"I WANT to talk to you," gulat na napalingon si Summer nang marinig ang tinig na iyon ni Alejandro.
Tatlong buwan mahigit na ang lumipas na magkakasama sila sa lugar na iyon na tinatawag ng mga itong Isla Encantacia na ni sa hinagap ay hindi niya akalaing totoo palang talaga. Noong wala pang malay si Spring ay inihatid na ng grupo ng mga bampira at ilang mga manggagaway ang mga mortal na ikinulong ng kalaban ng kaibigang si Spring, si Maora. Ayon sa narinig niya ay binura ng mga manggagaway ang alaala ng mga mortal upang makalimutan ang mga malagim na bagay na pinagdaanan sa Isla. Nakita rin niya noong nakaraan ang mga kinilalang magulang ni Spring. Masaya pa siya ng mga itong niyakap at sinabihang huwag siyang mag-alala sa kanyang mga magulang. Ang mga ito na ang nagbigay ng impormasyon sa mga iyon na naisipan lang nilang mamasyal na magkaibigan sa ibang bayan kasama si Alejandro bilang treat sa kanya sa kanyang debut. Dahil magkaibigan naman ang mga iyon ay hindi na nagduda pa ang mga magulang niya ayon sa mga ito. Nagpasabi na lang rin ang pamilya Mendoza na hihintayin sila sa mansion. Napabuntung-hininga na lang siya sa naalala.
"You want to talk about what?," takang tanong niya sa binata nang balingan niya ito. Nagulat siyang sinundan siya nito. Lumabas siya sa bulwagan at nagpunta sa terasa sa palapag na iyon matapos makitang tinanggap na ng kaibigang si Spring ang proposal ni Javier na kasal. At masaya siya para sa kaibigan. Ilang ulit niyang ipinagdasal na huwag danasin ng kaibigan ang dinadanas niyang hirap at sakit dahil sa lihim niyang pagtingin sa kapatid nito. Lalo na nang malaman nilang anak pa pala ni Maora, ang babaeng pumatay sa mga magulang ni Spring, si Javier na nagpapatibok sa puso nito. Napabuntong-hininga siya.
Kung tutuusin ay sabit lang siya roon. Ngayong tiyak na niyang ligtas na ang kaibigan at may poprotekta na rito ay puwede na siyang umuwi sa mundo niya. Namimiss rin naman na niya ang mga magulang at ang nag-iisang kapatid. Matagal na niyang hindi kasama ang mga ito, idagdag pa na wala silang komunikasyon dahil mukhang hindi uso sa islang iyon ang paggamit ng mga gadgets. Siguradong masasabon siya ng mga ito pag-uwi niya.
Malulungkot siyang tiyak dahil malaki ang posibilidad na hindi na niya kasamang bumalik pa sa kanilang mundo ang matalik na kaibigan subalit masaya na rin si Summer para rito dahil nalaman na nito ang totoong pagkatao. At may isa ng lalaking magmamahal at poprotekta dito.
At tiyak din siyang malulungot siya dahil hindi na niya masisilayan ang kanyang irog na si Alejandro. Kaya susulitin na niya tutal hindi naman siya ang lumapit sa lalaki kundi ito ang mismong lumapit sa kanya sa pagkakataong iyon. Napangiti siya.
"You want to go home?," tanong ni Alejandro sa kanya.
Bigla ay parang sira na napasimangot siya.
Damn!
Kahit kailan talaga ang lalaking ito ay panira ng moment.
"Pinaaalis mo na ako?," sarkastikong tanong ni Summer. Kahit kailan talaga hindi na sila magkakasundo nito. Sayang ang pagtingin niya sa ubod ng supladong binata.
Nagulat naman si Alejandro sa naging reaksyon niya. "It's not what I mean. Ang ibig kong sabihin ay kung gusto mo nang umuwi sa pamilya mo, atleast let's do that after the celebration. Kahit ilang araw pa? O kaya kahit ilang Linggo pa?," nag-aalangang tanong nito.
Ano bang problema nito? Ilang araw o Linggo pa? Kaya pa ba niya? Eh heto nga, nahihirapan na siyang ikubli ang nararamdaman niya para sa lalaki.
"J-just days Alejandro," nabiglang sabi niya. Gusto niyang sapakin ang sarili. Bakit ba magtatagal pa siya roon? 'Di ba nga sabi niya nahihirapan na siyang ikubli ang nararamdaman niya?
"Make it a week, Summer," maawtoridad na sabi ni Alejandro na ikinasimangot niya. Tinanong-tanong pa siya nito samantalang ito rin naman pala ang masusunod. Akmang sasagot pa siya nang magsalita itong muli, "Iko-convince ko si Spring na bumalik na muna upang matupad ang mga pangarap niya at makapag-aral tulad ng plano ninyo bago siya mag-stay dito. I would talk to the elders, too."
Naguguluhang tinanong niya ito."And why is that?"
"I want to come with you," seryosong sabi ng binata habang titig na titig sa mga mata niya.
And just like that, Summer's stupid heart beats so fast and wild once more. Buti nalang hindi ito isang bampira kaya safe ang bawat heart beat niya. Hindi nito maririnig.
Smiling, she turned her back to him. Nilandas niya ang daan pabalik sa bulwagan. Parang gusto niyang magsayaw at magkakakanta.
"Summer?," tawag ni Alejandro sa kanya.
"Okay," tipid niyang sagot.
Pero sa loob-loob niya gusto niyang magsisisigaw sa sobrang saya. Imagine, Alejandro, her dream man told her, 'I want to come with you'. Nabuhayan siya ng pag-asa.
Maybe. Just maybe, they have the same, you know. Feelings.
BINABASA MO ANG
Isla Encantacia Series Book 1 PRIMAVERA- The Missing Hope
FantasíaSpring Mendoza has the life that every girl wanted for themselves. Marangyang buhay, mapagmahal na mga magulang, protective na kapatid at isang bestfriend na alam niyang hinding-hindi siya iiwan, bukod pa sa angking ganda, in and out with the brain...