema sa pag-iisip ng mga taong 'yon kaysa sa'yo."
"Alam ko na rin ang tungkol do'n," kalmadong sabi naman ni Eugene. "Alam ko nang may nagsulat ng artcile tungkol sa kondisyon ko at pinost 'yon sa university page."
Hindi makatingin si Summie kay Eugene kaya yumuko na lang siya. "This is all my fault. Kung hindi kita pinilit na bumalik sa medication mo, hindi sana malalaman ng mga schoolmate natin ang tungkol sa kondisyon mo. Hindi sa kinakahiya ko ang kalagayan mo. Ayoko lang na nagugulo ang private life mo dahil lang sa sakit mo."
"Nangyari rin naman 'to no'ng nasa high school tayo, 'di ba?" sabi naman ni Eugene. "Na-survive ko 'yon, Summie. Alam mo kung pa'no?"
Nag-angat ng tingin si Summie kay Eugene at nakasimangot na umiling. "Hindi."
Ngumiti si Eugene na dahilan para bumalik ang pagiging masiyahin ng mukha nito. Inangat nito ang magkahawak nilang kamay. "You held my hand like this in front of many people." Pinasadahan nito ng tingin ang mga tsismoso't tsismosa nilang schoolmates na nakatingin sa kanila ngayon bago nito muling binalingan ang mukha niya. "You showed them that I am not dangerous. Dahil sa'yo, hindi ako tuluyang na-isolate sa klase namin no'ng nasa high school tayo. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Binaba nito ang mga kamay nila pero hindi siya nito binitawan. "Dahil sa speech mo kanina, hindi naapektuhan ang mga kaibigan ko kahit nalaman nila na may problema ako. In fact, 'yong iba kong mga ka-course, lumapit sa'kin at nag-open up tungkol sa kanya-kanyang kalagayan nila. Karamihan, depression at bipolar disorder ang sakit. Talking to each other about our conditions in a short span of time already made us feel closer." Dinukot nito ang phone sa bulsa ng pantalon gamit ang libre nitong kamay. Kinalikot nito 'yon sandali bago hinarap sa kanya. "Look. May nabuo na kaming group chat."
Hindi alam ni Summie kung ano ang mararamdaman. Pero siguro, dapat siyang maging masaya. "That's nice."
Nakangiting tumango si Eugene, saka nito binulsa ang phone nito. "We may have different mental disorders, but the fact that we're currently not happy by the way we are is enough to bring us closer. And it actually felt good to talk to people who understand me. Nakakapagbigay kami ng encouraging words sa isa't isa na para bang ang mga sarili rin namin ang kausap namin."
Ah, ngayon ay naiintindihan na ni Summie kung bakit hindi niya magawang maging one hundred percent happy para kay Eugene. Nagseselos siya. "Does it mean... hindi mo na ko kailangan?"
Kumunot ang noo ni Eugene sa pagtataka siguro. "Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Because you found people who fully understand you," puno ng selos na pag-amin ni Summie. "I mean, tanggap ko naman ang kalagayan mo pero kahit anong pilit ko, hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka. Hindi ko gets kung bakit nahihirapan kang alisin si Gin sa isipan mo. Mas lalong hindi ko na-e-experience ang nararamdaman mo. It makes me feel awful." Nanlumo siya kaya ang dati niyang magandang postura, hinayaan niyang mawala nang malaglag ang mga balikat niya dahilan para bahagya siyang mahukot. "Ito ba ang reason kung bakit hindi ako good enough to be your girlfriend?"
"Summie..."
Ngumiti ng malungkot si Summie. Bumitiw siya sa kamay ni Eugene pero mabilis din naman siyang umabistre sa braso nito. "It's not important, Eugene." Hinila niya ito papunta sa direksyon ng car space bago pa ito makapagreklamo."Tutal naman wala ka nang klase, mag-merienda na lang tayo. Parang gusto kong kumain ng Korean food. Keri lang sa'yo? Gusto ko ng kimchi rice."
Tumango si Eugene. "Okay, if that's what you want."
Ngumiti lang si Summie.
"I can't believe she's sticking with him."
"Baka baliw na rin siya."
"Anyway, better to keep our distance from them na lang."
Humugot ng malalim na hininga si Summie. Halata namang sila ni Eugene ang pinag-uusapan ng mga schoolmate nila. Paulit-ulit na lang niya binanggit ang mga pangalang nakabisado na niya sa pagbabasa ng biography ng mga ito.
"Who's Ted Bundy?" halatang nagtatakang tanong ni Eugene na ang tinutukoy ay ang huling pangalang binanggit niya.
Napangiti naman si Summie. 'Yong mga ganitong topic talaga ang gusto niyang pinag-uusapan, eh. "He was an American serial killer and rapist during the 1970's. Karamihan sa mga biktima niya, puro magaganda at batang mga babae. Palibhasa kasi, charismatic siya kaya nauuto niya ang girls."
Mas lalong kumunot ang noo ni Eugene. "'Yong ibang pangalang binanggit mo kanina, puro mga kriminal? Bakit mo naman sila binabanggit?"
"Guilty pleasure ko kasi ang pagbabasa ng biography ng ilan sa mga kilalang murderer sa mundo," nahihiyang pag-amin ni Summie. "Kapag kinakalma ko ang sarili ko, ni-re-recite ko ang pangalan ng mga paborito kong kriminal. Well, hindi naman sa iniidolo ko sila, pero sila 'yong nag-inspire sa ilan kong mga libro. Ang ilan sa krimen din nila ang dahilan kung bakit nahilig ako sa pagbabasa ng crime fiction." Pilit siyang tumawa nang makita niya ang gulat sa mukha ni Eugene. "I know, tinago ko sa'yo 'yon. Nahihiya kasi ako sa'yo. Baka isipin mong ang weird ko."
Biglang natawa si Eugene. "Ako pa ba na may personality disorder ang magsasabi sa'yong weird ka por que lang guilty pressure mo ang pagbabasa ng biography ng mga kriminal?"
Bumungisngis si Summie. "May point ka."
"Tell me more about your "favorite" criminals," nakangising udyok ni Eugene sa kanya. "I won't judge you. Promise."
Eksaheradong tumikhim naman si Summie para ihanda ang boses niya sa pagkukuwento. "One bloody night..."
BINABASA MO ANG
WANTED: Imaginary Summer
RomanceSummie is being stalked by a guy who appears to be obsessed with her. And the only person she can trust is Eugene--- her best friend. Pero may "dark secret" ang lalaki at mukhang may kinalaman ito sa nangyayari sa kanya. After all, Eugene has a diso...