'Blessed the Lord, O, my soul, oh my soul, wordship His Holy Name; sing like never before, oh my soul, I'll worship your Holy Name,' naririnig ni Spring ang awit na iyon na tila napakalapit lang sa kanyang tainga ang umaawit. Napakaganda ng tinig ng kumakanta. Malamyos iyon at napakasarap pakinggan.
'The sun comes up it's a new day dawning, it's time to sing your song again; whatever may pass and whatever comes before me, let me be singing when the evening comes,' patuloy niyang naririnig ang magandang awitin.
Nasa langit na ba ako?
Ganoon ba talaga ang kinakanta sa langit? Naaalala pa niyang narinig niya ang kantang iyon sa simbahang dinadaluhan bago dumating sa buhay nila sa Cornelia at bago nangyari ang lahat ng iyon. 'It's a new day dawning'. Bagong umaga. Bukang- liwayway. Bagong pag-asa. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Javier sa kanya minsan, "Primavera. Spring o anuman ang itawag namin sa'yo, isa pa rin ang kahulugan niyan. Tagsibol. Bagong pag-asa."
Ngunit kung siya ang sumisimbolo sa pag-asa paano na iyon ngayong parang patay na yata siya? Pinilit niyang igalaw ang mga kamay subalit parang may kung anong nakadagan roon dahilan kung bakit hindi niya maikilos maging ang mga daliri. Maging ang buong katawan ay hindi niya maikilos, ang mga mata ay hindi niya magawang imulat.
Ano'ng nangyayari? Patay na ba talaga ako?, natatarantang tanong niya sa sarili habang pilit na hinahalukay sa isip ang lahat nang nagyari bago siya mapunta sa sitwasyong iyon. Ngunit wala siyang maalala. Kahit ano'ng pilit niya ay wala siyang maalala.
Pakiramdam niya ay ubos na ubos na ang kanyang lakas sa pagpipilit na makagalaw ngunit nabigo siyang gawin iyon maski ang mga daliri ay hindi niya magawang pakislutin man lang. Para siyang tuod na nananatili lang sa kinaroroonan. Alam niyang nakahiga siya. Naririnig niya ang puso niya na papahina nang papahina ang tibok. Ngunit meron din siyang ibang naririnig na nagsimula sa mahina na sa katagalan ay naging malinaw na sa kanyang pandinig.
Mabibilis na pintig ng puso ang mga naririnig niya. Mga pagsinghap. May nararamdaman rin siyang tila patak ng tubig sa kanyang mukha ngunit di niya alam kung ano iyon at kung saan nanggagaling. May naririnig din siyang mahihinang tunog na tila paghikbi.
Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Gusto niyang sapuin iyon subalit hindi niya maigalaw ang katawan. Gusto niyang humingi ng tulong. Pero paano? Kanino?
Wala siyang maigalaw maski isang daliri sa kanyang kamay. Ni hindi niya maibuka ang bibig. Pinipilit niyang gumalaw. Pinipilit niyang magsalita. Pinipilit niyang magpakawala maski ungol. Baka sakali. Baka sakali ay may makarinig sa kanya. Natigilan na lang siya nang may marinig na pagsigaw.
"Spring!"
Si Summer iyon. Kilala niya ang boses na iyon ng kaibigan. Bakit ito sumisigaw? Kailangan na niyang magising dahil kailangan siya ng kaibigan. Di siya pupuwedeng basta mamatay roon samantalang ang bestfriend niya ay pinahihirapan ng kung sino.
"Spring! Wake up! Please!," naririnig niyang paulit-ulit na sabi ni Summer. She could feel her hands holding hers.
'Summer, help me. I have to wake up. For you', sigaw niya sa isip.
"Andro, I swear I heard her moan," ani ng kaibigan na tila nagagalit na.
"Calm down, Summer," narinig niyang pagpapahinahon ng kuya niya sa tila naghihisteryang babae.
Ano bang nangyari? Ano'ng nangyari sa kanya? Ilang sandali pa ang lumipas ay naramdaman niya ng paghawak ng kapatid sa isa niyang kamay.
"Spring, if you can hear me, please," nakikiusap ito sa kanya sa napakahinahong tinig bagaman nababakas roon ang pag-aalala. "Calm down. And do your best to feel relax and open your eyes."
BINABASA MO ANG
Isla Encantacia Series Book 1 PRIMAVERA- The Missing Hope
FantasiaSpring Mendoza has the life that every girl wanted for themselves. Marangyang buhay, mapagmahal na mga magulang, protective na kapatid at isang bestfriend na alam niyang hinding-hindi siya iiwan, bukod pa sa angking ganda, in and out with the brain...