Chapter 11

306 12 0
                                    


"YOU LOOK DISTRACTED, BEST," si Summer na lumapit sa kanya at inabutan si Spring ng isang bar ng chocolate. Nilingon niya ito at napangiti siya. Mukhang hindi pa rin nauubos ang baon nito kahit dalawang buwan mahigpit na sila sa lugar na iyon.

"Nah, Spring don't look at me like that.Kung kaya ko lang mag-magic at kasama iyon sa itinuturo sa akin hindi ko lang pararamihin ang mga tsokolateng 'to," nakangusong sabi ni Summer. "Kung iniisip mo kung bakit mayroon pa rin akong tsokolate 'yun ay dahil marami akong dala at hindi ko naman laging nginangata ito. Kapag may time lang. Mabuti na lang at bahagyang malamig dito sa bundok kung nasaan tayo at himalang walang langgam." Ngumiti pa ito ng napakatamis sa kanya.

Naroon sila sa labas ng kuwebeng tinutuluyan nila. Nasa harap si Spring nang pinagningas na bato na ginatungan ng mga tuyong kahoy, habang nagbabantay sa nilulutong nilagang karne ng baboy. Huli ang baboy na iyon nang ilang lobo na nangaso sa masukal na bahagi ng kagubatan.

Aaminin niyang distracted siya. Sino ba ang hindi madidistract kung ang crush mo ay sabihan ka ng 'I love you'? Hindi niya alam kung tama ba talaga ang narinig. Hindi rin niya alam kung ano ang dapat gawin.

Naiiling na tumingin siya sa kaibigan at kinuha ang tsokolate na inaabot nito sa kanya.

"I am not," mahinang sagot niya pagkakuha sa tsokolate at muling tinitigan ang pinaglalagaan sa uulamin nila. Maya-maya pa ay napabuntong –hininga na lang siya.

Nilingon niya ang kaibigang nakamasid lang sa kanya habang patuloy sa paglamutak sa hawak na tsokolate. "Okay, fine. I am not," pag-amin niya. "Did I heard him right, didn't I?," tanong niya pa rito habang pasimple siyang lumingon at nagpalinga-linga sa paligid para malaman kung may mga kasamahang malapit sa kanila. Mahirap na, masyado pa namang matatalas ang pandinig ng mga iyon.

'It's depends on what you have heard," sabi ng kaibigan na tumigil sa paglamutak sa kawawang tsokolate at binuksan ang kaldero kung saan nakalagay ang kanilang ulam para tingnan kung malambot na ang karne. Nasa tabi nito ang bilao kung saan nakalagay ang lahat ng isasahog nilang gulay roon. May karamihan ang mga gulay roon dahil marami rin silang kakain. Nagprisinta silang magkaibigan na magluto upang matikman rin ng mga kasamahang lobo ang pagkain nila. Ang mga bampira naman ay naghihintay na lang sa kanila habang hinahati-hati ang dugong nakuha sa baboy at iba pang hayop roon para saluhan sila sa pagkain.

"I- I think I heard him saying that h-he l-loves me,?" patanong rin niyang sagot.

Tumingin ito sa kanya bago muling tinakpan ang kaldero at naupo sa tabi niya. "I think you heard him, right," nakangisi nang sabi nito.

"R- really?"

"Yeah. I heard the same thing, too."

Ibig sabihin, tama talaga ang ang narinig niya. Nalilitong iniikot niya ang tingin sa paligid upang hanapin si Javier. Pero hindi niya ito makita. Maya-maya pa ay bigla na lang siyang napatili nang may maramdamang tila kuryenteng dumaloy sa tagiliran niya.

"You're looking for him, huh?," nakabungisngis na biro sa kanya ni Summer habang patuloy pa rin sa pagtusok-tusok sa tagiliran niya.

Malakas ang kiliti ni Spring sa tagiliran kaya hindi rin niya mapigilan ang pagpitlag sa tuwing ilalapit roon ng kaibigan ang daliri nito, may di ring mapigilang tili ang lumalabas sa kanyang labi. Halos hindi na siya makahinga dahil sa pagtawa at di pagkandatuto sa pagsalag at pagpigil sa kamay ng kaibigan na patuloy pa rin sa ginagawang pangingiliti sa kanya. Natigilan lang siya nang sa pag-angat ng mukha ay nahagip ng kanyang tingin ang lalaking kanina pa gumugulo sa kanyang isip.

Isla Encantacia Series Book 1 PRIMAVERA- The Missing HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon