"IT'S AMAZING," sabi ni Spring sa sarili.
Talagang namamangha siya sa mga nakikita.
Nasa ilalim sila ng karagatan. At sa isang napakaimposibleng katotohanan ay nakahihinga sila sa ilalim ng tubig.
Madilim sa ilalim. Marahil ay dahil na rin sa walang anumang liwanag na nagmumula sa ibabaw ng tubig ang tumatama roon dahil maging sa ibabaw ay wala ring makikita kundi pulos kadiliman rin.
Gayunpaman ay natutuwa siyang malaman na kahit madilim ay may naaaninag at nakikita pa rin siyang mga maliliit na isdang sumasabay sa kanilang paglangoy.
Magkahawak pa rin sila ng kamay ni Summer. Hindi nila binibitawan ang kamay ng bawat isa. Alam niyang marami na itong tanong katulad niya ngunit isinasantabi na munang katulad niya dahil namamangha rin ito sa mga nakikita at nangyayari. At panay rin ang tingin nito sa mga binting naging buntot ng isda.
"Isuot ninyo ang kuwintas na ito," isinuot ni Cornelia sa kanila ng kaibigan ang mga kuwintas na may palawit na tulad ng isang kabibe.
Nang makalusong sila sa tubig ay hinawakan nila ang kuwintas at gayon na lang ang kanilang pagkamangha nang hindi na nila maramdaman ang dati ay mga paa. Nang ilubog nila ang sarili sa ilalim ng dagat upang tingnan nila iyon ay nakita nilang ang kanilang mga paa ay naging buntot na tulad ng sa isang isda. Makulay at makaliskis iyon.
"Paano kami nagkabuntot?" tanong ni Spring nang muling iangat ang sarili mula sa pagkakalubog. "At ikaw, wala ka namang kuwintas na tulad nito pero may buntot ka?" pagtukoy niya sa suot na kuwintas ng kabibe.
Huminga ng malalim si Cornelia bago sumagot.
"Isa akong sirena. At ang kuwintas na suot ninyo ay mga mahihiwagang kabibe na balot ng mahika na sa sandaling hawakan ninyo ay magkakaroon kayo ng buntot o kaya ay maibabalik ang inyong mga paa," paliwanag nito. "Sa oras na hawakan ninyo iyan pagdating natin sa aming tirahan ay babalik na muli ang inyong mga paa. Makalalakad na kayong muli."
"Marami ka pang makikitang kamangha-mangha sa lugar na ito, kamahalan," narinig niyang sabi ni Cornelia na nakapagpabaliksa kanyang isip sa kasalukuyan.
Mabilis niya itong nilingon. Nakapagtatakang nakapagsasalita ito sa ilalim ng tubig.
Ngumiti ito sa kanya, " Nakakausap kita sa isip, kamahalan," dagdag pa nito na para bang naririnig din ang laman ng kanyang isip.
Nakita niyang tipid itong ngumiti sa kanya na parang iyon na ang sagot sa tanong niya.
Nagpatuloy sila sa paglalakbay sa ilalim ng dagat. Ilang oras na silang lumalangoy at nakapagtatakang hindi napapagod ang mga buntot nila sa pagkampay.
"Kung sabagay, kung napapagod ang isda sa paglangoy malamang nalunod na iyon at lumutang sa ibabaw ng dagat," pero maya-maya ay natigilan siya. "May nalulunod bang isda?"
"Baliw," narinig niyang sabi ni Summer.
Mabilis na napalingon si Spring sa may-ari ng kamay na mahigpit na nakahawak sa kanya ring kamay habang lumalangoy.
And then, she saw her smiling. Ah, hindi. Hindi lang ito basta ngumiti. Nakangisi ito. And then, it hits her. All of them is looking at her with that kind of grin on their faces.
They heard her thoughts.
What a stupid mind.
Malamang talagang pagtatawanan siya ng mga ito kung ganoon nga. Bakit niya ba kasi natanong sa sarili kung nalulunod ba ang mga isda?
BINABASA MO ANG
Isla Encantacia Series Book 1 PRIMAVERA- The Missing Hope
FantasySpring Mendoza has the life that every girl wanted for themselves. Marangyang buhay, mapagmahal na mga magulang, protective na kapatid at isang bestfriend na alam niyang hinding-hindi siya iiwan, bukod pa sa angking ganda, in and out with the brain...