"MAHAL KITA."
Iminulat ni Javier ang namimigat na talukap ng mga mata. Bigla ay nablangko ang laman ng isip niya bukod sa ang tanging naaalala lang niya ay ang pangalan. Subalit bukod sa pangalan ay wala siyang maalalang anuman. Sa isang sulok ng kanyang isip ay tila pamilyar sa kanya ang kinaroroonan ngunit hindi niya alam kung bakit at kung paano. Wala siyang matandaang anuman.
"Mahal kita."
Maingat na itinayo niya ang sarili mula sa pagkakahiga sa napakalambot na kamang kinahihigaan. "Javier."
Mariing naipikit ni Javier ang mga mata nang muling marinig ang tinig na iyon ng isang babae. Tinig na tila kumikiliti sa puso niya sa kung hindi niya malamang dahilan. Bilang isang bampira ay malakas ang pakiramdam niya kung kaya batid niyang ang naririnig na tinig ay hindi pagmamay-ari ng kung sinong nasa silid. Lalo't wala siyang nararamdamang nilalang na kasama roon. Kung gayon, kanino ang tinig na iyon? At bakit sinasabi nitong mahal siya? Bakit siya nito kilala?
Ilang sandali pa ay may narinig siyang mga yabag sa labas ng silid na kinaroroonan. Bagaman malawak ang silid at may kalayuan sa pinto ang kanyang higaan ay malinaw niyang naririnig ang lahat sa labas niyon. Ang ihip ng hangin, ang pagkilos ng mga nasa labas, ang paglagablab ng apoy, ang pagtatama ng mga espada na tila nagsasanay, ang mahina at banayad na paghinga ng di mabilang na nilalang at ang nakababaliw na pagpintig ng puso ng mga iyon. At higit niyang ikinamangha ay ang amoy ng dugo na halos bumabaliw sa kanya at nagpapakirot sa kanyang bawat kalamnan. Naguguluhang tuluyan nang tumayo si Javier sa higaang pinaghimlayanng maramdaman ang kirot sa kanyang lalamunan na tila gustung- gusto niyang tikman ang dugong nalalanghap sa hangin. Ano'ng klaseng nilalang ba siya para hangaring matikaman ang dugong iyon na langhap na langhap niya at nagpapahirap hindi lang sa kanyang lalamunan kundi sanhi nang nararamdaman niyang matinding gutom at nagpapahilab sa kanyang sikmura.
"Ano ang nangyayari sa akin?," paangil na tanong ni Javier sa sarili.At mula sa kinatatayuan ay napabaling ang kanyang atensyon sa pintong may ilang hakbang mula sa kanya. May humintong kung sino sa labas niyon. Naramdaman niya ang higit pang pag-iinit ng lalamuna sanhi ng palakas ng palakas na amoy ng dugong nalalanghap. Nakita niya ang mga kukong tila humahaba at may nararamdaman rin siyang lumalabas na kung ano sa kanyang bibig. Umaangil na tumingin si Javier sa pintong binubuksan na nang mga sandaling iyon. Nalilito man sa nangyayari sa sarili ay hindi niya magawang ituon ang pansin doon dahil sa kakaibang gutom na nararamdaman. Wala siyang sagot na maapuhap sa isipan niya. Wala siyang maalalang kahit na ano. Wala siyang alam na anuman patungkol sa sarili bukod sa taglay na pangalan.
"Javier," sa pagbukas ng pinto ng silid ay ang tinig na iyon ng isang magandang babae na may matapang na awra ang bumungad sa kanya. Hindi lang basta matapang kundi napakalakas ng awrang nararamdaman niya mula rito. May kung anong itim na kapangyarihan ang nakikita niyang nakapalibot sa babae. Mayroon ding hindi mabilang na mga aninong nagtatago sa likod nito. At ang mga iyon ay may kung anong hatid na takot sa kanya.
"S-sino ka?," tanong ni Javier na lalong nananakit ang bawat kalamnan. Lalo na nang makita niya ang dalang kopita ng babae. Puno iyon ng kulay pula at malapot na likido na kitang-kita niya sa parang napakalinaw niyang mga mata.
"I brought you a liquor," sabi ng babaeng ipinatong ang kopitang may laman sa mesang nasa gilid ng pinto. Ipinatong rin nito sa mesa ang may kalakihang bote na noon lang niya napansing dala rin pala nito. "C'mon child, get your drink. Magpakabusog ka."
Hindi nakapagpigil na mabilis na nilundag ni Javier ang kinaroroonan ng mesa at agad na tinungga ang laman ng bote. Dugo! Iyon ang nalalanghap niyang laman ng bote. And he was now drinking a bottle of blood but he doesn't care. All he cares about is to fill in the hunger and the thirst that he is suffering for. Sa ilang lagok ay binitiwan na niya ang bote at hinayaan iyong magkalat sa sahig tulad ng mga patak ng dugo na tumutulo pa sa kanyang bibig.
BINABASA MO ANG
Isla Encantacia Series Book 1 PRIMAVERA- The Missing Hope
FantasySpring Mendoza has the life that every girl wanted for themselves. Marangyang buhay, mapagmahal na mga magulang, protective na kapatid at isang bestfriend na alam niyang hinding-hindi siya iiwan, bukod pa sa angking ganda, in and out with the brain...