Author's note: Sa mga bumabasa at magbabasa pa, maraming salamat! 😊♥️
"Utang na loob tumakbo ka nang mabilis! Takbo!"natatarantang sigaw ng isang lalaki sa kanyang kasama na hindi pa nakakalayo mula sa kanya.
Pinagpapawisan nang malapot, humarap siya sa kanyang pinakanakatatakot na bangungot. Ang katotohanang maaaring hindi na siya muling magising. Dahil sa lahat ng bangungot, ito ang pinaka katatakutan ng kahit na sino. Maging siya.
Siya na kinikilalang pinaka malakas sa lahat ay nanginginig sa takot. Takot hindi para sa sarili kundi para sa kinabukasan ng lupang sinilangan. Dahil ang kanyang bangungot ay kinakaharap na niya ngayon sa realidad.
"Takbo, Alejandro! Takbo!" muli ay sigaw niya.
Ngumisi ang kaharap. Ngising nauwi sa isang malakas na halakhak. Halakhak na nakapagpatayo sa kanyang mga balahibo. Nanigas siya.Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya lubos na maisip na mangyayariang gayon sa buong isla. Nanikip ang dibdib niya sa tindi ng emosyong pinipigilan niyang maipakita sa kaharap na alam niyang hayok sa dugo at kapangyarihan.
"Bakit Mattias? Natatakot ka na ba?" nakalolokong tanong nito sa kanya.
Tumingin sa likod niya. Sa lalaking halos madapa-dapa na sa pagtakbo palayo sa kanya, bitbit ang isang sanggol.
"Wala na kayong mapupuntahan pa. Akala ba ninyo ay maitatakas niyo pa ang batang iyon?" mapagmalaki at may kasiguraduhan sa bawat salitang bigkas nito sa mga pahayag sa kanya.
"Oo. Maitatakas namin ang batang iyon!" sagot niya.
Kaunting oras lang ang kailangan niya para maisagawa ang kanilang plano. Planong tiyak niyang magtatagumpay kahit alam niyang malaki ang magiging kapalit para sa kanya.
"Hangal!" ganting sagot nito. "Puwes nagkakamali ka, kung inaakala mong maitatakas ni Alejandro ang sanggol," mabilis na ikinumpas nito ang mga kamay at sa isang iglap ay may nakita na siyang itim na usok na sumusunod sa nag-iisang anak.
"Alejandro!" naginginig na sigaw niya. Kailangan niyang iligtas ang anak na si Alejandro.
Mabilis na binunot niya ang kanyang espada mula sa kalatas na nakasukbit sa kanyang baywang. Iniumang niya ito sa kaharap na abalasa mahikang ginagawa. "Papatayin kita!" galit niyang hiyaw.
"Hindi, Mattias. Ikaw ang mamamatay!" nanlalaki ang mga matang itinaas nito ang kamay na tila may hawak kasabay ng kanyang pag-angat mula sa lupa. "Mamamatay ka Mattias sa mga kamay ko kung paanong mamamatay ang anak mo at ang sanggol," nakangiti nitong pahayag sa kanya.
Muling sulyap ang ginawa niya sa anak na patuloy sa pagtakbo. Kaunti na lang. Kaunting panahon pa at maililigtas na nila ang sanggol.
'Magaling anak!Bilisan mo pa ang pagtakbo.Kunin mo ang atensyon ng buong sandatahan ng bruhang ito!' sabi niya sa sarili. Umaasang maririnig din iyon ng anak.
"Alam mo ba Mattias na nanghihinayang ako sa'yo?" agaw ng manggagaway sa kanyang atensyon. "Simpatiko ka.Napakakisig. Pinag-aagawan nang lahat.Matalino ka sana pero hindi mo ginamit," patutyang saad nito.
"Sigurado ka?" nang-aasar na tanong niya.
"Isa kang hangal na pinatunayan ang kahangalan mo sa pag-aakalang maitatakas ninyong mag-ama ang sanggol, Mattias," malakas pang humalakhak ito. "Ano ba ang iniisip mo? Na matatakasan ninyo ang buong hukbo at ako? Kamangmangan!"
Sinikap niyang kumawala sa pagkakasakal nito sa kanya sa pamamagitan ng mahika subalit kayhirap talagang kalabanin ang mandaraya.
"K-kamangmangan m-marahil sa'yo ang patuloy na u-umasa Riyana pero iyon ang p-patuloy na n-nagpapalakas sa a-akin," sagot niya rito bagaman nahihirapan na siyang huminga.
BINABASA MO ANG
Isla Encantacia Series Book 1 PRIMAVERA- The Missing Hope
FantasySpring Mendoza has the life that every girl wanted for themselves. Marangyang buhay, mapagmahal na mga magulang, protective na kapatid at isang bestfriend na alam niyang hinding-hindi siya iiwan, bukod pa sa angking ganda, in and out with the brain...