"ANG ALEXANDRIA ang pinakamatatag na kaharian sa lahat ng kahariang nasa Isla Encantacia. Protektado ito ng apat na brilyante na nagtataglay ng apat na elemento ng kalikasan. Hawak iyon ng apat na mahiwagang nilalang na nasa apat na sulok rin ng buong Isla Encantacia," pasimulang kuwento ni Alejandro patungkol sa kaharian. "Sila ang mga mahihiwagang nilalang na ayon sa mga kuwento ay hindi basta- basta nagpapakita sa kung kani-kanino lang. Mga nilalang na ayon sa kuwento ng mga kanunu-nunuan natin ay tagapagbantay ng buong isla.Ngunit nasira ang proteksyon. Nawala ang apat na tagapagbantay ngunit natitiyak kong nasa kanila pa rin ang mga brilyante. Hindi naman iyon makukuha ng iba sa kanila dahil ang mga brilyante ang mismong pumili sa kanila at may kakayahan ang mga brilyanteng protektahan din sila.
"Nang masira ang proteksyong nakabalot sa buong kaharian, noon nagsimula ang gulo. Gulo na hindi namin namalayan. Pagkawala ng ilang mamamayan hindi lang sa ating kaharian kundi maging sa iba pa. Halos mahati rin ang mga mamamayan ng Alexandria sa takot, ang manatiling tapat sa Hari o ang magpasakop na sa kalaban. Higit nang makitaan na ang sa ngayo'y reyna ng ibang mga kapangyarihan patunay na naging mas malakas na iyon. Kaliwa't kanan ang balitang may naglalabas- masok sa mga lagusan, at bawat pinto ay may di mabilang na katawan ng mga mortal na butas ang dibdib, laslas ang leeg at butas ang ilang parte ng katawan na para bang kinagat iyon ng isang malaking hayop na may matatalas na ngipin. Unti-unti ay nawala ang katiwasayan sa Isla gayon din ang malilimit na pagtatalo ng mga pinuno ng mga kaharian sa mga kung anu-anong bagay na hindi naman nalalaman ng ibang pinuno. Na para bang bawat kaharian ay may kanya-kanyang problema na ang itinuturong mga salarin ay ang mga kaharian na kasama namin sa pagkakaisa. Akala namin ay maipapanalo ang nangyaring digmaan. Subalit mali kami," nakita niyang pumatak ang luha nito. "Umasa kami nang tulong ng ibang lahi, ng lahat ng lahi. Mga lobo, mga elf, mga centaur, mga bampira. Subalit hindi namin alam na sila pala ang unang inatake ng gumawa niyon. Na bampira rin pala ang sasalakay sa amin.Tahimik ang bawat pagsalakay. Planado kung kaya hindi kaagad nakahingi ng tulong ang ibang kaharian nang salakayin ang mga iyon. Sa madaling salita, walang dumating na mga kaalyansa. Bumagsak ang kaharian ng Alexandria. Marami ang namatay," huminga ito ng malalim, "kasama ang iyong mga magulang. Sina Reyna Crisanta at Haring Alexandrio."
Nagmamadaling pinuntahan ni Alejandro ang ama nang makita ang mga itim na usok na agad pumalibot sa kaharian. Sa pagkakaalam niya ay naroon ang ama sa loob ng silid-aklatan upang makipag-usap sa hari. Subalit malayo pa lang ay nasalubong na niya ang ama at sinabihan siyang puntahan ang bawat pinuno ng mga pulutong at magbigay ng instruksyon. Hindi na kataka-takang nakita na nito ang mga parating na kaaway at ang mga usok sa paligid.
"Itim na salamangka," narinig niyang sabi ng amang si Mattias.
Iwinagayway nila sa pinakamataas na bahagi ng palasyo ang telang pula na tanda ng digmaan. Dahil hindi nila magagawang kalabanin ang salamangka ay wala silang puwedeng gawin kundi ang lumaban sa paraang alam at kaya nila. Sa pamamagitan ng lakas at bilis. Mabilis niyang ipinatawag ang mga salamangkero na nasa kaharian ng Alexandria. Ngunit sa pagkagulat niya ay lahat ng iyon ay dinatnan nilang walang mga buhay. Maraming kawal na mandirigma ang butas ang mga dibdib at laslas ang leeg. Dilat ang mga matang nakahandusay sa bawat pasilyo.
Pinasok sila ng kaaway nang hindi nila namamalayan. At hindi lang iyon iisa. Marami. Hindi lang salamangkera o mangkukulam ang naroon. May iba pa. Mga anak ng dilim. Mga bampira. Mga bampira at ang mangkukulam na si Maora. Si Maora na uminom ng dugo ng mortal at gumamit ng ipinagbabawal na salamangka na dahilan para magawa nito ang lahat ng iyon.
Nag-aalala man sa sariling kalagayan ay mabilis na kumilos si Alejandro para takbuhin ang isang pintong bukod sa ama, sa hari at reyna ay walang ibang nakakapasok. Pinto kung nasaan ang pag-asa ng kanilang lupain. Ngunit sa pagbukas niya niyon ay wala siyang nakita. Ni anino ng sanggol ay di niya nakita. Nagsimula niyang maramdaman ang init sa paligid. Sa gilid ng mga mata ay nakita niya ang unti-unting paglaki ng apoy. Apoy na unti-unting tumutupok sa kaharian.
BINABASA MO ANG
Isla Encantacia Series Book 1 PRIMAVERA- The Missing Hope
FantasySpring Mendoza has the life that every girl wanted for themselves. Marangyang buhay, mapagmahal na mga magulang, protective na kapatid at isang bestfriend na alam niyang hinding-hindi siya iiwan, bukod pa sa angking ganda, in and out with the brain...